Sunday, July 31, 2011

Center 5, ok ka lang?

Sa sunog kanina sa Banawe/Cuenco, radyo ng radyo itong si Center-5, pinapatanong kung malapit ba yun sa 108.


Ilang beses din shout ng Brigade Base kanina, pero walang sumasagot.  Naguusap usap mga nasa fire scene na walang sasagot dahil nakakainsulto nga naman sa kanila na busy busy sila tas ang Fire Marshall magraradyo para lang magtanong kung malapit sa isang bahay.  E para nga namang hindi tama yun!
Kung tutuusin daw e dapat andun siya, anong klaseng Fire Marshall ba naman daw siya.



Anyway, siyempre fire marshall ang nagpapashout, hindi tinantanan ng mga operator ang pagshout!  Bandang huli, naisipan nila na si Newville-1 ang hanapin.  Makalipas ang limang beses na paghahanap, sumagot naman ito at sinabing malayo naman yung tinatanong ni fire marshall.
Ok na sana, kaya lang sagot ni Fire Marshall "ah, ok, salamat.  May request kasi kami eh".



HUWAT!?!?
May request pala kayo e bakit radyo radyo ka pa, di ka na na lang magpunta dun, request naman pala sa inyo.



Pinagyabang mo pa!   Hahaha!

Friday, July 29, 2011

Dear Omar Francisco,

Wala lang, gusto lang kita batiin.  Pero ayaw ko na batihin mo ko.


Kaya heto na ang aking pagbati :
Atty. Omar Francisco, PUKAW NA MO!!!



Bwahahaha!
Asawa mo lambingin mo wag yung kasama mo kanina loko!


nakikita kita ako di mo nakikita!
Bwahahaha.



J, tanong mo kuya mo kung sino kalampungan niya kanina.   Hahaha...

Kay Rolley So naman tayo

Pansin niyo ba kung anong kalokohan ang nangyayari sa communication natin ngayon?  Di malaman kung ang set-up ba ang may problema o ang mga bagong operator o ang communication chief na si Subic-DELTA e.



Anong klaseng communication chairman ba yan?  Asan na ang mga pinangako niya nung mga unang meeting na papagandahin ang set-up?  Parang lalong lumalala ah.
At anong klase ba naman mga pinagkukuha niyang mga bagong operator.  Puro di naman maaasahan!   Katawa-tawa pa pag nagradyo, nagiging tampulan ng kalokohan ang Brigade, samantalang dati ay ang taas ng reputasyon natin.  Ngayon, sobrang baba!


 San ka ba galing na hinayupak ka?  Ayoko sana magsalita ng di maganda dito, in fact, di pa ko nagsalita ng di maganda na sakin mismo galing, ngayon pa lang, pero yun nga, san ka ba galing na damuho ka?!


Di ka naman kasama sa mga pinagbotohan ah.  Pano nangyari na bigla ka na lang sumulpot at ikaw na ang communication chairman?   At kung hindi pinagbotohan, lalong wala ka sa limang candidate dapat na pwede maging communication chairman!


Masarap bang makakuha ng isang bagay na hindi pinaghirapan?   Pareho ba kayo ng karakas ni UBE na mahilig magnakaw?   Maaring tanong mo kung paano ka nagnakaw, aba, ang kumuha ng hindi iyo, di ba pagnanakaw yun?



Balikan natin ang nakaraan...



Hindi ba at member ka ng Movers at ang callsign mo e Movers-20?!   Hindi ba at pinakialaman mo din ang communication ng grupong ito?  Ano ang kinalabasan?!  Hindi ba bingengot?



Sa Federation, di ba member ka pa din dun?  At di ba pinakialaman mo din ang communication ng FED?   Ano nangyari?  Di ba bingengot ulit?!



Se Central, di ba opisyal ka din dun!?   Di ba pinakialaman mo din ang communication ng Fire Control?   Ano nangyari?  Palagay ko alam niyo na ang sagot, kung hindi baka pati kayo bingengot na din!


Isa kang tao na garapal sa pwesto, nagpupumilit ng hindi naman sa iyo!


Ang angas mo magsalita, wala ka naman alam kundi manggamit lang ng tao!    Alam kong alam mo kung ano ang sinasabi ko tungkol sa paggamit ng tao!



Para kang si UBE na mayabang at mataas ang tingin sa sarili puro show lang naman.   Deep within ang sama ng pagkatao mo!


Alam ng lahat na kaya ka pinilit na mailagay ni Mary Eta at Water Ludy, sa utos ni Mr. UBE do good deeds kuno, ay para pagtakpan ang mga katarantaduhang pinaggagagawa ni 21 sa communication!


