Tuesday, April 26, 2011

Christmas Party Food Poisoning!!!

Ako lamang ay may nakausap na ilang tao nung nakaraang araw na nagkwento na sila daw ay tila na food poison sa Christmas party na ginawa kung san gagawin ang moro-morong "induction" nila Water Ludy sa katapusan.
 
 
Akin sanang hindi papansinin ito ngunit ng may mga nakausap din akong mga tao na taga ibang brigada tungkol dito, sila din daw ay nakaranas ng Pagtatae at Pagsusuka pagkatapos ng party.
 
Akala daw nila ay isolated at sila lang, subalit nung mabalitaan ang aking nabalitaan, sila mismo ang nagkumpirma na di lang pala isang brigada ang apektado dito.
 
Kayo ba, may nagtae din ba sa inyo pagkatapos ng Christmas party?
Ayon sa mga chismoso, may isa pa daw na naospital dahil dito.
 
Kung totoo ang balitang ito, aba, e bakit dun pa din gagawin ang kainan?
 
Oo nga at talagang nakakasira ito sa pangalan ng establishimento na pagdarausan ng "handaan" pero e ano ngayon?  Better safe than sorry di ba.
Tutal ako naman ay patuloy na tinutugis ng NBI na tropapips ni pereng Diyes!  

NBI =  Nagkakaisang Bumberong Intrigero

2 comments:

  1. correct po yan, 3 sa anim nakaranas ng LBM, pero napansin ko last xmas party ng brigade eh, napakadami ng guest, pero given na yan, akin lang sana naman eh nakaready na table for them hindi yun sisiksik nila sa table ng brigada. kc bayad ng brigada yun. at magtanong muna kung puede b mgpaupo ng guest doon,

    ReplyDelete
  2. mga ahia, nandun din naman po ako sa xmas party ng brigade, di naman po ako nag-LBM. may mga pagkukulang po sa pag-usher at pag-bigay ng upuan sa mga guest. pero di ba dapat mag tulungan tayo para maging maganda at maayus ang party?

    oo nga pala, napansin nyo po ba yung gate-crashers?

    ReplyDelete