Friday, April 29, 2011

50 tables na!!!

Buong pagmamayabang na sinabi ni Water Ludy sa isa niyang kausap kagabi na "50 tables na ang guaranteed attendees".

Ito ay mula sa naunang 44 noong isang araw.  Ito naman ay dapat talaga ikatuwa, lalo na ng may ari ng kainan dahil wala pa din ito sa kalahati ng pinareserve ng tropang Water Ludy at Mary Eta.

Pero paano nangyari na one or two days before ng activity ay nadagdagan ng anim na lamesa ang mga pupunta?

Aba, nagdagdag sila ng mga imbitado!



Nakatanggap umano ng invitation galing sa Brigade ang Fighter, Central, United, Federation at last but definitely not the least, ang TXTFire!!

Oh, de bah?

Ang galing!!!

Parang mga multipliers, pati mga taga ibang association gagamitin nila.


Sigurado namang hindi pupunta ang mga taga Fighter dahil sa paninindigan ng mga ito.  Ewan ko lang sa Central, United, Fed.  

Ang TXTFire, siguradong pupunta.  Siyempre isang malaking bagay sa kanila ang maimbitahan sa okasyon ng Brigade.


Tanong ko lang, magpagamit kaya ang mga officials ng Central, United at Fed kina Water Ludy?

Pag nagpunta sila dun, ang purpose lang naman nila Water Ludy ay mapakita sa mga bisita na "madami din ang Brigade".  Siyempre sa mata ng mga VIP, hindi nila madidistinguish kung sino ang member ng Brigade at sino ang bisita lang din gaya nila.


At ito ang pinaka-matinding tanong sa lahat :
 Gaya ng mga libreng lamesa na pinapa-alok kay Center-5, sino nanaman ang magbabayad ng extra 6 tables na ito?  Dahil sa sasabihin nila na mga Bisita ang mga taga ibang assosasyon, kukunin nanaman ba ang pondo sa pera ng BRIGADE???


Aba, parang malversation yun ah!

6 comments:

  1. Kahit umabot pa ng 100 Tables yan mas masaya.

    AS LONG AS YOU USE YOUR OWN FUNDS !!!!

    ReplyDelete
  2. PAG AKO ANG NAGING PRESIDENTE.

    DI AKO MANININGIL NG TABLE. KAHIT SA CHRISTMAS PARTY SASAGUTIN KO LAHAT.

    AKO ANG SASAGOT SA LAHAT. DI MGA KASAMAHAN BRIGADA KO ANG MAGBABAYAD.


    TAMA BA PARENG NOVA 1???

    ReplyDelete
  3. nangangampanya ka na eagle 3? hahaha

    ReplyDelete
  4. tama ka pareng Eagle 03,

    para sakin kaw ang president namin,

    pakain ka naman.............

    at pagusapan din natin about sa xmas party.

    hehehehhehehe.............

    ReplyDelete
  5. Di naman mga kapatid, Opinion ko lang yan, Kung gusto mo kasi mag pakitang gilas.

    Dapat lang sariling sikap mo at di yun nang gagamit ka ng ibang Tao.

    Dami ibang magagandang restaurant diyan kung tayo tayo din lang mag bayad ng table natin eh di tayo na din pumili ng lugar.

    Di ba mga kapatid.

    ReplyDelete
  6. Ayan Nagpaparamdam na ang isang tao diyan....

    Sundan and susunod na kabanata... :) :) :)

    ReplyDelete