Mga sikretong papatay sa set-up ng TXTFire kung mabuking!



Center 5, may suporta ba ng mga bumbero?

Sa tanang kasaysayan ng APVFBI, sa dinami-dami ng mga naging Fire Marshall, akala ko ay kay Papa-5 na ang all-time low ng level of support nga mga nasa operation para sa isang Fire Marshall.



Mas grabe pa pala ang level ni Center-5.
Tsk tsk tsk.



Sa nagdaang huling dalawa o tatlong gatherings o okasyon, mukhang halata o obvious ang pinapakitang pangde-dedma ng mga tao kay Center-5.  Hindi lang kay Center-5, kundi pati kay Rowli Sow.  Pero next blog na natin pagusapan kalokohan ni Roli Sho.


Tanong ko lang, di kaya napapansin ni Center-5 ito o talagang manhid lang siya o baka nagtatanga-tangahan?



Miski sa sunog, walang sumusunod sa kaniya.  Anong klaseng Fire Marshall pala siya kung ganun?


Nung flower offering na huli sa sanctuarium, walang kumakausap sa kanilang dalawa.  Sa fellowship, binabara bara lang siya, parang hindi ginagalang.   



Mukhang malaki ang problema ng leadership structure ng Brigade.



Ok lang ba mabastos at magmukhang tanga, basta pwede mo ipagyabang sa labas na opisyal ka?


Oh well.

Thursday, July 28, 2011

Umuulan nanaman!

Ayon ulit sa mga hindi mapagkakatiwalaang mga sources, uulan nanaman daw ng mga kaso sa mga darating na linggo!




Kung sino ang magdedemanda at sino ang madedemanda, ating abangan!



Kung sino man ang mademanda o magdedemanda, aba, di pa ba kayo nagtatanda!?  


Kasi naman!



Bwahahaha!

Wednesday, July 27, 2011

Ang misteryo ng nawawalang pondo

Hindi alam ng marami sa mga bumbero, baka miski mga direktor, matagal na naguusap usap ang mga opisyal ng Voltron kung paano magagawang pagusapan ang isa sa mga malalaking halaga na nawawala sa Brigade.


Ito ay ang pondong sumobra sa mga donation para sa pagpapagawa ng ating pinagyayabang na Brigade Base.
Sabi nga ng isang kaibigan ko, "by fate or by design" ay biglang lumutang ang issue sa meeting ng mga Direktor nitong huli.



By all indications, mukhang hindi sinasadya ang pagkakabuking ng mga ito at siguro inakala nila na lulusot sila.  Pero sila mismo ang nag-offer ng information.
Kung paano lumabas ang matagal nang sikreto ng grupo ni UBE at ni TAN CHAO, abangan!



Kung magkano ang pinaguusapan natin dito, ABANGAN!
Kung sino ang kumita dito, ALAM NIYO NA YAN!


Kailangan pa bang imemorize yan!?
Bwahahaha!

Reformists, nagaway-away?

Ayon sa mga hindi mapagkakatiwalaang mga impormante, nagpulong daw kagabi ang mga Repormista sa isang kainan sa lugar ng Banawe.


Sa naturang dinner daw, pinagusapan ang mga susunod na hakbang na gagawin nila at updates sa mga nagawa na ng kanilang grupo.
Napunta daw umano ang usapan sa katatapos na JDR kung saan, pinagbawalan nga daw magblog si blogger.  Dito na daw nagsimula ang mainit na pagtatalo kung saan nagkataasan na daw ng boses ang mga dumalo sa meeting na ito.


Ang dahilan ng kaning pagaaway?
Nagbibintangan sila, nagtuturuan kung sino ba talaga ang Blogger.


Sino nga ba talaga?  Ibig sabihin, sila mismo di nila kilala kung sino?

Bwehehehe!!!

This is an unmoderated forum

Just so you know, while this blog indeed has an admin, it is something that cannot be dispensed with.  It's how the site was programmed.


However, know that the owner of this blog do not delete any of your comments, nor does he interfere with the stream of subscribers.  That said, it is informed that deleted posts or comments are done so by those who created them and not by the admin, as alleged by some circles.
Most importantly, there is no way to block access to anyone.  To begin with, how would we know who is signing up when not one of us uses our real identities here.


Umayos nga kayo!

Saturday, July 23, 2011

Dear J,

First off, welcome to the blog.  It's nice to have someone from "the other side of the fence" so to speak.


Secondly, yeah, I may not know your brother that well, but I know him enough to stand on all those posted here. 
 


Anyway, this blog does not in any way mean to discount whatever help, care and responsibility that he has taken upon himself when, as you say, your dad untimely passed.  I'm sure he is a good brother.  But this isn't about that.



