Sunday, October 30, 2011

Pagtatakip kay UBE, simbolo ng Anarkiya!!!

Nang isurrender ni Mr. UBE ang account ng Brigade na ginamit sa TXTFire, ang naging signatory ay si Papa-1 at si Water Ludy.



Tila may problema dito dahil nawala ang concept ng Check and Balance dahil Presidente si Papa-1 at si Water Ludy naman ay kaniyang Vice.
Ang problema, nang si Water Ludy na ang nagpakilalang presidente, nanawagan ang mga Direktor na kung pwede ay i-account at i-audit ang cash flow ng naturang account.



In response, isinara ni Water Ludy ang account at inilipat sa isang banko na malapit kay incumbent Treasurer.
Sabi ng mga bugwit, ito daw ay ginawa upang maiwasan ang "paper trail" sa mga kupit ni Mr. UBE.



Ang pagtatakip sa mga kalokohan at pagnanakaw ni UBE ay simbolo ng Anarkiya!

Paggamit sa pangalan ng Brigade para magsolicit, simbolo ng Anarkiya!

Taong 2009 din nang magpa-relief kuno ang Brigade, in cooperation with TXTFire.



Nagpakalat ng TXTblast itong si Mr. UBE na nananawagan ng tulong, sa mga gustong magdonate sa relief operation ng APVFBI at ng TXTFire



Para dito, nagbukas ng Bank Account sa BDO binondo si Mr. UBE kung saan pinakalat ang account number para dun magdeposito ang mga may busilak na puso.




Noong magkabukingan noong 2009, nagulat siguro si Mr. Ube at nabigla kung kaya bigla itong napaamin kasama ang kaniyang girlet sa existence ng Bank Account.




Ilang buwan din ang lumipas mula nang magdemand ang mga Directors na isurrender ni UBE ang account sa bagong Presidente.  Nang kaniya itong isurrender, 1.2M na lang ang natirang laman ng account.




What's worse, lumalabas na binuksan ang account ng walang Board Resolution, na siyang isang pangunahing requirement sa pagbubukas ng isang corporate account!




Lumalabas na sa mahigit apat na taon, sikreto ni UBE ang account, kasama niyang signatory si Charlie Papa Carlos Polican (na kakainduct lang na officer ng isang samahan sa Pasay).   Kung paano, magkano ang pumasok at san napunta ang pera, ay silang dalawa na lang ang nakakaalam.



Nang magkabukingan, napilitang isurrender ni Mr. UBE ang account sa bagong Presidente na si Mr. Guevarra at Water Ludy ang account.
Anong ginawa sa account na sinurrender?  Sundan sa mga susunod na lathala...

Saturday, October 29, 2011

TXTFire, bunga ng ANARKIYA

Paano ba nagsimula ang TXTFire?


Noong presidente si Mr. UBE Do Good Deeds sa Brigade,  sakto naman na medyo bago-bago pa ang building ng Brigade noon, siya ay nakipag usap sa SMART para sa pagkakaroon nito ng isang CellSite/Tower/Repeater sa tuktok ng Brigade.



Ang siste, siya lang magisa niya ang nakipagusap sa Smart.  Hindi ipinaalam sa mga Directors, sa mga Elders, sa Standing Committee, o kahit kanino sa Brigade ang usapang ito.   Ang nakakaalam lang ay si UBE, Charlie Papa, at ang chicklet ni UBE na si toot-toot.




Sa pagsasabuhay ng ANARKIYA ni UBE, lahat ng negotiations ay magisa niyang ginawa.  


Ang kapalit ng pagkakaron ng tore ng smart sa Brigade ay :
Libreng text sa mga bumbero sa oras na may sunog (na siyang unang ginamit na TXTFire)
Bayad ng kuryente (na siyang nagbabayad ng kuryente ng Brigade)

Mula noong 2008, tinatanong na kung ano ba ang usapan sa Smart at ng Brigade.  Hinahanap na ang kontrata.  Sabi ni Mr. Ube, WALA DAW KONTRATA.


Imposibleng papasok ang smart, isang malaking kumpanya, sa isang transaksyon na di mapoproteksyunan ang interes nito.  Imposibleng walang kontrata.


Sa pagsasabi ni Mr. UBE na walang kontrata, tila inamin nito na hindi niya pinoproteksyunan ang interes ng Brigade.  Presidente pa naman siya.



