Gaya ng tinuran natin sa huling lathala, aking itinatanong kung kanino ba talaga empleyado itong si Jhun jun june?
Sa Brigade ba o personal julalay ni Mary Eta?
Aking naitatanong sapagkat noong isang araw, nagkasalubong ang mga partido ni Igol at si Jhun jun june Janitor/maintenance/messenger/julalay/choochoo/tagapunas/etc, sa Masagana Mall sa Taft Avenue kung saan andun ang Branch 8 na kung saan dinidinig ang kaso ni Igol at ni Mary Eta.
Nang siya ay tanungin, sinabi daw ni Jhun jun june na inutusan siya ni Mary Eta na pumunta dun upang kunin ang transcripts ng pagdinig sa kaso na naganap noong May 10.
Sinabi pa daw nitong si Jhun jun june na kung pwede ay wag ipagsabi na andun siya at nakita siya.
Ako lamang ay nagtataka, oras ng trabaho sa Brigade yun. Di ba siya pinapasahod ng tama sa Brigade? Kung nandun siya sa masagana para sundin ang personal na utos ni Mary Eta, di ba parang hindi tama? Pinapasahod ng Brigade para maging personal na messenger ni Mary Eta si Jhun june jun?
Personal ang utos dahil personal na kaso ito ni Mary Eta. O hindi nga ba? Ano nga ba talaga? Personal na kaso ba ito ni Mary Eta o Brigade ba ang partido sa kasong ito?
Ating paguusapan yan sa susunod na lathala.