ako ay nagtataka kung bakit walang mga nagko-comment nitong mga nakaraang linggo sa mga nakalathala dito sa blog na ito. buti na lang tinawagan ako ng aking mabuting kaibigan na si too-toot san para kamustahin at napagusapan nga namin.
yun pala, naiwan sa draft ang mga lathala. patawad mga taga subaybay.
pero hindi ko ilalathala ng sabay sabay. isa isa lang kumbaga para may "excitement".
bago ang lahat, tapos na pala ang kasong kinasasangkutan ni poging pogi na si prinsipeng agila. mabuti naman. samantalang hindi pa malinaw ang detalye ng pagkaka basura ng kaso laban kay prinsipeng agila sa akin, inaasahan ng lahat, kasama ako, na naway maging maganda na ang samahan at takbo ng APVFBI at sana ay isantabi na ang lahat ng mga di pagkaka unawaan.
pero interesado pa din ako malaman kung ano ang nangyari kung bakit nabasura gayung ang alam ng lahat ay naglabas ng napakalaking halaga ng grupo ni mary eta para magkaroon ng paborableng desisyon para sa kanila.
nasunog ba ang pera?
pagusapan natin yan sa susunod na mga lathala. makikitsismax muna ako.
at muli, anong buwan nga ulit ngayon?
buwan ng agosto, tama ba?
at anong "chinese zodiac" ang nagdodomina ng buwang ito?
hindi ba ang sign na "leo"?
leo, ang haring leon.
bakit ko ito tinatanong? ito ay dahil sa may malaking kinalaman ang ating susunod na kwento sa mga leon.
isang kwento na pagbibidahan ng isang tao na tatawagin nating si ginoong "leon guerrero".
abangan!
No comments:
Post a Comment