Tsk tsk tsk



At any rate, taong 2009, nabuking ang kalokohan ni Mr. UBE nang makakuha ng kopya ng isang sulat ang mga repormista na nagsasaad na nais nitong dagdagan ang set up nila sa Brigade.  Ang terminolohiyang nakasaad doon ay "In addendum to the Original Contract..."



Sa pagkakataong ito, nagkataon na nasa meeting si Mr. UBE kung kaya tinanong siya, na akala ba ng lahat ay sinasabi nito na walang contract, bakit ngayon biglang may iaammend ang smart?



Hindi makasagot si Mr. Do Good Deeds Mr. Ube nang tanungin kung nasaan ang Original na Contract. 




Itinuro ni Mr. UBE si Charlie Papa Carlos Polican.  Itinanggi naman ni Charlie Papa at ibinalik ang turo kay Mr. UBE.



Ilang buwan ang nakalipas bago tuluyang nailabas ang kopya ng kontrata.



Nang lumabas ang kopya ng kontrata, mabuking na ito ay walang Board Resolution na nagpapahintulot kay Mr. Do Good Deeds na pumasok sa isang kontrata sa Smart.  Nabuking na ang mismong kontrata ay may inherent flaws bukod dito tulad ng sinadyang pagiiba ng spelling ng pangalan ni Mr. Ube.  



Malamang ito ay ginawa upang magkaron siya ng lusot kung sakaling magkaproblema ito sa hinaharap.



Wala din tumestigo.



At mapapansin na hindi kataasan sa smart ang pumirma para sa kanila.



Sikretong pumasok si Mr. UBE sa isang contrata na pinalabas na Deed of Donation sa pagitan ng smart at ng Brigade.  Nang mabuking ay todo tanggi ito, denial king kumbaga.   Siya ay nagsinungaling.



Ang pagsisinungaling ay simbolo ng kawalan ng integridad.



Ang pagsisinungaling ay ginagawa upang proteksyunan ang pansariling interes, hindi ng nakakarami.


Ang pagsisinungaling ay simbolo ng ANARKIYA!



Final Warning

Sino ba unang nagmura?


Tamad na ko magback-read e.  Paki-comment na lang sa baba.
Anyway, the board has been open to comment to give both sides the opportunity to react or affirm or dispute facts that are posted.



What both sides has been doing is, as Lee has said, attacking the persons.
Wala personalan, nakikiusap na ako.  May please pa.
That said, pag di pa kayo tumigil, I will disable the ability for you to post comments, both sides.  



In the meantime, I will keep all comments posted, except for those brought to spam.  If and when either of the sides post further unsavory messages, I will disable your only means to dispute or affirm or vent out sentiments on messages posted.
This is your final warning.

Friday, October 28, 2011

Pagbubukas ng bank account ng walang nakaka alam, simbolo ng ANARKIYA

Ilang taon na ang nakakaraan, nagbukas ng bank account sa BDO Binondo si Mr. Gerrie Chua aka Mr. Do Good Deeds aka Mr. UBE.



Ang siste, ang pangalan ng bank account ay nasa ilalim ng Association of Philippines Volunteer Fire Brigades, Inc.



Ang nakapagtataka, walang nakakaalam sa mga kasapi ng Board of Directors ng Brigade ng account na ito.  Nabuksan ang bank account ng walang Board Resolution.  Ang tanging ginamit nila ay isang pekeng Secretary's Certificate.



Ang signatories :  Mr. UBE Chua at Mr. Charlie Papa.



Tapos, makalipas ang ilang araw, text blast na ang TXTFire, gamit ang pangalan ng Brigade na nagsosolicit ng pera sa mga makakatanggap nito, para ideposito sa account na binuksan nila.



Ilang taong itinago ni Mr. UBE ang account na ito.



Nang magkabukingan, mahigit 400k ang laman.



Pinilit ng mga reformista na isurrender ni Mr. UBE sa Brigade ang account.



Ang ginawa nila, nagparelief operation ng nagparelief operation.



Nang eventually isurrender nila ang account, kakarampot na lamang ang laman nito.



Di ba ito symbolo ng anarkiya?



At oo, tama, anarkiya ang tawag sa kawalan ng hustisya.  Pag ginagawa ng mga mapagharing uri ang lahat ng gusto nila ng di natatakot sa consequences dahil kaya nila lusutan ang lahat ng ito, Anarkiya ang tawag dito.

