Sunday, April 17, 2011

Ano nanaman ba talaga Achi?


May lumabas nanaman na press release at lumabas pa sa ilang leading news channels, ang ginawang MOA signing ni Mr. Violet sa BFP na sinaksihan ni Mayor Lim.

Wala naman problema dito, at akin pang ikinakatuwa ang bagong "achievement" ng TXTFire na ito.

Subalit, ngunit, datapwat, curious lang ako.  Sa isang news release, sabi si Water Ludy daw na presidente ng APVFBI ay kapartner ng TXTFire.

Ibig ba sabihin nito ay isinusuko na ni Water Ludy ang APVFBI sa pagpapailalim nito sa TXTFire?

Anoba talaga?  Under ba ng Brigade ang TXTFire?  Separate entity ba ito?  O, ayon sa lumabas sa pinakahuling balita, e under na tayo ng TXTFire?

Ano ba talaga achi?


Maaalalang nagkaron ng matinding balitaktakan sa isang meeting ng mga directors noong nakaraang taon kung saan labis na pinagtalunan ang issue na ito. 

As a result, naglabas ng Board Resolution ang board ng Brigade na considered dual-membership para sa mga miyembro ng Brigade ang pagiging member din ng TXTFire, kung kaya naglabas ng resolution na alisin ang mga sticker ng TXTFire sa mga truck na member ng brigade.

Are we doing an about face and having a complete reversal of policy direction with the incoming officers?


How can the incoming officers command the respect and dedication and loyalty of those they wish to govern if they are not loyal to the Association themselves?

Water Ludy, CP, Mary Eta, loyal ba kayo sa Brigade?

Kanino ang loyalty mo, sa Tao ba o sa Association?

Ikaw ka-bumbero, loyal ka ba sa Brigade?

Kung loyal ka sa Brigade, ipakita at iparamdam ang iyong "disgust" at pagka-inis sa mga nangyayari sa pamamagitan ng di pagdalo sa katapusan.

Kaya naman natin kumain dun ng tayo lang e, di natin kailangan ng libre!

6 comments:

  1. Loyalty ba kamo Sir reformist???
    Di ba kitang kita sa mga Fire Truck nila na naka dikit ang text Fire sticker...
    At may OmGee tandem pa para matiyak na di pwede tangalin ang Text fire Sticker sa mga truck.
    Ang Tanong dapat ay:::
    ANU NGA BA TALAGA ANG TXTFIRE????
    Asosasyon ba to ng ibat ibang grupo ng mga bumbero??? O isang Sistem na pwede pagamit sa lahat???
    Ngunit ang magulo lang eh... Sino ang naloloko??? at Sno ang nag loloko??? Ang bumbero ba na member ng txtfire?? o ang mga pinuno ng textfire???
    Mabubuhay ba ang textfire pag ang mga myembro nito ay tulad ng mga myembro ng "FIGHTER" na loyal na loyal sa kanilang grupo???
    Nagtatanong lang po mga Kuyang...

    ReplyDelete
  2. Mahirap talaga magtiwala. Noong isang taon lang napagusapan sa Directors meeting na pinuputol na ang ugnayan ng APVFBI at ang txtfire. ilan buwan lang nakaraan, eto na sa diyaro naka press release pa sa isang pahayagan, ang incoming president ng APVFBI iniendorso ang MOa signing ng BFP at txtfire. may approval kaya ito ng board na sumali sila sa moa signing ng txtfire at BFP. hindi kaya ito isang pagtataksil sa brigade.

    ReplyDelete
  3. Myembro ng FIGHTER loyal na loyal sa kanila? Alam natin lahat na hindi totoo yan. Nanghihinayang lang ang mga myembro nila sa binayarang entry fee kaya d umalis. Kung totoong loyal sa kanila mga member nila bakit d alisin ng Fighter ang restriction sa membership. Kung talagang Loyal sila, sila mismo hindi magpapamember sa ibang association kahit walang restriction.

    Isang halimbawa nalang. Bakit ang Chamber member ng Txtfire? eh ang OGT at South san nicholas d ba't mga myembro din ng Txtfire?

    Asan ang loyalty?

    Gumawa lang ng pulitika mga association nila at na insecure sa sarili kaya nagpatupad ng restrictions eh. Asan ang pakikipagkaibigan nila? Samantalang ang Emeritus nila myembro din ng ibang association(Philippine Red Cross).

    Tanong ko lang, Tama ba ako?

    ReplyDelete
  4. Chic chic/ wakanga/ Hitler, bakit po nating kailangan icompare ang brigade at iba pang grupo. sorry to say kung gusto nyo ang patakaran sa FIGHTER eh bakit di nalang doon kayo sumali?

    ang sa akin lang, focus po tayo sa brigade, may problema, hanapan natin ng solusyon.

    ReplyDelete
  5. Tama po kayo Sir akolang. Di naman sa gusto natin patakaran ng Fighter... Nabanggit lang po...
    Ogt txtfire meber?? Chamber???Tlaga lang ah..
    Baka naman mali bugwit niyo chic chic...

    ReplyDelete
  6. Red Cross is a neutral entity.. Kahit ako sasali sa kanila ngunit dapat may linaw kung paano ang palakad lang di po ba??

    ReplyDelete