Tuesday, September 13, 2011

Nagtitipid nanaman!?


Ipinagtanggol muli ni SecGen Mary Eta ang pagtataas ng "Director's Dues" para sa taong ito sa pagsasabing kailangan mag-raise ng additional funds ng Brigade.


Kaniya pang ikinatuwiran na kailangan na umano magtipid ng Association kung kaya babawasan na daw ang kalidad ng pagkain tuwing may Directors' Meeting.
Bago dito, kapansin-pansin na sa nagdaang dalawang o tatlong buwan ay improving ang Menu sa Directors' Meeting.   Lagi masasarap ang inihahandang pagkain.  Marahil upang ma-justify ang pagtataas ng dues ng bawat direktor.


Bukod pa dito, tinanggihan nila Water Ludy at Mary Eta ang proposal na itaas ng kaunti man lang ang sahod ng mga Operator para naman maka-agapay sa hirap ng buhay ngayon, sa pagsasabing wala na daw pondo para dito ang Association.  At hindi daw ito kakayanin.  ano ba naman ang dagdag 5,000 - 6,000 kada bwan para sa LAHAT NA ng mga operator e sila naman ang nagbibigay kaganapan sa ating Association di ba?
Ngunit yun nga, sabi ni Sec Gen, wala daw pera.



NUNKA!!!
May proposal noong nakaraang Biyernes kung saan ipinapanukala na maglagay ng Elevator sa Building ng Association!!!



Haller!?
Wala nga pera di ba!?!?



Nagtitipid nga di ba!?!?
Anong kalokohan nanaman yang Elevator na iyan!?!?



Nasisiraan na ata talaga kayo ng bait!

1 comment:

  1. ELEVATOR ???

    SINO NAMAN GAGAMIT NIYAN??? EH SA ISANG TAON 10 BESE LANG NAGPUPULONG PULONG MGA DIREKTOR DIYAN...

    DI LANG YAN...KUNG MAY SPECIAL OCCASION EH DI NAMAN PALAGI???

    SINO NA NAMAN MAY PAKANA NITO??? LA BA MAGAWA SA PERA NG ASOSASYON???

    KUNG PINAMAMAHAGI NA LANG ANG GASATSUIN DITO SA MGA OPERATOR NG BRIGADE EH DI MAS MAY MAKIKINABANG PA AT MAY MAPUNTAHAN...

    SINO MAKIKINABANG SA ELEVATOR???

    O DI KAYA ANG TANONG AY SINO NA NAMAN ANG KIKITA???

    ReplyDelete