Thursday, October 27, 2011

Vice Iking, suko na sa pagiging tagapamagitan

Sa di inaasahang pangyayari kahapon, sumuko na si Vice Iking na maging tagapamagitan sa mga hindi magkasundong kampo.


Kaniyang pinansin ang tila kakulangan sa sinseridad ng magkabilang kampo upang maisaayos ang gusot na kinasasangkutan ng mga ito.



Ang pag-atras ni Iking bilang "mediator" ay kasunod ng tila pag-amin ni El Presidente Water Ludy na wala sila balak makipagayos sa grupo ng mga Reformists.



Abangan!

Wednesday, October 26, 2011

Pakiusap



As much as we would like to keep the flow of comments as open as possible, please refrain from making curses against each other.



As much as this blog would not want to censor posts, please restrain yourselves and your emotions.
Wala pong murahan.



The last comments submitted for comment were approved for posting in pursuit of this blog's position as an unmoderated forum.  



That said, any and all succeeding posts na may mga mura, ide-delete na po.
You have been warned.



 

Mediation na ginaganap, bigo!

Sa ginanap na mediation ng magkabilang kampo noong isang araw, nagkagulo ang mga partido nang di inaasahang sumabat sa usapan ang Presidente kuno ng Binan.



Maayos na naguusap ang mga kampo ng tanungin si Eagle-3 kung ano ang kaniyang mungkahi nang biglang sumingit itong si El Presidente Eusebio na "mayabang ka kasi".
Haller, di naman kasama sa mga partido itong si Mr. Go, aba, e tama bang sumingit ito?



Kaniya pang sinisi ang abogado ni Eagle-3 kung bakit hindi ito dumating sa usapang paghaharap ng tandem na OMGee at nito, bagay na kina-offend naman nitong huli.




Mamaya ang buong kwento.
In fairness, si Mary Eta ay siyang namagitan sa gitna ng dalawang naguumpugang ewan.



 

Sunday, October 23, 2011

Pagkukunwaring Director ka ng isang brigada, mapasok lang sa Brigade, SIMBOLO NG ANARKIYA!

Bago mag-2009, medyo maayos pa ang takbo ng Brigade.  



Pero unti unting nabubuking ang mga kalokohan ni Mr. Do Good Deeds UBE Gerrie Chua.




Kasama sa mga pinupunto ng dating grupong Voltes-V (na Vehicle Voltron na ngayon), ay kung paano napasok sa Brigade ang Binondo-Paco samantalang wala naman ito karampatang papeles.  Tila ginamit ni UBE ang kaniyang kakapalan maipasok lang ang Binondo-Paco Volunteer na siyang nagpagulo sa Brigade.



Bukod pa dito, nagumpisa na din masilip ang maling termino ng mga namumuno ng Brigade, kung paanong si Water Ludy na taga Binan Volunteer ay papasok na Presidente ng Brigade samantalang siya ay provincial member pala.



Kung ipapasok ang Binan, dapat ay pantay pantay at patas sa lahat ng ating mga kasapi na taga Probinsya na mabigyan din sila ng pagkakataon maging taga-pamuno ng Association.



Upang maikutan ang mga kwestiyon na ito, pinasok ni Mr. UBE Do Good Deeds kuno ang dalawang kulokoy na si Omar Francisco at Bernard Gregorio para magtanggol sa kaniyang mga interes sa Brigade.  Pinagmamalaki ng grupo ni Ube, sa pamamagitan ng kaniyang chupchup-dila-sa-wetpaks na si Patriot 24 na abogado daw ang dalawang ito at di daw matitinag ang grupo ni UBE.



True enough, mula nang mag-umpisang umattend ang tandem na OMGee sa mga meetings ng mga directors, nagumpisa na gumulo ang mga meeting.



Ang dalawang ito ang tunay na pinagsimulan ng kaguluhan at pagkakawatak watak sa Brigade, sa kumpas siyempre ni Mr. UBE do good deeds Gerrie Chua.




Tanong : Pano ba naging director ng mga brigada niyo ang mga director niyo?   Di ba kahit papano ay may alam ito sa pagbubumbero?    Itong tandem na OMGee ba ay may alam sa pagbubumbero kahit konti, bukod sa mga napapanood nila sa mga pelikula?


Sagot :  WALA!


