Aba, nag pulong na pala ang bagong pamunuan ng Brigade nung Lunes.
Sa pangunguna ni incoming President Mario Tan at Executive Vice President cum Secretary General Iking Dy, pinagusapan ang mga programa at plataporma na huhubog sa kinabukasan ng APVFBI.
Sana lang ay maging tuloy tuloy ang reporma sa pamunuan ni President Mario. Maaalala na katropapips ng tropang Water Ludy at Mary Eta itong si Pres. Mario.
Sana lang ay sa tama lang siya lumugar.
Sa kabilang banda, kapuna puna na tila puro mga batang direktor ang mga dumalo sa pinatawag na unang pagpupulong ng Board noong lunes.
Wala ang mga lumang mukha. Walang matanda, si Quiapo 1 lang. Di kaya ito senyales na ibo-boycott ng mga katropa ni Water Ludy ang bagong administrasyon ngayong wala na siya sa puder?
O ito ba ay senyales na mga bagong pag-asa at simula na ng pagbabago kung saan ang mga batang direktor ay mamumuno sa pagtataguyod ng higit na ikakabuti ng APVFBI?
Saan man papunta ang bukas, lahat ng mga kasapi ng APVFBI, sa NCR man o probinsya ay umaasa na higit pang mapapalakas ang Association at hindi magiging mitsa ng pagkakawatak watak ng mga kasapi.
Kay President Mario Tan at mga Vice Presidents, congratulations po at good luck!
No comments:
Post a Comment