Paano ba nagsimula ang TXTFire?
Noong presidente si Mr. UBE Do Good Deeds sa Brigade, sakto naman na medyo bago-bago pa ang building ng Brigade noon, siya ay nakipag usap sa SMART para sa pagkakaroon nito ng isang CellSite/Tower/Repeater sa tuktok ng Brigade.
Ang siste, siya lang magisa niya ang nakipagusap sa Smart. Hindi ipinaalam sa mga Directors, sa mga Elders, sa Standing Committee, o kahit kanino sa Brigade ang usapang ito. Ang nakakaalam lang ay si UBE, Charlie Papa, at ang chicklet ni UBE na si toot-toot.
Sa pagsasabuhay ng ANARKIYA ni UBE, lahat ng negotiations ay magisa niyang ginawa.
Ang kapalit ng pagkakaron ng tore ng smart sa Brigade ay :
Libreng text sa mga bumbero sa oras na may sunog (na siyang unang ginamit na TXTFire)
Bayad ng kuryente (na siyang nagbabayad ng kuryente ng Brigade)
Mula noong 2008, tinatanong na kung ano ba ang usapan sa Smart at ng Brigade. Hinahanap na ang kontrata. Sabi ni Mr. Ube, WALA DAW KONTRATA.
Imposibleng papasok ang smart, isang malaking kumpanya, sa isang transaksyon na di mapoproteksyunan ang interes nito. Imposibleng walang kontrata.
Sa pagsasabi ni Mr. UBE na walang kontrata, tila inamin nito na hindi niya pinoproteksyunan ang interes ng Brigade. Presidente pa naman siya.
Tsk tsk tsk
At any rate, taong 2009, nabuking ang kalokohan ni Mr. UBE nang makakuha ng kopya ng isang sulat ang mga repormista na nagsasaad na nais nitong dagdagan ang set up nila sa Brigade. Ang terminolohiyang nakasaad doon ay "In addendum to the Original Contract..."
Sa pagkakataong ito, nagkataon na nasa meeting si Mr. UBE kung kaya tinanong siya, na akala ba ng lahat ay sinasabi nito na walang contract, bakit ngayon biglang may iaammend ang smart?
Hindi makasagot si Mr. Do Good Deeds Mr. Ube nang tanungin kung nasaan ang Original na Contract.
Itinuro ni Mr. UBE si Charlie Papa Carlos Polican. Itinanggi naman ni Charlie Papa at ibinalik ang turo kay Mr. UBE.
Ilang buwan ang nakalipas bago tuluyang nailabas ang kopya ng kontrata.
Nang lumabas ang kopya ng kontrata, mabuking na ito ay walang Board Resolution na nagpapahintulot kay Mr. Do Good Deeds na pumasok sa isang kontrata sa Smart. Nabuking na ang mismong kontrata ay may inherent flaws bukod dito tulad ng sinadyang pagiiba ng spelling ng pangalan ni Mr. Ube.
Malamang ito ay ginawa upang magkaron siya ng lusot kung sakaling magkaproblema ito sa hinaharap.
Wala din tumestigo.
At mapapansin na hindi kataasan sa smart ang pumirma para sa kanila.
Sikretong pumasok si Mr. UBE sa isang contrata na pinalabas na Deed of Donation sa pagitan ng smart at ng Brigade. Nang mabuking ay todo tanggi ito, denial king kumbaga. Siya ay nagsinungaling.
Ang pagsisinungaling ay simbolo ng kawalan ng integridad.
Ang pagsisinungaling ay ginagawa upang proteksyunan ang pansariling interes, hindi ng nakakarami.
Ang pagsisinungaling ay simbolo ng ANARKIYA!
No comments:
Post a Comment