Since you're here now reading the posts, I hope you take time out to read everything from the start so that you'll have more or less an idea on what this is all about.



This blog is not about being matapang or takot or duwag.  This is just about how, by fate or by design, a noble organization that we belong to has started to turn into tatters since your brother became part of it.



I understand your sentiments, I really do.  But next time you talk to your brother Omar, ask him how he really got himself into this.  If he really is a Director of the organization.  Then perhaps ask him, if his conscience really thinks he's on the right side.  If its of any worth at all.  Then maybe you'll comprehend.



I understand that this may just be a work or a job for him, but to all of us who belong to the Association of Philippine Volunteers Fire Brigades, this is a vocation and a way of life.  This is no place for dirty tricks and malicious play.  He can make money elsewhere, heck we may even hire him for crying out loud.  





But to those of us who risk our lives every time we go out of our way to save a stranger's life or property, his being here is a big insult.  





I appreciate you appreciating our rights, but this blog begs to differ in your insinuation that your brother Omar's rights are being trampled on.  I don't see how that was done here.  What goes on here is a free and unrestricted exchange of views.


Just a side note, your message getting through in one of the posts just goes to show that this is an un-moderated site.  



Your brother and his bestfriend Beegee went as far as to accuse us that we were blocking their membership and that we were deleting posts.  



Far from it.  



We would in fact welcome them here.  



To say that we were filtering who gets to post is a big lie.  I know that Beegee is a techie, and it is quite unbelievable to think that he wouldn't know how to sign up.  For all intents and purposes, to say that we were preventing them from signing up is highly malevolent.


But, you're here now.  Know that most, if not all posts here are verified.  For the few that aren't, feel free to comment on them.


Happy blogging and give our regards to your brother.

Friday, July 22, 2011

So kung di pala natuloy ang TXTFire training, sino lang ang tumuloy?

Tanong ng mga tsismoso, kung di daw pala natuloy ang TXTFire Exclusive training sa Taiwan, sinong grupo lang pala ang tumuloy?


Sabi ko, mali ang tanong niyo!  Ang dapat tanong niyo, totoo bang may EXCLUSIVE Training na para sa TXTFire?



Ang sagot diyan ay WALA!


Sunod na dapat itanong diyan ay, kung wala naman pala Exclusive Training para sa TXTFire, may nag-training ba!? 


Sagot po ay MERON!



Sino ang mga natuloy?


Eto ang sagot :  SILA
Maghanap na kayo ng kakilala niyo diyan at tignan niyo kung may taga TXTFire ba!?


Sinong sila?

OGT, San Juan Eagles, Tacloban Chamber, Tacloban Delta, Quiapo, North Binondo 28, Naga White, Tabaco, Tutuban at higit sa lahat LING NAM!


Sa makatuwid, wala palang Exclusive Training!  Kundi ito ay bukas para sa mga lehitimong Volunteer organization na ang primary objectives e ang pagbubumbero!


Ang TXTFire ba primary objective ang pagbubumbero?  



Ang sagot, HINDE!


Sapagkat ito ay isang FOUNDATION.  Ang purpose ng TXTFire ay MANGALAP ng pondo.  


Pondo na sana ay wag makurakot.


Hahaha.

Monday, July 18, 2011

Mr. UBE, galing mo talaga gumawa ng kwento!

Ngayong nabuking natin ang kalokohan at kasinungalingan ni Mr. UBE tungkol sa "exclusive training" daw ng TXTFire sa Taiwan, aba, may bagong pakulo itong si Mr. UBE.



Di ba sa naunang post natin sinabi natin na unang nagbigay ng sampung slot para sa Brigade, na di naman pinaalam ni Wilson Go sa Brigade, bagkus ay pinagamit sa TXTFire.


Tas nabuking sila na inangkin pala ng TXTFire nang kapal mukhang pumunta si Mr. UBE sa Manila Liberty Hall para humingi ng lima pa daw na slot.



Take note, bago pa man pumunta si Mr. UBE sa Liberty Hall, nag-text-blast na ito ng kaniyang kayabangan sa mga member ng TXTFire na may 15 slots sila, exclusive sa TXTFire members!
Ngayon, since buking na nga siya at nalathala na dito ang kaniyang kalokohan, ang broadcast naman niya ngayon ay SILA DAW ANG NAG-BACK-OUT!


Oh, divah!?   Super yabang at kapal ng mukha to the max talaga!
Nag-back out daw ang TXTFire sa training dahil daw noong una daw ay 15 slots ang binigay tapos daw ay binawasan at ginawang sampu na lang daw!