So paanong director sila?  San ba sila galing?


Tanong ulit :  Di ba ang mga director ng mga Brigada niyo ay siyang gumagastos at naglalabas ng pera para sa operation ng grupo niyo?  Itong sina Omar Francisco kaya at Bernard Beegee Gregorio naglalabas ng pera para sa East Binondo ngayon o sa Binondo-Paco dati?


Sagot :  Hindi!  Bagkus ay may mga retainer pa daw ang mga ito!   


Sarap pala magdirector sa Binondo-Paco o sa East Binondo, ikaw pa ang babayaran!   Hahaha...



Be that as it may, taong 2010 nang hindi na malusutan ni UBE ang kaniyang mga kalokohan sa Brigade kung kaya't napilitan niyang i-alis sa Brigade ang Binond-Paco Volunteer.   Ok na sana, subalit sa isang move na nagpatunay kung gaano katuso itong si UBE Do Good Deeds Mr. Gerie Chua, pinasok niya ang tandem na OMGee bilang mga director naman ng East Binondo!



Sa isang bobo na kagaya ko, tila nakaka-gago pa din na biglang lilipat ang director sa ibang brigada ng ganun ganun lang.  Tila patunay ito na kaya lang nasa Brigade ang tandem na OMAR at BEEGEE ay para proteksyunan ang interes ni UBE dito!




Pero, sabi nga ni Omar, pera-pera lang daw yan.  Tsk tsk tsk...




Ito ay isang simbolo ng ANARKIYA!

Saturday, October 22, 2011

Pag-gamit sa kapatiran, simbolo ng ANARKIYA!

Di ba sinisimbolo din ang ANARKIYA ng pag-gamit sa "benevolent" na kapatiran ng mga karpintero?



Gaya ng paggamit ni Kuyang Omar sa kaniyang mga ka-Mansyon para itaguyod ang kaniyang mga kalokohan at dirty tactics.
Nagtatanong lang po.

Pagwaldas ng pera ng Brigade, simbolo ng Anarkiya!

Directors' meeting noong August, nagpropose si Center-5 na magpagawa ng Sticker para sa mga truck.  Ang atas sa kaniya ng Board, magpagawa ng sample, para mapagaralan.



Noong September, nagpakita ng sample si Center-5 kung saan kinuwestiyon ng Board ang tila naibang logo ng Brigade.   Yung palakol nagmukhang Llabe Tubo.  Yung hagdan kulang ng isang step.  Yung kulay blue, naging kulay UBE.  Ano ba naman yan!?



Particular ang mga beteranong Director at Bumbero dito sa mga nasa logo dahil hindi naman linagay ang mga symbolo na yun ng trip trip lang.   Lahat ng nasa logo ng Brigade ay may kinakatawan o sinisimbolo kung kaya't hindi dapat basta basta binabago ito.



Ang utos kay Center-5 ng mga Director, baguhin ang gawa at ibalik sa orig na design ng logo ng Brigade.



Noong Biyernes, sa Directors' meeting, pinakita ulit ni Center-5 ang "bagong" sticker.   Napansin ng mga "eagle eye" na Director na tila walang pinag-iba ito sa unang sticker na pina-kita noong nakaraang bwan.



Inatasan ito na baguhin muli, ngunit singit ni Mary Eta, nakaprint na daw ng 200pcs.


HUWAT!?


Paano nangyari yun e pinapabago nga yung design.  



Sagot ni Mary Eta, last month pa daw naprint yung 200 pcs, at aprubado daw ito ng mga Director.



Huwat ulit!?



Paanong na-approve ng mga Director e pinapabago nga ang design!



Paanong nakapagpaprint e wala naman utos ang mga Director na pwede na maglabas ng pera para dito!?



Bakit nagpaprint e wala pa approval ng Directors ang design!?



Paano ngayon ang disbursement ng pondo ng Brigade?  



Kayo kayo na lang ba, sila sila na lang!?


Nang tanungin sila Mary Eta at Water ludy  kung sino sinong mga Director ang nag-approve nito, aba, di sila sumasagot at di kumikibo.  


Ang katahimikan ba nila ay simbolo ng pag-amin sa kalokohan nila?  aber, aber aber!?



Di ba simbolo ng anarkiya ang walang pakundangang pagwaldas ng pera ng Brigade?   


