Tuesday, August 28, 2012

Mainit-init at greaseless pa!


Sino sa inyo ang sumama nung umaga ng linggo?


"Warm Water" Salute?!


Ok lang kayo?


Tuloy, madami hindi sumama kasi problema nila kung san maghahanap ng heater para maging "warm" ang tubig sa mga tangke.



Tsk tsk tsk...


San san niyo ba nakukuha mga idea niyo madam?


At bakit nung may pakain daw sa Mang Inasal e hindi lahat sumama.  Bakit kaya?


Ibig ba sabihin nito e hindi sila nagpunta dun dahil lang porke nagpatawag ang tropang gamol nila Water Ludy, Mary Eta at dalawang taga centongcom?


Bagkus ay nagpunta sila dahil sa taos puso na pagpugay sa namayapang kalihim.


Teka, sino sino ba hindi mga sumama sa pakain?


At talaga bang warm yung water mga kapatid? 



Bwehehehe

Monday, August 27, 2012

Mga gamit ng Brigade, pang display lang?


Tanong ko lang, yun bang mga gamit na pinamigay sa limang grupo ilang buwan na ang nakakalipas e nagamit nung naguulan at nagbaha sa kalakhang maynila nitong nakaraan?


Naisip ko lang kasi if i remember, ilang beses nag-aannounce ang Brigade nung kasagsagan ng Baha at ulan na may request si Biñan Alpha na respondehan yung someone diyan sa Talayan.


Ganun din si Prime-Delta, request ng request na "rescuer needed" sa radyo.



May lumabas ba sa limang binigyan ng bangka para ayudahan ang "request" ni Water Ludy at Mary Eta?



Akin lang natanong dahil may mga bugwit na asungot na dumaan sa aking pwesto kahapon at nagkwento na nagkaron daw ng insidente sa pagitan ni Water Ludy at isang grupo na may bangka noong bagyo.



Nakita daw nitong si Water Ludy na ginagamit sa water rescue yung bangka, aba e, akalain mo ba na nagalit daw itong beauty ni Water Ludy at sinabing hindi daw dapat gamitin ang bangka sa Maynila dahil para daw yun sa request niya sa QC.  



Haller!?



Di ba kung may tutulungan ka, tutulungan mo na agad pag nakita mong kailangan ng tulong at may gamit lang din?



Ano pala yung mga gamit na pinamigay nila Water Ludy na may picture picture pa na nalalaman, pang display!?



Alam niyo ba kung sinong grupo ang naka-engkwentro nitong si Water Ludy?


Clue :  Isa sa mga ginagalang at masipag na grupo ng Brigade.

Clue ulit :  Masarap ang pangalan nila, malinamnam!


Oh, Ha!?

Sunday, August 26, 2012

Foul!



Huli na pala ako sa balita.


Kanina ko lang nabalitaan, may kumakalat palang facebook page at youtube video na tampok ang mga magnanakaw sa Brigade.


Noong napanood ko kanina, aaminin ko na natawa ako at the same time, bumilib sa kung sino mang gumawa nun.


Whoever made that had a lot of time in his/her hands.


Napanood niyo ba?


Nung napanood ko, agad ako tumawag sa mga kakilala ko na member ng Voltron.


Tinanong ko kung sila ang may gawa nun, dahil logical naman na sila ang agad at unang pagbintangan dahil di naman lihim na may alitan ang kanilang grupo laban kina Charlie Papa at Water Ludy.


Sagot ng kausap ko ay hindi daw at di din nila alam kung sino ang may gawa.  Bagay na pinaniniwalaan ko.


To begin with, how and why whoever made that youtube video had a copy of the picture of Charlie Papa, a mugshot at that, is worth looking into.


True na Voltron at mga repormista ang unang pagbibintangan, pero lumalabas ang anggulo na tila sinadyang gawin ito ng grupo nila Water Ludy para pagbintangan ang grupong repormista.


Be that as it may, kahit na na-amuse ako sa video, i would have to admit na foul ang naturang video kung sino man ang may gawa.  Higit na foul ito kung grupong repormista ang gumawa.  Pero kung tropang praning ang may gawa nito para lamang mapunta ang turo sa grupong Voltron, aba, e you continue to surprise me everytime!


I never thought you would stoop down that low.

Saturday, August 25, 2012

Sinong Bastos?



Bastos daw ang blog na ito dahil sa mga sinusulat dito.  


Ha?  


Ang blog na ito?  Bastos?


Haller!?


Gusto niyo ng kwentong bastos?


Heto ang bastos :


Sino na sa inyo ang nakakuha ng kopya ng "Souvenir" ng Brigade?


Napansin niyo ba na madami ang walang picture dun?


Pansinin niyo kung sino sino lang ang walang picture.  Walang picture ang mga kasapi ng kilusang Voltron!


