Monday, March 12, 2012

Lily Uy, Magbabalik bilang Presidente?

Sa naganap na Directors' Meeting ng APVFBI noong biyernes, nagsalita at nagbitaw ng salita si Kgg. Mario Tan na hindi siya uupo bilang presidente.


Ito daw ay dahil sa ayaw niyang umupo habang magulo ang Brigade.  Kaniya pang sinabi na dapat daw ay magpa-ilalim umano ang Brigade sa TXTFire dahil ang TXTFire daw ay maunlad na at malaki.



Huwat!?



Anyway, sa naturang pulong, isinuggest na si Vice Iking ang magiging presidente dahil siya naman ang next in rank kung ayaw naman pala ni Mario Tan.



Sabat naman si Water Ludy at Mary Eta sa pagsasabing "HINDI PWEDE!"



Nagtataka lang ako, kung si Water Ludy nga ay nakaupo dahil nagbigay daan itong si Juanito See, e bakit hindi si Vice Iking?



Sinabi pa nila Mary Eta na kung hindi daw uupo si Mario Tan, si Water Ludy na lang daw ulit ang uupo.



Haller?!?!



Bukod pa diyan, muling hinalungkat ang tungkol sa mga kaso kung saan napag initan si G.A. dahil sa inglesero ito at hindi naman pala maintindihan ng karamihan sa pulong ang inglis.



Nagpanukala ng magandang solusyon itong si G.A. kung saan lahat sana ng partido ay magkakaroon ng pagkakataong mag move-on.  Subalit agad naman itong sinabat nila Mary Eta na pumapalakpak pa, at pinagbintangang may hidden agenda.



Haller ulit?!?!


Mukhang ayaw paupuin nila Water Ludy na presidente itong si Vice Iking ah. 



Bakit kaya?!

Thursday, March 8, 2012

Mario Tan, upo bang presidente?

Gaya ng napalathala sa mga naunang ulat, nahalal bilang Presidente ng APVFBI itong si Kagalang galang na Mario Tan.


Sa mga hindi nakakakilala kay Mr. TAN, siya ay kasalukuyang pangulo ng SOLER Volunteer, isa sa mga masisigasig na brigada na kasapi ng Brigade.



Nauna nang nagpasalamat si Kgg. TAN sa mga Direktor ng Brigade sa kaniyang pagkaka pangulo kung saan sinabi niya na handa siyang maglingkod para sa kapakanan ng Association.


Siya naman ay malugod ding binati ng mga Direktor.



Ngunit may kumakalat na balita itong si Ex-VP ANSON ONG kung saan pinagkakalat nito na hindi daw mauupo itong si Mario Tan bilang presidente.



Matatandaang nagbitiw si Lily Uy at daglian namang sinundan ng ilang VP na sila Anson Ong, Jasper Ang, Joseph Wee. 


Hindi nagresign si Mario Tan dahil wala ito at si Vice Enrique Dy.


Marahil, itong si Anson Ong ay naghahanap ng karamay dahil kung gaano sila kabilis umakyat, ay siya din namang bilis nilang bumulusok pababa.


Ngayon, ang tanong :  TOTOO BANG HINDI UUPO SI MARIO TAN AT DI DAW NIYA TATANGGAPIN ANG PAGKAPRESIDENTE?


Ating alamin!

Monday, March 5, 2012

Kamusta naman ang pondo ng Foundation?


Ang brigada niyo ba ay nakatanggap ng solicitation letter para sa ginawang corner ng APVFBI sa Museo Pambata?


Matatandaang nagpadala ng solicitation letter si Water Ludy sa mga brigada na kasapi ng APVFBI, para magbigay ng tig-20k.



Ang siste, gusto maningil ng tig-20k ni Water Ludy, pero ang pangalan na ilalagay daw ay pangalan lang niya at ng mga Officers ng Brigade.



Aba, siyempre walang magbibigay!  Ano sila, bale!?   Sila gagastos tapos ikaw magpapasikat?



Dahil dito, pinakialaman nila ang pera mula sa Construction Fund na matagal itinago at pinagkakitaan ni Johnny Tan Chao.   Maalala na nauna na nating nailathala ang tungkol sa pakikialam ni Water Ludy sa perang ito.  Ang kwento ay nandito.



Gaya ng nalathala noong nakaraang buwan, naglabas ng di lang pala 400K, kundi 440 thousand pesoses mula sa construction fund, para lang magpasikat sa museo pambata.



Ito ay ginawa ng hindi nalalaman ng mga kinauukulan.



Kaya kaya ipaliwanag ni Water Ludy ang kabulastugan na ito???

Sunday, March 4, 2012

Dating Fire Marshall, nakipag away sa sunog habang lango sa alak!

Sa isang sunog sa paraƱaque noong isang linggo, lasing na rumesponde si PAPA-5, dala ang truck ng Pasay Volunteer.



Sa hindi pa malinaw na dahilan, aba, akalain mo bang inaway nito si Mr. Fire Chief ng OCTAGON volunteer na taga malate.



Ang sama pa dito, nakisawsaw pa ang anak ni PAPA-5 na si PILOT-17 sa gulo at pinagbantaan pa daw itong hepe ng Octagon na "papatayin" kapag nagkita muli sa sunog.



Tila ata matatapang ang mga taga PASAY Volunteer.  


Teka, di ba itong si PILOT-17 din ang dating pinagbibintangang malikot ang kamay?  




Tanong lang, tama bang rumesponde na nakainom?



Dapat ata ay maging mabuting halimbawa tayo sa hanay ng mga pamatay sunog na ating pinamumunuan.



Ang ganitong mga pangyayari ay tila nakakahiya talaga, lalo na at dala natin ang pangalan ng Association.

Saturday, March 3, 2012

Sabotahe???

Una muna, malugod na pagbati sa bagong halal na pangulo ng Brigade, kay ginoong Mario Tan - ang President-elect ng APVFBI.



Sa kabilang dako, kanina tuwang tuwa dumating ang mga tao namin na sumama sa parada.


Aba, akalain mo ba naman na oras na ng tanghalian natapos ang Fire Prevention parade.



Ang siste, ang packed lunch na pinamigay sa pangunguna ni Mary Eta, na naglalaman ng kanin, dalawang ulam at vinegar (ayaw ko sabihing "suka" eh), aba, e panis daw!!!



TAMA BA YUN!?!?


Matapos niyo gamitin ang mga bumbero sa sariling pagpapasikat ninyo e papakainin niyo ng panis?


Wala na ba talaga kayo kahit konting hiya sa balat niyo?




Napag alaman na ang may ari ng catering ay si Mr. CARLOS POLICAN, director ng Brigade.



Di ba naman nakakahiya na opisyal ka ng Brigade tapos ikaw ang magsusupply?  Di ba ito tila may conflict of interest dito?



Tapos sasabihin ninyo na di kayo nagpapayaman, na hindi niyo pinagkakakitaan ang Brigade.  Eh ano tawag mo dun?!



MAHIYA NAMAN KAYO!!!