Tuesday, April 5, 2011

Kaso laban kay Sec Gen, naisampa na!!!

Walong kaso umano ng pamemeke at panunumpa ng walang katotohanan ang isinampa laban kay Sec Gen Mary Eta ngayong araw.

Ayon sa aking bugwit, dapat daw kahapon ay isinampa na ang kaso subalit busy umano ang mga tropang Repormista sa kanilang mga raket kung kaya ngayon lamang nagawang isampa ang naturang kaso.
Tinatayang makatatanggap na ng asunto/summon o Subpoena si madam Sec Gen Mary Eta ano mang araw mula ngayon.

Isang bagay lamang ang napuna ng ating bugwit.  Sa orihinal na anim na nagsampa ng unang kaso, tila apat lamang dito ang kasama sa bagong kaso.  Bukod pa dito, may isang bagong pangalan ang kasama sa nagrereklamo ngayon.  
Lubos na pinagtataka ng tipak na ito kung bakit dalawa sa orihinal na reklamador ay hindi kasama sa bagong kaso.  Bakit kaya?

May mga tsismis na umatras na umano ang dalawang bagitong Director ng Brigade sa bagong kaso bunsod ng mga pangako galing sa kampo ni Madam Water Ludy.  
Ano naman kaya ang ipinangako ni Madam Water Ludy sa dalawang bagitong ito?  Tototohanin naman kaya ni Madam Water Ludy ang nasabing pangako gayong bistado na ito na laging napapako ang kaniyang mga pangako?

Isa pa, sa pagtangging pumirma sa bagong reklamo, ibig ba sabihin nito ay aatras na sila sa naunang demanda?
Abangan!!!

1 comment:

  1. Mukhang nagsimula nang manggapang sila "Mary Eta" et.al .....

    ReplyDelete