24-oras na ang nakakalipas nang magsimula ang sunog sa cluster one ng Tutuban Mall.
Sa di inaasahang dahilan, hindi pa din napupuksa ang apoy na patuloy na lumalamon sa mga tindahan sa loob ng tutuban. kanina lang ay nadamay na daw ang cluster 2 at nagbabagsakan na daw ang mga kisame at bubong ng gusali.
Nakakalungkot, magpapasko pa naman. Madaming mga bumbero, direktor, at mga taga suporta ng Brigade ang may tindahan dito sa tutuban.
Ang nakapag tataka, parang konti lang ang mga rumespondeng mga taga Brigade sa sunog na ito. Kung meron man, walang "concerted effort" na matatawag, bagkus ay kaniya kaniya, at pa-utay-utay ang takbo ng mga brigada.
Ito ay sa kabila nang "pakiusap" ng tropang Mary Eta na kung pwede ay respondehan ang tutuban.
Sigaw ng sigaw itong si Tutuban Alpha kanina na kailangan ng BA, smoke ejector/ventilator at iba pang kailangan sana para madali ang operation pero walang sumasagot.
Mismong si Fire Marshall, ilang oras na nakakalipas nagumpisa ang sunog e di din lumalabas.
Ano kaya ibig sabihin nun?
Isang bumbero, si Allied 34 na nasuffocate sa sunog e walang nakuhang suporta sa operation. Mantakin mo ba namang siya pa mismo ang naghatid sa sarili niya sa ospital!
Walang command sa fire scene!
Asan ang Fire Marshall?
Asan ang mga Deputy Fire Marshall?
Sino may command and control sa fire scene sa mga operatiba ng Brigade?
Di na tayo natuto.
Para san ba pala mga opisyal ng operation? Masabi lang na officer sa salita kahit hindi sa gawa? Tama ba yun?
Haller?!
HOY! GISING!