Oh, san ka pa!?  Di ba magaling gumawa ng kwento itong si Mr. UBE?
Ano ba talaga?!  Noong una ang broadcast ni kambal e nakaalis na daw at nakabalik na nga daw.  Tapos ngayong nabuking, sasabihing nag-back-out pala sila!? 


Galing!

Sunday, July 17, 2011

Mr. UBE, di ka ba kinikilabutan?

Ayon sa broadcast ng TXTFire, si Mr. UBE daw ang may pakana ng TXTFire at siya daw ang Founder nito.


Ito ang nakapost dun :
How it all started? Mr. Gerry Chua, Founder and President of TXTFIRE PHILIPPINES FOUNDATION, INC., a.k.a. Mr. Ube was very fond of texting. He loves to forward text jokes and news to his friends and relatives. Since Mr. Chua is a fireman himself, he decided to might as well text to his friends where the fire is. Until later, a friend called him and asked him not to send these messages as they were just disturbing him. Mr. Chua being a busy man forgot to erase his name on the group text. Until one day his friend approached him, and said thank you. Thank you because if not for the text of Mr. Chua, he would not know that there was a fire at back of his house. His friend at that time was in the market and his kids were still at home sleeping.



So then did Mr. Chua decide to make this bigger, better, and faster!


Ang tila nakalimutan niya sabihin sa "how it all started" na ito ay kung paano hindi magkakaroon ng TXTFire kung hindi niya ginamit ang Brigade!


Kung paano niya pinaikot ang mga direktor para mauto niya ang mga ito na tila Hudas na yumayakap samantalang may hawak naman pala kutsilyo sa likod para saksakin sa likod nang nagtiwala na ang mga ito sa kaniya.


Ni hindi din niya kwinento kung paano siya nakapagestablish ng ganitong systema para mapalaganap ang TXTFire.  Di ba ang txt-blast ay para dapat sa mga member ng Brigade?  Sa mga hindi nakakaalam, kasama sa kontrata ng SMART ang pagbibigay ng libreng txt para sa mga member ng Brigade pag may sunog.
Kung tutuusin, pati smart ay pwedeng magdemanda kay Mr. UBE!


Kung ating titignan, tila matagal nang pinagplanuhan ni Mr. Gerry "Do Good Deeds" Chua aka Mr. UBE ang bagay na ito kung saan magiging dominante ang pangalan niya sa larangan ng pagbubumbero.



Sa ngayon, hindi naman natin masisi ang mga brigadang nauto niya dahil di naman nila alam ang tunay na kwento ng TXTFire at higit sa lahat, ang tunay na pagkatao ni "Mr. UBE".  


Nakapagtataka lang na kahit hindi bumbero ngayon, basta malaking grupo ay pwedeng magmember sa communication ng TXTFire.  Wala ba kayo naaamoy?  O nakapagtataka nga ba talaga?


Buking ka na Mr. UBE!

Saturday, July 16, 2011

Center 5 at Rolley So, mukhang tanga?

Noong isang linggo, sa flower offering para sa papa ni Gryphon-FOXTROT, nagmukhang tanga umano itong sila Center-5 at Rolley-Polley-Magic-Candy doon.


Bakit?
Well, wala daw kumakausap sa mga ito at si Center-5 pa daw ang kailangan lumapit para may makausap ito.  Ang siste pa, kung ano lang daw ang tanong ni Center-5, yun din lang daw ang sagot sa kaniya ng kaniyang linapitan bago bumalik sa unang kausap.


Dalawa lang daw sila ni Roli Sho na naguusap at wala nang iba.
Ramdam kaya ng dalawa ito o talagang manhid na sila?


Anyway, tignan natin ang mangyayari mamaya sa Fellowship kung saan balak mag-pa-meeting umano ni Fire Marshall. 
Parang wala sa lugar ang meeting na ito.  Kung sa Brigade mismo e umaabot ng dalawang oras, di pa tapos ang usapan kaya nga nareset, sa Fellowship pa kaya?  Di kaya ubusin ng meeting ni Center-5 ang oras sa kaniyang pameeting samantalang dapat e nag-re-relax at nagsosocialize ang mga bumbero?


It defeats the purpose of the Fellowship kung magpapameeting si Center-5 dito!  The fellowship after all is that - a fellowship.
Ating alamin mamaya.

Tropang OMGee, missing in action!?

Dalawang magkasunod na Directors' Meeting na ang nagdaan at kapansin pansin na tila Missing In Action ang tropang OMGee nila Omar Francisco at Beegee Gregorio.