At bakit sila walang picture?  Dahil ba sa nagdemanda sila?


Does filing a case for fighting for what you think is right make them less of a Director of Brigade?


Remember, di sila basta member ng Brigade.  Sila ay mga Direktor.


Samantalang itong isang tabachingching na direktor na naging kaaway ng isang member ng Voltron dahil sa demandahang naganap e may picture!  At officer pa daw ng Brigade!


Oh, ha?!   Hehehe


Di kaya nagkalaglagan na?  


Esep esep!

Idol ang TxtFire?


Talaga yatang idol nitong sina Water Ludy at Mary Eta si Mr. UBE Do Good Deeds.


Aba, akalain mo ba na ginaya nila ang PR ni Mr. UBE na "i-welcome" daw ang remains ni Sec. Jess nung ito ay dalhin sa malakanyang galing sa naga.


Ang siste pa, nag"joint" force pa!  talaga namang gusto magkadikit pa ang Brigade at TXTFire!


Haller?!  Ok lang sila?


Utak lamok lang kasi.


di ba naghahatid tayo ng patay, hindi nag-we-"welcome"?


Mabalik nga ako, kanino ba talaga ang TXTFire?!


Kay UBE ba o sa Brigade?

Friday, August 24, 2012

Paalam, Secretary Jesse..


Taos-puso ang pakikiramay ng Blog na ito sa di inaasahang pag-panaw ni Secretary Jesse Robredo.  Kasama ang ilan sa mga tropapips ko, kami ay dumalaw sa "public viewing" na kasalukuyang ginagawa sa "Kalayaan Hall" ng Malacañan Palace.


Tunay nga naman na malaking kawalan sa bansa ang biglaang pagpanaw ni Sec. Jess.  Habang nasa pila, narinig kong naguusap ang ilan sa mga nagkukwentuhan sa burol kanina.



Kanilang pinaguusapan yung mga bumbero daw na nasa Roxas Blvd. kaninang papunta sa Malacañan ang labi ni Sec. Jess.



Ayoko sana patulan, pero madami lang naglaro sa isip ko habang ako ay pauwi.  Ni ayaw ko bigyan ng di magandang kulay ang alaala ng namayapang kalihim.  Di ko mapigilan.



Naisip ko lang, alam ng lahat ang mga kalokohang gagawin ng tropa ni Water Ludy para lamang mapagtibay ang kanilang panunungkulan sa Brigade, kahit na ito ay idaan sa hindi magandang pamamaraan.


Kahit pa manloko o manlinlang ng tao, gagawin nila, mapalakas lamang at mapagtibay ang kanilang "claim" sa leadership ng Brigade.



Kung ating naaalala, nagkaroon ng "Guerilla Operation" ang tropang Water Ludy at Mary Eta nang kanilang maloko ang dating Punong Mahistrado.



Di ba sila gumawa ng paraan na bumili ng ticket para sa isang pulong sa Manila Hotel para lamang "ma-corner" si Chief Justice Corona?  Under the table talaga ang nangyaring pagpapa-payag nila kay CJ Corona na "hesitant" na magpa-sumpa sa kanila.  



Ang nasabing "Oath of Office" na pinagyabang nila na ginanap sa Manila Hotel ay biglaan.  Patunay nito ay ang biglaang pagbibihis nila Water Ludy, Mary Eta at iba pang mga "Officer" DAW ng Brigade sa banyo ng naturang Hotel.  


Ang cheap lang noh!   Nagyayabang ka na Manila Hotel ang Oath Taking mo e pinilit mo lang naman si CJ na i-administer ang Oath mo, mabilisan ka pang nagbihis sa Banyo.


Fast forward one year later, ano ang nangyari kay CJ?


Di ba napatalsik ito sa pwesto?


Naglalaro lang naman ang aking isip.



Nung pangalawang induction "DAW", di ba si Secretary Robredo ang nag-"induct" DAW sa kanila?  Di ba tila under-the-table din ang pag induct sa kanila ni Sec Jess gayong di naman pala niya alam na magaadminister siya ng Oath.  Kahiyaan na lang na "pinakiusapan" siya na kung pwede e iadminister na din niya ang Oath nila Water Ludy.


Fast forward one year later, kamalas-malasan na sinawimpalad ang butihing kalihim.



Di kaya may dalang malas itong grupo ni Water Ludy at Mary Eta?



Black widow daw sabi ni pareng igol.  Hahaha



Say niyo mga bossing?







P/S:  Patawad po sa mga makakabasa nito.  I know that it will somehow leave a bad taste in the mouth, given what has happened to the Honorable Secretary of Interior and Local Government.  Nagkataon lang po.  This blog means no disrespect to the good memory of Secretary Robredo.