 Pano na lang kung wala ang mga reformist, e di tuloy tuloy na lang ang kalokohang pinag-gagagawa nila?  Baka tuyot na ang Brigade pag nagkataon!




Sagot!?

Friday, October 21, 2011

Kasinungalingan ni Mary Eta, simbolo ng anarkiya!

Noong nakaraang Friday sa Board of Directors meeting, very calm na sana ang lahat ng mga Reformist na present sa simula dahil nga sa inaalok at kinakampanyang "peace talk" ni Vice Iking.



Ang siste, napunta ang usapan ng meeting sa formal request letter na pinirmahan ni Water Ludy para sa Foundation para manghingi ng hood at gloves na ibibigay sa mga brigada.

Tila sampung gloves at hood daw kada brigada ang balak ipamigay nila Water Ludy at Mary Eta sa pamamagitan ni Center-5.



Maganda nga naman sana talaga ang hangarin ng "proposal" na ito, ang siste, tila ito ay pinatulan pa kahit barya at pagkakakitaan nanaman!


Ayon sa proposal ni Water Ludy, 680PhP daw ang presyo ng isang pares na gloves!  Nagulat ang mga director na andun samantalang makakakuha ng parehong gloves sa halagang 400PhP lamang!   Tila may corruption na nagaganap dito, higit kalahati pa ang patong!



Ang galing, ano po?



Nang kwestiyunin ng mga Reformist ang budget tungkol dito, epal ni Mary Eta, "APPROVED" na daw ng Foundation.



Buti at andun si Vice Iking na sumingit, "PAANONG MAGIGING APPROVED, E WALA PA MEETING ANG FOUNDATION?  DI PA NAGMI-MEETING ANG FOUNDATION SO IMPOSSIBLENG MAY APPROVAL NA!"



Dito lamang tumahimik si Mary Eta.



Ngayon ang tanong, di ba Anarkiya ang tawag sa pagsisinungaling na sagad hanggang buto, maitaguyod lang ang masamang hangarin at pangsariling interes ng mga namumuno?



Ito ang tunay na ANARKIYA boss Omar at Beegee! 



Get, get, AW!!!

Thursday, October 20, 2011

Punto por punto!

Ang mga bugwit ay nagpadala ng email sa inyong abang lingkod upang sagutin ang mga komentaryo ni repormista.  



Wala ako in-edit, walang binura, bilang pagtataguyod na din sa prinsipyo ng malayang pamamahayag at palitan ng sentimyento.

Bahala na kayo mag analysa.  Heto na po :


ang bilis mo namang magturo na galing ang naunang komento
sa kampo nina water ludy. paano ka naman nakatitiyak? ang 
ibig mo bang sabihin,kung ang komento ay hindi sang-ayon sa
isinulat mo ay tiyak hindi ito galing sa "kampo" nyo?

 at 
sana bago ka gumawa ng opinyon o "pang-huhusga" sa alinmang 
kampo, tiyakin mo ring wasto ang iyong mga datos. wag kang 
umasa sa kwento ng iba at doon ka lamang huhugot ng iyong
konklusyon. tandaan mo sana na malaki ang tungkulin mong 
ginagampanan sa paglalahatla dahil sa mga isinusulat mo 
bumabatay ng opinyon ang mga mambababasa. 

wag mo silang 
dayain o pasakayin sa maling datos para lamang pag-initin
ang kanilang damdamin at magbunsod ng mas matindi pang 
pagkamuhi o di pagkakaunawaan ng dalawang kampo.

 balikan 
natin ang mga inilathala mo:

"Nagpupumilit ang kampo ng mga 
Oportunista na kung pwede daw ay makausap nila ang grupo 
ng mga Repormista ngayong linggo na ito." 
- 

ANG KATOTOHANAN AY NAGPASABI SI EAGLE 3 (EDISON CHAN) 
NA UUTUSAN NYA ANG KANYANG ABUGADO NA IATRAS ANG LAHAT NG 
KASO NG KANILANG GRUPO KAPALIT NG PAG-AATARAS NG MGA 
ASUNTO NG KAMPO NINA LILY UY. KUNG BABASAHIN MO ANG LAMAN 
NG SULAT NI EAGLE 3 SA KORTE, TINURAN NYA NA MAY NAGAGANAP
NA PAG-UUSAP SA MAGKABILANG PANIG NA MAAARING MAG-RESULTA 
SA PAG-AATRAS NG MGA ASUNTO. MAGING ANG ABUGADO NI EAGLE 3
AY ITO RIN ANG IPINAKIUSAP SA KORTE NA WAG BASAHAN NG 
ASUNTO SI EAGLE 3 DAHIL MAY PAG-UUSAP NA NAGAGANAP. 
 
