Wednesday, April 13, 2011

Mga Director, nainsulto DAW??

Muntik magsuntukan ang dalawang Director ng dalawang brigada sa downtown kaninang umaga nang mapagusapan ang tungkol sa magaganap na "induction" sa katapusan ng buwang ito.


Ayon sa mga tsismoso, una na umanong tinanong ni Director A si Director B kung pupunta siya sa "induction".  Sagot daw nito ay OO, bagay na kinatuwa naman ni Director A.
Sa di inaasahang pagkakataon, dumating ang subscription niya ng diyaryo para sa araw kanina kung saan nakalathala ang naging induction ng mga opisyal noong April 1 sa Manila Hotel na pinangunahan ni CJ.

Nag-comment umano si Director B at sinabing "o, e naginduct na pala e, bakit ano pa ang meron sa katapusan?"

"Hindi, magiinduction ulit para mapanood ng lahat", sagot naman ni Director A.
Hanggang sa mag-intsikan na daw ang dalawa na hindi masyadong nasundan ng tsismosong nagbulong sa akin.  Ang malinaw daw ay si Director A, sinisingil at pinapaalala umano kay Director B ang bayad sa induction, bagay naman na kina-insulto ni Director A dahil sa kaniyang palagay, siya ay inuuto o "gina-gago" (sa kaniyang sariling pananalita) ng kausap.

Bakit pa daw siya sisingilin, e nag-induct naman na daw pala at hindi man lang siya inimbita.  Manila Hotel pa!
Agad naman nagtawag ng iba pang mga direktor ng  ibang brigada na tropapips niya itong si Director A upang ikwento ang nangyari.

Ang pagtatapos, nagdesisyon umano ang mga director na wag na magparticipate sa naturang pagtitipon sa katapusan dahil ito daw ay punong puno ng panloloko at pang-uuto at pang-ga-gago.
Dahil dito, ilang brigada, maging ang mga nasa probinsiya ang nagatras ng kanilang pagsali sa naturang pagtitipon.  

Ayon sa huling bilang, walong brigada pa lang umano ang nagbabayad ng kanilang mga table.

Ano pa nga naman daw ang kanilang pupuntahan, kumbaga, yung "essence" ng occasion ay nawala na dahil sa naturang panlilinlang at panloloko ng kampo ni Water Ludy.
Kung may inimbitahan umanong importanteng tao sa katapusan, ito din daw ay nakaka-insulto sa taong ito kung magpapa-induct sila ulit e na-induct na nga naman sila.  

Ang mangyayari sa katapusan neto pag nagkataon ay "for show" na lang.

Parang iniinsulto nga naman ng tropang Water Ludy ang "intelligence" ng mga taong dadalo sa katapusan.  Ina-announce induction e na-induct naman na pala.

Ang mahal pa ng singil per table.  Tiyak na kumita nanaman daw dito si Mary Eta.

1 comment:

  1. correction hindi nainsulto kundi talagang ininsulto ng tropang FFG FAKEFAKE GROUP

    ReplyDelete