Huli silang nakita four meetings ago kung saan dagliang tumakas ang dalawa nang usapang legal na ang pinaguusapan.
Sari-saring haka-haka ang umiikot sa mga tsismosong bumbero, lahat ng ito tila sumusuporta sa nauna nang palagay na ang dalawa ay tila bayaran lamang umano ni Mr. UBE Gerrie Chua kung kaya umaattend ng meeting.



Tila di na ata sila DAW nababayaran ng tama kung kaya bitin na serbisyo na din ang kanilang pinagkakaloob sa grupo ni Water Ludy.   Naalala ko tuloy yung commercial na 20pesos ng cornetto!  

Hahaha!



Seriously, kung sila ay Direktor nga ng Binondo, gaya ng kanilang pinalalabas, ano na kaya ang nagawa nila para sa kanilang brigada?   May nai-donate na ba ang mga ito para sa kanilang grupo o sila pa ang pinagkakagastusan ni Mr. UBE Gerry Chua?



Hmmm...



Aminin!

Friday, July 15, 2011

Center-5, Uto-Uto kina Mary Eta!?

Nung gabi ng meeting ng mga direktor, isang "spy" ang nakikinig sa usapang naganap sa pagitan ng mga operator at ni Center-5.



Lahat kasi ng dumadating, binibigyan ng kopya ng mga operator ng kanilang sulat sa mga direktor.
Nang binigyan si Center-5 ng sulat, binasa naman niya agad ito.  Pagkabasa, tila gulat na gulat ang lolo mo sa kaniyang nabasa at sinabing "Bakit gumawa pa kayo ng sulat?  Sana sinabi niyo na lang muna sa akin para nagawan ko ng paraan at para naayos ko pa.  Di ba sabi ko lumapit lang kayo sakin?"



Sagot naman daw ng isang operator, "E sinabi naman namin sayo ang problema namin.  Wala ka naman ginawa, sabi mo pupunta ka dito para mareview yung mga files, e di ka naman nagpunta.  Nangako ka samin sabi mo punta ka dito, pero ni Ha, ni Ho, wala, di ka nagparamdam.  We were left with no choice!  Ikaw nga inaasahan namin pero ano ginawa mo?  Wala!"



Depensa naman daw ni Center-5, "E pupunta nga sana ako, kaya lang hindi ako pinayagan nila Mary Eta.  Hindi daw kasi under sakin ang Communication.  Kay Communications Chairman lang daw, wala daw ako say sa inyo."
"E ano man lang yung sabihin mo sana na di ka na pupunta, hindi yung umaasa kami sayo tapos parang iniwan mo lang kami sa ere", sagot naman ng mga operator.



Hindi na daw nakapagsalita si Uto-Utong Center-5.   Galing ng Fire Marshall natin ano?
Tsk tsk tsk.



Nagtataka lang ako, hindi ba talaga under ng Fire Marshall ang Commmunications Committee?  Kailan pa?  


Ang alam ko, hawak ng Fire Marshall ang lahat ng nasa operation.  Ang communications ay nasa operation so the buck will stop with the Fire Marshall!



Kaya nga nagawang i-appoint ni Papa-5 si Tutuban-ALPHA noong nabakante ang Communications Chairman di ba?!



Palusot talaga nitong si Center-5!  Magpapalusot lang, di pa sinasadyang mabuking niya na si Mary Eta pala ang nagpapatakbo sa operation!



Bad!

Thursday, July 14, 2011

Rolley So, Pukaw Na Mo! (DAW)

Galit na galit ang mga datihang bumbero, mga beterano, both sa operation at sa Directors sa katarantaduhang ginawa nitong si Roli Sow noong gabi ng Directors' meeting.


Matatandaang nung gabing iyon, nagbigay ng sulat ang mga Operator kung saan inilahad nila ang kanilang mga saloobin.



Nung gabing yun mismo, kinausap na ni Rollie Saw ang mga naiwang operator sa Radio Room.


Kaniyang pinapagalitan ang mga ito at sinasabihang makapal ang mukha para magreklamo.


Aba, aba, aba, aba!


Wala ka ata sa ayos mister Communications Chairman!



The operators were well within their rights to ventilate their ire to what they feel is unjust and unfair working conditions!



Imagine guys, sabihan ba naman nitong si pareng Rowli Sho ang mga operator na "Kung di niyo gusto patakaran dito, umalis na lang kayo!"



Pakshet!



Kilala mo ba kung sino mga kausap mo?  Alam mo ba kung gano na katagal sa Brigade mga yan?  Baka nga mas marunong pa magbumbero mga pinagsasalitaan mong ganiyan kesa sa yo e!  Dugo at pawis at di mabilang na puyat na ang nacontribute nila sa Brigade, kahit pa sabihin mong may sahod sila!  