SAGOT:  
HINDI TOTOONG NAGPASABI SI EAGLE 3 NA UTUSAN NYA ANG 
KANYANG ABOGADO NA IATRAS AND LAHAT NG KASO NG KANILANG 
GRUPO KAPALIT NG PAG-ATRAS NG MGA ASUNTO NG KAMPO NILA
LILY. HETO AY KASINUNGALINGAN. NOONG HEARING SA PISKALYA 
NA KUNG SAAN MAGFILE NG COUNTER AFFIDAVIT ANG GRUPO NILA 
MARIETTA SA PERJURY CASE NA ISINAMPA NI EAGLE 3 ANG 
ABOGADO MISMO NI MARIETTA SA KATAUHAN NI ATTY. GREGORIO 
ANG LUMAPIT SA ABOGADO NI EAGLE 3 AT NAKIUSAP NA KUNG 
PWEDE MAG USAP MUNA ANG MAGKABILANG PANIG AT SA LOOB NG
60 DAYS SUSPENDED MUNA ANG HEARING. NAG USAP SI EAGLE 3 
AT ANG KANYANG ABOGADO TUNGKOL DITO AT HINDI SILA 
PUMAYAG NA SUSPENDED ANG HEARING FOR 60 DAYS. DAHIL 
DITO NAPILITAN MAG FILE NG COUNTER AFFIDAVIT SILA 
MARIETTA AT ANG KANYANG MGA WITNESS.
 
TUNGKOL NAMAN SA SULAT SA KORTE
HETO AY HINDI GAWA O SULAT NI EAGLE 3 KUNDI ETO AY 
MOTION NA GAWA NG KANYANG ABOGADO NA HUMIHINGI SA 
KORTE NA KUNG PWEDE NA IPALIBAN MUNA ANG ARRAIGNMENT 
NI EAGLE3. ANG TALAGANG RASON NG ABOGADO NI EAGLE 3 
AY SA KADAHILANANG MASAMA ANG KANYANG PAKIRAMDAM 
DAHIL SA PAIN KILLER NA KANYANG GINAGAMIT KAYA SYA 
HUMIHINGI NG RESETTING. KUNG NABANGGIT MAN ANG NA MAY 
NEGOTIATION, BINANGGIT LAMANG ETO PARA MADAGDAGAN ANG 
RASON AT DAHIL NA RIN NA SI IKING AY GUMAGAWA NA NANG
PARAAN PARA MAPAG-USAP ANG MAGKABILANG PANIG.
 
NOONG NAKARAANG HUWEBES NAG USAP NGA SINA IKING AT ANG 
ABOGADO NI EAGLE3 AT NI MARIETTA. DITO NAPAGKASUNDUAN NA
SI IKING ANG MAMAGITAN AT MAG PRESIDE SA HARAP NG MGA 
ELDERS. PUMAYAG DITO ANG MGA ABOGADO AT NAPAGKASUNDUAN
NA KINABUKASAN (FRIDAY) HINDI NA MUNA MAG FILE NG REPLY 
SI EAGLE 3 DOON SA KASONG PERJURY NA SINAMPA NYA KAY
MARIETTA AT SA KAMPO NAMAN NI MARIETTA HINDI SILA MAG 
OPPOSE SA RESETTING NG ARRAIGNMENT NI EAGLE 3
SA LUNES (OCTOBER 17)
 
DUMATING ANG LUNES AT NAGKAROON NG HEARING. 
DAHIL NAGKAROON NA NANG USAPAN PILIT SANANG PINAKIUSAP
NG ABOGADO NI EAGLE3 NA DI MUNA MATULOY ANG ARRAIGNMENT
SA DAHILANG MAY PAG UUSAP NA MANGYAYARI NA PAMUMUNUAN
NI IKING PERO DAHIL ANG KORTE AYAW PUMAYAG NATULOY
BASAHAN NG SAKDAL SI EAGLE 3.
 
