Saturday, January 28, 2012

Oh, ha!?

Buhay pa ko!

Humihingi ako ng paumanhin sa mga tagatangkilik ng blog na ito.  Alam kong uhaw kayo sa impormasyon, pero kailangan unahin ang hanapbuhay bago ang tsismax, kung hindi, baka di tayo makapagbayad ng internet para makapag blog. Hahaha.



Masyado naging busy sa tindahan nitong nakaraang pasko at bagong taon pati na ang nakaraang chinese new year.  Dami tao lagi sa tindahan at pagod na sa gabi para pa makapag blog.
Anyway, ang dami ko na utang na tsismax sa inyo, di ko na alam kung san ako magsisimula!




Andiyan na yung ginawang paglabas ng kabastusan ni Mary Eta noong Christmas Party, ang pagkupit ng pera ng foundation para lang pasikatin ang sarili sa pinagawang booth sa Museo Pambata, ang pagpapaubaya ng Brigade ni Water Ludy kay Mr. Do Good Deeds Ubetot, at iba pa.



Ngunit ang labis na nakakabahala ay ang napalathala sa mga diyaryo, napalabas sa balita sa telebisyon at naisaradyo kahapon at kanina.  Ito ay ang pagkakahuli ng isang mataas na opisyal, direktor pa man din, ng APVFBI at pagkakakulong nito sa kasong pamemeke.



Ano daw?!  Nameke daw!



Hinuli dahil sa kasong pamemeke!



Sa ngayon ay nakakulong sa CIDG sa Camp Crame.



Abangan ang mga detalye sa susunod na lathala!
 

No comments:

Post a Comment