Hindi matatapatan o matutumbasan ng kahit ano pa mang halaga ang kanilang dedication at loyalty sa Brigade!



Wala ka sa ayos!


Palibhasa dati pa man, yun na talaga ang gusto niyo gawin, ang magresign ang mga operator dahil pakiramdam niyo e di sila sa inyo!



Nang gabi ding yun, inatasan ni Atty. Go ang mga officers ng Brigade na kausapin ang mga operator para malaman ang kanilang mga hinaing.



Akalain mo ba namang itong si pareng Rhollie Sho e nagyabang pa na "nakausap na daw niya" ang mga operator!?  At siya na daw ang bahala!?



Pukaw na mo Rolly So, sabi ni Blogger!


Kapal ng mukha mo!

Center-5, nasisiraan ka na ba?

Napapabalitang naloloko na daw itong si Center-5.  Totoo ba ito?



Nang aking unang madinig kung bakit, tinanong ko agad ang dahilan.


Sabi ng mga chismosong bumbero, una na umano nagset ng special meeting ng mga opisyal sa operation itong si Fire Marshall noong July 9.  E natapat sa flower offering ng taga Central District.  Nireset daw ng July 16.



Aba, nagagalit daw itong si Center-5 at bakit daw yung July 16 e tinapat na Fellowship ng HUVUD.  Tama ba yun?  E samantalang naunang na-set ang Fellowship bago niya sinabing July 16.  Parang wala nga naman sa ayos.


Dagdag pa dito, una nang sinabi ni Fire Marshall sa Firechief/OIC meeting noong nakaraan na bawal ang hindi naka Type-A sa Flower Offering.


E bakit siya mismo hindi naka-Type-A nung sabado?  Naloloko na ata itong si Fire Marshall.



Ang pinakamatindi sa lahat, since naunahan nga siya ng Fellowship ng HUVUD, aba, e gusto ba namang gawing meeting yung Fellowship?



Tama ba yun?  E social activity nga yung fellowship bigla niya lalagyan ng meeting para pagusapan yung guidelines ng operation?  Di ba parang wala sa lugar?



Ewan ko lang kung pinaalam na niya sa mga Host na sina Huvud-ALPHA, Huvud-1, Huvud-3 at Huvud-7 ang balak niya.  


Pero kung ako ang tatanungin, hindi ko papayagan.  Aba, gusto ba naman niyang kainin ang oras na dapat sana ay nagso-socialize tayo para sa nyetang meeting niya!?



Ano sa palagay niyo?

Wednesday, July 13, 2011

Mr. UBE, mayabang daw?!


Ako ay naniniwala na di naman lahat ng yabang ay masama.  Minsan, may kayabangan din na kung hindi man mabuti, ay ok lang.


Pero ang tropang UBE, wala daw sa ayos ang kayabangan?!



Tinanong ko kung bakit.


Aba, kanina daw, sa sunog sa Galas kung saan inabot ng 3rd alarm, di naman nagkulang ang mga operator ng iba't ibang association, pati na ang mga operator ng TXTFire, sa pag-advice ng situation ng sunog.
Ang sabi sa Brigade, residential.  Sabi sa iba, residential-light material. 


Sa tinagal-tagal nang rumeresponde ng mga bumbero sa Galas/Balic-Balic area, alam naman na natin more or less kung ano ang itsura ng mga structure doon di ba.



So what's my point?



My point is this :  Who in their right minds, which brigade in their right senses, would respond to there with a Ladder?  A Ladder without water at that!


Guess who!?



Di mo malaman kung pinapakita lang na may Ladder sila, kung display lang ba o ano.  Pero ang luwag luwag ng Blumentritt extension, mas pinili pa dumaan sa G.Tuazon!


Kung hindi kayabangan yun, plain and simple, ewan ko na kung ano pa!


Ano ang purpose mo at magdadala ka ng Ladder sa ganung lugar!?



Haller!?

Pagmamaka-awa ng mga Operator!

Posted by Picasa

Pagbubuhos ng sama ng loob ng mga Operator!

Posted by Picasa

Sulat ng paghihinagpis ng mga operator!

Posted by Picasa

Tuesday, July 12, 2011

Mr. UBE, buking!!!

So, balikan natin ang nakaraan.


Nag-offer ng training sa NFA ang Manila Liberty Hall.  Nalaman ito ni Mr. Tsinelas na direktor ng PASAY, at humingi ng slots para DAW sa Brigade.


Binigyan siya ng sampung slots, para sa APVFBI! 


Imbes na ipaalam ito sa pamunuan ng Brigade, dagling tumakbo itong si O Chi Bay kay Mr. UBE Gerry Chua.