ANG PINAGTATAKA KO LANG NAG AGREE NA ANG TATLONG ABOGADO 
NA SI IKING ANG MAMAGITAN O MAGPRESIDE SA MEETING NA
GAGANAPIN SANA NGAYONG HUWEBES SA HARAP NG MGA ELDERS BAKIT
ANG ABOGADO NI EAGLE3 AY NAGPAALAM SA GRUPO NYA NA SYA AY 
INIIMBITA NG MGA ABOGADO NI MARIETTA NA MAGMITING PARA
PAG USAPAN ANG NEGOSASYON? PUMAYAG SANA ANG ABOGADO NI 
EAGLE 3 PERO ANG PAGKAKAALAM KO ANG CLIENTS NYA ANG AYAW
PUMAYAG OUT OF RESPECT KAY IKING. KUNG MAY RESPETO AT 
SINCERITY ANG GRUPO NI MARIETTA BAKIT INAAYA PA NILA
ANG ABOGADO NI EAGLE 3 NA MAGMEETING PARA PAG-USAPAN 
ANG TERMS NG NEGOTITIATION? DAHIL BA WALA SILANG TIWALA
SA KAKAYAHAN NI IKING O DAHIL HINDI TALAGA SILA SINCERE
SA NEGOSASYON O PAG UUSAP? GUMAGAWA NG PARAAN SI IKING
PARA MAGPASIKAT) NA PAG-USAPIN ANG GRUPO PERO ANG 
ABOGADO NAMAN NI MARIETTA ANG PUMIPIGIL AT SUMISIRA DITO.
 
"Sa utak ng isang pobreng katulad ko, akin lamang naiisip
na walang ibang dahilan kung bakit nagpupumilit sila 
magka-peace talk kundi dahil sa alam nila na hindi sila
mananalo sa kaso at siguradong taob sila sa kasong 
kinasasangkutan nila.

Mawawalan ng loob ang mga tagasuporta
nila kung matapos ang lahat, kung kailan andito na tayo sa
rurok ng tagumpay ay biglang papayag tayo sa iaalok ng grupo
ni Water Ludy at Mary Eta. Ika nga, we have come this far,
bakit pa tayo susuko? E obvious naman na panalo na tayo!?"

-

ANG KATOTOHANAN AY ITO: 


1. HINDI PINAGBIGYAN NG KORTE ANG HILING NINA EAGLE 3 NA
MAGPALABAS NG TRO LABAN KINA LILY UY. DENIED DIN MAGING ANG
MOTIO FOR RECONSIDERATION NILA SA PAGTANGGI NG KORTE NA
MAGPALABAS NG TRO….
SAGOT:
TAMA KA REPORMISTA PERO NAKALIMUTAN MO NA DI PA TAPOS ANG KASO.
KUNG NA DENY MAN ANG TRO AT ANG MR HETO AY SA KADAHILANANG DI
NA SAKLAW NG GRUPO NI EAGLE3 KUNDI DAHIL SA PAGKAKAMALI NG
DATING ABOGADO. ANG HEARING SA INJUNCTION PROPER AY TULOY PA RIN 

2. SUMAMPA ANG KASO LABAN KAY EAGLE 3 SA KORTE, SAMANTALANG ANG
IBANG ASUNTO LABAN SA KANYA AY PINAG-AARALAN PA RIN NG PISKALYA
DAHIL SA MOTION FOR RECONSIDERATION NI MARIETTA ANG.


SAGOT: ANG NAISAMPA KAY EAGLE 3 AY KASONG UNJUST VEXATION NA ANG
PENALTY AY FINE NA 100 OR 200 PESOS. ANG TATLONG KASO NA ORAL
DEFAMATION, GRAVE THREAT AT MALICIOUS MUSCHIEF AY NADISMISS NG
INVESTIGATING FISCAL KAYA ANG KAMPO NI MARIETTA  AY NAGSAMPA NG
MR NA SA NGAYON AY WALA PANG AKSYON AT AYAW KUNG PAG USAPAN MUNA
DAHIL NILALAKAD NG MGA ABOGADO NI MARIETTA. 

