Samantala, kung ito ay totoo, aba, ito ay nakakahiya!
Para sa isang nagpapakilalang "Volunteer Firefighter", at direktor pa ng Association, at ngayon ay Secretary General ng TXTFire, aba, ang laking kabulastugan nito!?
Imagine, ikaw ay nagyayabang na ikaw ay tagapagligtas, pero nagbebenta ka ng pekeng LPG regulator?! Aba, di ba kabalintunahan yun?
Tagapagligtas ka pero ikaw mismo ang naglalagay ng buhay ng mga taong nagbibigay sa iyo ng kabuhayan (clients) sa balag ng alanganin!
Ababababababa!!!
Para sa mga hindi nakakakilala, si Carlos Polican ay miyembro daw ng Pasay Volunteer Fire Brigade. Siya din ay kasulukuyang Director ng Association of Philippines Volunteers Fire Brigade. Sa katunayan nga ay dati pa siyang Secretary ng Association.
Siya ngayon ay Secretary General ng TXTFire.
Bilang kasapi ng mga nasabing organisasyon, siya ay nahuling nagbebenta ng mga peke at cheapipay na mga LPG Regulator sa kaniyang pwesto sa Pasay!
Bilang isang bumbero, gaya ng kaniyang pinagyayabang kung totoo man ito, hindi niya inisip ang kaligtasan at kapakanan ng kaniyang mga parokyano kundi ang kaniyang sariling pagpapayaman lamang.
Do Good Deeds, ika nga ng TXTFire.
Talaga lang ha!
Hindi masama maghanap buhay. Yun nga lang, sana ay isinasaalang alang din natin ang mga nagtitiwala sa mga binebenta natin na di nila alam eh yun pa pala ang magiging mitsa ng kanilang mga buhay.
Tsk Tsk Tsk.
Hanap buhay mo, gawin mong tama!