Maya-maya, txt broadcast na ang lolo mo, sa lahat ng mga nakaregister sa TXTFire.  "Exclusive Training" DAW sa Taiwan.


Ang pagkakamali nitong si Gerrie Chua, a.k.a. Mr. UBE, kapal muks ba naman itong pumunta sa Liberty Hall mismo para humingi ng lima pang slots!


Di ba kakapalan yun?


Lusot na sana e, kaya lang nabuking ng sarili niyang yabang at kasakiman!



Dun nalaman ng Liberty Hall na aba, teka muna, wala kaming binibigay na slot sa TXTFire!   Ang slots na binigay namin ay para sa Association of Philippine Volunteer Fire Brigades!


BUKING!


So, ano nangyari?


Nacancel ang training at inimbistigahan kung pano nangyari na ang slot na dapat na para sa Brigade ay inangkin ni Mr. Ger-ger Chua aka Mr. UBE.



So ngayon chic-chic at Mr. UBE, kasinungalingan ba itong lathala na ito?


Sino ang direktor ng pasay na salarin dito?   Malalaman sa mga susunod na lathala!


Samantala...

Monday, July 11, 2011

TXTFire, nakikiride sa Brigade?

Alam naman na ng lahat na nakiki-ride lang ang TXTFire sa Brigade at di naman ito sisikat kung hindi dahil sa Brigade subalit hindi inaasahan ng lahat na pati pangalan ng Brigade ay gagamitin ni Mr. UBE para sa kapakanan nito.


Sa pinagyayabang na Taiwan Training ni Mr. UBE na kaniyang pinagkalandakan na "exclusive" para sa mga TXTFire members, lumalabas na slots pala ng Brigade ang kaniyang sinasabing labinlimang (15) slots!
Pwede pasinungalingan ito dito kung hindi totoo.  Magsalita kayo, lalo na si Chic-chic na nagsabi dito na natuloy daw ang training ng TXTFire at nakabalik na nga daw sila.  


Oh really?
Paano ba nangyari at sinasabing may exclusive training ang TXTFire e wala naman pala talaga?


Gaya ng nasabi sa post sa baba, last year ay nagpatraining ang Liberty Hall sa National Fire Agency sa Taiwan.  This year, may offer nanaman ang Liberty Hall of Manila para sa parehong training.
Nagkataon na may direktor ang Pasay na direktor din sa Liberty Hall.  Itago na lang natin siya sa pangalang "O Chi Bay".  


Nang malaman ni "Ong Pat" na may pa-training ulit, ginamit niya ang pangalan ng Brigade at humingi ng ten (10) slots.  Sabi niya, para daw sa APVFBI.  



Kilala din ang nasabing direktor sa tawag na "tsinelas" sa Binondo.



Ok lang sana ito, gayung direktor din naman siya ng Brigade.  Ang siste, hindi niya sa Brigade ibinigay ang mga slots at daglian siyang sumipsip higop kay Mr. UBE Gerrie Chua para gamitin ng TXTFire.  
Ang di ko maintindihan, bakit kailangang sabihin ni kay Mr. UBE na para sa TXTFire ang mga slots e para sa Brigade naman ito.


Alam niyo ba kung pano sila nabuking?
Abangan ang susunod na kabanata.


Samantala, hindi ba pagtataksil ang ginawang ito ni Ong We Soon?  It is an outright act of TREASON, punishable by beheading!
Ipako sa krus!!!


Teka, di daw kaya at baka masira ang krus sa katabaan ni direk.



Hehehe.


Sino ba ang direktor na ito ng Pasay na nakialam at gumamit sa pangalan ng Brigade?


Abangan ulit!

Saturday, July 9, 2011

Mr. Ube, nang-aano ka eh!

Tuloy natin ang kwento ni Hitler.



Sa txt broadcast ni Mr. UBE kung saan nagyabang ito sa mga kasapi ng TXTFire tungkol sa training sa Taiwan, kaniyang sinabi na magkakaroon ng EXCLUSIVE TRAINING para sa 15 na miyembro ng TXTFire, all expenses paid.  Sa nasabing txt, pinapalabas ni Mr. UBE na tila baga siya ang may pakana ng pa-training na ito.  




Ang yabang ano?


Pero ano ba talaga ang totoong kwento sa likod nitong chismax na ito?


Noong nakaraang taon, nagkaroon ng ugnayan ang Liberty Hall of Manila sa Taiwan Overseas Compatriot Affairs Commission, kung saan binigyang pagkakataon ang mga local volunteers natin dito sa pinas na makapagtrain sa National Fire Academy sa bansang Taiwan.