 
3. NA-DISMISS ANG KASONG PERJURY NINA WILLIAM ONG LABAN KAY
MARIETTA ANG
SAGOT: TAMA KA PERO MALI KA PA RIN. NADISMISS ANG KASO PERO
NGAYON INAPELA NA SA DOJ. HINDI MO ALAM TO DAHIL KULANG KA
SA DATOS. ANG RASON KUNG BAKIT NADISMISS ANG KASONG PERJURY AY
SA KADAHILANANG NAGKAROON LANG DAW NG TYPOGRAPHICAL ERROR. DAPAT
DAW TALAGA ANG NAKALAGAY SA GIS AY OCT. 8, 2010 AT HINDI
OCTOBER 30, 2010 DAHIL DUN DAW NAG KAROON NG ANNUAL MEETING.
ANG SINASABI NI MARIETTA NA MEETING NUNG OCTOBER 8 AY HINDI
ANNULA MEETING NG ASSOCIATION KUNDI MONTHLY MEETING NG MGA
DIRECTOR. HINDI BA PAGSISINUNGALING YAN? NAKALIMUTAN DIN YATA NI
MARIETTA NA NAKASAAD SA BY-LAWS NA ANG ANNUAL MEETING NG
ASSOCIATION IS TO BE HELD EVERY LAST SATURDAY OF OCTOBER AT HETO
AY NATAPAT SA OCTOBER 30, 2010. ANG SINASABI NYANG MEETING NUNG
OCTOBER 8 AY SECOND FRIDAY NG OCTOBER. NGAYON HINDI BA MALIWANAG NA PAGSISINUNGALING YUN AT PAG VIOLATE SA BY-LAWS NG ASSOCIATION? 

 
.

4. NA-DISMISS ANG KASONG PERJURY NINA WILLIAM ONG LABAN KAY
CARLOS POLICAN.
SAGOT: TAMA NA DISMISS PERO ETO AY NAKA APELA SA DOJ. ANG RASON
BAKIT NADISMISS ANG KASO DAHIL DAW SI POLICAN AY ISANG LAYMAN
LAMANG AT HINDI NYA MAINTINDIHAN ANG IBIG SABIHIN NG WORD NA
ACTUAL MEETING. KULANG BA SYA SA PINAG ARALAN AT DI NYA
MAINTINDIHAN HETO? PANU SYA NAGING CORPORATE SECRETARY KUNG
GANUNG DI PALA SYA MARUNONG UMINTINDI? KUNG TUTUUSIN WALA NAMAN
TALAGANG ANNUAL MEETING NUNG OCTOBER 31, 2009. KUNG MERON MAN
ETO AY ISANG MONTHLY DIRECTORS MEETING LAMANG. HINDI BA
PAGSISINUNGALING YAN? ANG NAKAKATAWA PA PINANOTARYO YUNG GIS
NUNG OCTOBER 26, 2009 PARA PATUNAYANG MAY MEETING NUNG
OCTOBER 31, 2009. ANONG KATARANTADUHAN YAN? 

AT PARA SA KAALAMAN NA RIN NINYONG LAHAT ANG ABOGADO NI
MARIETTA AT POLICAN AY ABOGADO NG ISANG PINAKAMAIMPLUWENSYANG
TAO SA MANDALUYONG AT DAHIL SA ISANG BULONG NABALIKTAD AT
NABALUKTOT ANG KATOTOHANAN. 

 
SAMANTALA, KASALUKUYAN PA RING DINIDINIG ANG ASUNTO NINA EAGLE
3 KAY MARIETTA ANG SA ISA RING KASO NG PERJURY.


NAKABINBIN PA RIN SA PISKALYA ANG ASUNTONG PERJURY NAMAN LABAN
SA GRUPO NINA EAGLE 3.

 

 
ANG TANONG KO LANG AY GANITO? SAAN MO NAMAN HINUGOT ANG SALITANG
"ANDITO NA TAYO SA RUROK NG TAGUMPAY"..."OBVIOUS NAMAN NA PANALO
NA TAYO".

(COMMENT – KUNG NASABI MAN ETO DAHIL SA PANINIWALANG KUNG
PAWANG KATOTOHANAN LANG ANG PINAIRAL TAGUMPAY DAPAT ANG GRUPO PERO
DAHIL SA PANGGAGAPANG NABILIKTAD AT NABALUKTOT ANG KATOTOHANAN)..
WASTONG DATOS.. WASTONG PAG-UULAT... WASTONG LATHALAIN. 

 
….NGAYON SABIHIN NI REPORMISTA KUNG MERON NGA SYANG WASTONG
DATOS AT WASTONG PAG-UULAT.LATHALAIN. 



Comments?
Oh, ha!?