Nagkaroon ng malaking sunog sa bayan ng Binan noong gabi ng Biyernes, 25 ng Enero.
Maaga pa lang ay humingi na ng saklolo itong si Past President Water Ludy sa mga kasapi ng Association sa pagsasabing malapit ito sa kaniyang tiam lai!
Lumipas na ang kalahating oras, wala pa din umaayuda sa kaniyang panawagang ito.
Makalipas ang isang oras ay nag Code 1 na din ang Soler at ang Pasay, mga kilalang kaalyado ni Water Ludy.
Pero bakit kaya nag antay pa ng isang oras bago sila tumakbo?
May mga bulong bulungan na kaya daw ganito, ay dahil super panikero daw kasi ang mga taga Binan. The Boy who cried wolf, kumbaga.
Ilang beses na ba humiyaw ng 78 ang mga kawani ng Binan Volunteer, matapos ang ilang minuto ay kung hindi fire out ay fire under control?
Aba, di naman malapit ang Bayan ng Binan noh! Na para sa kaalaman ng lahat ay nasa lalawigan na ng LAGUNA.
Teka, LAGUNA ba kamo?
E bakit sabi part daw sila ng Metro Manila?
Para lang ba maging Presidente?
e kung di pala talaga metro manila, e di ibig sabihin walang basehan ang pagkapresidente ni Water Ludy?
Pekeng Presidente ba kamo?
Dahil daw pinapayagan sa By-Laws. Taeka ulit, aling By laws?
Abangan!