Ang National Fire Academy ay isa sa mga nangungunang training centers sa pagbubumbero sa buong mundo.  Katumbas ito ng National Fire Training Institute natin sa Laguna, subalit di hamak na mas malaki at mas makabago ang mga gamit doon.




Noong nakaraang taon, ang mga pinalad na mabigyan ng training doon ay ang mga sumusunod na brigada :
  • Philippine Ling Nam Athletic Association Fire and Rescue Volunteers;
  • Quezon City Volunteers;
  • Bacolod Chamber;
  • Nga Ching Po Tong; at
  • Tarlac Volunteers 
 

Last year yun.


So ano nangyari ngayong taong 2011 kung bakit may pabroadcast si Mr. UBE sinungaling na may exclusive training ang TXTFire?


Abangan ang susunod na kabanata!

Mga Operator, nagaklas!

Sa meeting kagabi ng mga Director, tila nagkaroon na ng sapat na lakas ng loob ang mga operator na ipahayag ang kanilang saloobin laban sa mga pang-aalipusta sa kanila.



Namigay ng isang sulat ang mga operator na kinabibilangan ni Among Tanda, Betchay, Nut-nut alley, Kisses, at Misha sa mga direktor kung saan nakasaad dito ang kanilang mga hinaing.
Una na umanong rinereklamo nila ang tila pagiging paborito kay Jun ni Mary Eta kung saan todo-todong pabor ang natatanggap nito.



Ating ilalathala ang kabuuan ng sulat ng mga operator sa mga darating na araw pag nakakuha na tayo ng kopya.
Abangan!

Eagle 3, abswelto sa kasong sinampa ni Mary Eta!

Kahapon, araw ng Biyernes ay lumabas ang resolution ng piskalya ng Maynila sa kasong sinampa ni Mary Eta laban kay Eagle-3.


Sa nasabing resolution, abswelto si Eagle-3 sa iba't-ibang kaso na isinampa laban sa kaniya ni Mary Eta, maliban sa kasong "Unjust Vexation".
Ako lamang ay nagtataka.  Akala ko ba mga batikan ang tandem na OMGee na siyang kumatawan sa kasong ito ni Mary Eta?  E bakit talo?


Dagdag nanaman ba ito sa mahabang listahan ng mga talunang kaso ni Atty. Omar Francisco?  Tila malas ata talaga ang "practice" ni Atty. Omar Francisco mula nang matalo ito sa kasong kaniya mismong isinampa sa kanilang probinsiya ng mga nag-gagandahang dilag - sa Bulacan.
Di ba Atty. Omar, nagyabang ka na kaya mo irepresent sarili mo sa kaso na sinampa mo sa inyong bayan?  E kulang ka pa pala sa experience nun, ayan tuloy, unang kaso, TALO!



Bwehehehe.

Mabalik tayo.  Sa pagkaka-abswelto ni Eagle-3, ibig ba sabihin nito ay nagsisinungaling nanaman si Mary Eta at wala naman pala katotohanan ang mga kasong sinampa niya laban kay Eagle-3?


In fairness, sabi ng Piskal, may "probable cause" daw, o "baka nga" may basehan ang kasong "unjust vexation" laban kay Eagle-3, liban sa labindaming kaso na isinampa ni Mary Eta laban dito.
Parang sundot kalikot ang nangyari.  Para bagang pinagbigyan na lang ng piskal ang kampo ni Mary Eta na gapang to the max ang ginawa sa asuntong ito.



Tsk tsk tsk.  
Nakakahiya.



Sino?   Hahaha

Friday, July 8, 2011

Mr. UBE, sinungaling numero uno?!

Isang tsismoso ang dumaan sa pwesto ko kanina kung saan ikinuwento niya kung gaano daw kasinungaling itong si Mr. UBE.  


Sabi ko naman, bakit naman niya sinabing sinungaling e mukha naman mabait.
Ginawa niyang halimbawa ang txt blast na ginawa ni Mr. UBE gamit ang TXTFire kung saan nagbroadcast ito sa mga tao na may pa-training DAW ang TXTFire sa Taiwan, all expenses paid!



Ayon sa txt blast, "exclusive" daw ang training na ito para sa member ng TXTFire kung saan kailangan magparegister kung interesado sila.


Taliwas sa sinasabi ni Chic-chic sa isang post dito, hindi natuloy ang naturang "exclusive training" kuno ng TXTFire.  


Sabi kasi ni Chic-chic na taga mezzanine, nakabalik na nga DAW ang mga participants.   Sinong bumalik e wala naman umalis!
Kung bakit hindi natuloy?  Abangan bukas...