Friday, August 24, 2012

Paalam, Secretary Jesse..


Taos-puso ang pakikiramay ng Blog na ito sa di inaasahang pag-panaw ni Secretary Jesse Robredo.  Kasama ang ilan sa mga tropapips ko, kami ay dumalaw sa "public viewing" na kasalukuyang ginagawa sa "Kalayaan Hall" ng Malacañan Palace.


Tunay nga naman na malaking kawalan sa bansa ang biglaang pagpanaw ni Sec. Jess.  Habang nasa pila, narinig kong naguusap ang ilan sa mga nagkukwentuhan sa burol kanina.



Kanilang pinaguusapan yung mga bumbero daw na nasa Roxas Blvd. kaninang papunta sa Malacañan ang labi ni Sec. Jess.



Ayoko sana patulan, pero madami lang naglaro sa isip ko habang ako ay pauwi.  Ni ayaw ko bigyan ng di magandang kulay ang alaala ng namayapang kalihim.  Di ko mapigilan.



Naisip ko lang, alam ng lahat ang mga kalokohang gagawin ng tropa ni Water Ludy para lamang mapagtibay ang kanilang panunungkulan sa Brigade, kahit na ito ay idaan sa hindi magandang pamamaraan.


Kahit pa manloko o manlinlang ng tao, gagawin nila, mapalakas lamang at mapagtibay ang kanilang "claim" sa leadership ng Brigade.



Kung ating naaalala, nagkaroon ng "Guerilla Operation" ang tropang Water Ludy at Mary Eta nang kanilang maloko ang dating Punong Mahistrado.



Di ba sila gumawa ng paraan na bumili ng ticket para sa isang pulong sa Manila Hotel para lamang "ma-corner" si Chief Justice Corona?  Under the table talaga ang nangyaring pagpapa-payag nila kay CJ Corona na "hesitant" na magpa-sumpa sa kanila.  



Ang nasabing "Oath of Office" na pinagyabang nila na ginanap sa Manila Hotel ay biglaan.  Patunay nito ay ang biglaang pagbibihis nila Water Ludy, Mary Eta at iba pang mga "Officer" DAW ng Brigade sa banyo ng naturang Hotel.  


Ang cheap lang noh!   Nagyayabang ka na Manila Hotel ang Oath Taking mo e pinilit mo lang naman si CJ na i-administer ang Oath mo, mabilisan ka pang nagbihis sa Banyo.


Fast forward one year later, ano ang nangyari kay CJ?


Di ba napatalsik ito sa pwesto?


Naglalaro lang naman ang aking isip.



Nung pangalawang induction "DAW", di ba si Secretary Robredo ang nag-"induct" DAW sa kanila?  Di ba tila under-the-table din ang pag induct sa kanila ni Sec Jess gayong di naman pala niya alam na magaadminister siya ng Oath.  Kahiyaan na lang na "pinakiusapan" siya na kung pwede e iadminister na din niya ang Oath nila Water Ludy.


Fast forward one year later, kamalas-malasan na sinawimpalad ang butihing kalihim.



Di kaya may dalang malas itong grupo ni Water Ludy at Mary Eta?



Black widow daw sabi ni pareng igol.  Hahaha



Say niyo mga bossing?







P/S:  Patawad po sa mga makakabasa nito.  I know that it will somehow leave a bad taste in the mouth, given what has happened to the Honorable Secretary of Interior and Local Government.  Nagkataon lang po.  This blog means no disrespect to the good memory of Secretary Robredo.

No comments:

Post a Comment