Monday, July 16, 2012

Bwe Pin Sin Dit!

Bakit?


Well, ang gusto mangyari ng tropa nila Water Ludy ngayon ay magkaroon ng reelection.  


Re-election.


Haller!?


Tama ba yun??


Dalawa sa mga nagsipag resign na mga Vice president, gusto daw bumalik at tatanggalin yung apat na mga na elect na mga vice.



Ibig ba sabihin e nagkamali at palpak ang comelec nung gabi ng election?  E di ba si Atty. Go ang chairman ng comelec noon?  E di ibig sabihin panibagong pambabastos nanaman ito kay Atty. Go?   E di ba ilang beses na nila binastos si Atty. Go?!



At kung masusunod ang tropa nila Water Ludy, paano ngayon yung apat na mga nabotong mga Vice?  Paano sila tatanggalin, e di ba may mandate na sila ng mga directors na bumoto sa kanila?  Kung tatanggalin sila, ano na mangyayari ngayon sa kanila?!


At bakit pa babalik yung mga nagsipag resign?   Ano to, laro?  Trip trip lang?  Tipong GMA na "I am sorry"?!  O miriam na "sorry, I lied"?!



At ito pa ang pinaka matindi sa lahat, si super Mario, nagsabi na dapat daw ang mga vice president ay magdonate ng tig 500 thousand each at ang Presidente daw ay dapat mag donate ng 1M.



Haller!?  


Bakit niya nasabi to?   Dahil ba mga walang pera mga bagong elect na vice?


At oo nga pala, pera pera ang labanan.  Pero tama ba to?  Bakit ngayon lang?!  Pinapamukha lang niya na sila lang na may mga pera ang may karapatang magpatakbo ng Brigade?



He who has the gold makes the rules, ika nga.



Tama ba to?

Monday, July 2, 2012

Boom!

Tila lumabas ang tunay na kulay ng tropa ni Water Ludy at Mary Eta.


Aba, akalain mo, na walang mga palabra de onor ang mga ini!  


Naturingang mga pinagpipitagang mga negosyante pa naman, di ba importante sa ating pagnenegosyo ang ating tinatawag nating "pin sin".



Bakit nasabi ito?


Ala eh, kung maaalala nating lahat, noong election noong February, di ba si Water Ludy ang nagpatawag ng election na iyon?  Di ba siya nagpadala ng Notice of Meeting na ang agenda ay election ng bagong set of Directors?


Di ba ang grupo ni Water Ludy ang nagresign doon sa election na yun?  At dahil sa pagre-resign nila na yun, nagkaroon tuloy ng "unprecedented" na "vacancy" sa mga Vice President positions kung saan apat na posisyon ang biglaang nabakante.



At hindi ba sila din ang nag-nominate sa apat na mga bagong Vice Presidents?



Mismong si Mario Tan ay nagresign noong gabi na yun, at nagsabing hindi siya uupo bilang presidente di ba.  Ang kaniyang ginamit na dahilan ay "health reasons".


Haller?!



Health reasons, e di ba hindi din naman talaga siya qualified dahil di naman siya naka abot sa 70% required minimum attendance sa mga meeting.  


Isa pa, di ba tila pagtataksil sa brigade ang gusto niya na pag isahin ang Brigade at ang grupo ni Mr. Bad boy violet?  Tama ba yun?!



Di ba, di ba, di ba?



E ngayon, ano balak nila gawin?  Matapos magsipag resign at magsipag announce na hindi na sila uupo, ano ngayon ang gusto nila mangyari?


Tila pinapatunayan lamang nila Water Ludy, Mary Eta, atbp. na sila ay mga bwe pin sin dit!


Bakit?



Abangan!

Monday, June 25, 2012

Dilly, Dally, Boo!

Mukhang may namumuong sama ng panahon sa Brigade lately ah.



Parang bagyo na nagpapaiba iba ng direksyon.  Di malaman kung san pupunta.  Aakyat, bababa, bababa, aakyat.  Ano ba talaga madam?



May mga kumakalat ng tsismax na may bago nanamang pakulo itong si Madam Ludy.



Abangan!

Monday, June 18, 2012

Jhun jun june

Gaya ng tinuran natin sa huling lathala, aking itinatanong kung kanino ba talaga empleyado itong si Jhun jun june?


Sa Brigade ba o personal julalay ni Mary Eta?


Aking naitatanong sapagkat noong isang araw, nagkasalubong ang mga partido ni Igol at si Jhun jun june Janitor/maintenance/messenger/julalay/choochoo/tagapunas/etc, sa Masagana Mall sa Taft Avenue kung saan andun ang Branch 8 na kung saan dinidinig ang kaso ni Igol at ni Mary Eta.


Nang siya ay tanungin, sinabi daw ni Jhun jun june na inutusan siya ni Mary Eta na pumunta dun upang kunin ang transcripts ng pagdinig sa kaso na naganap noong May 10.



Sinabi pa daw nitong si Jhun jun june na kung pwede ay wag ipagsabi na andun siya at nakita siya.



Ako lamang ay nagtataka, oras ng trabaho sa Brigade yun.  Di ba siya pinapasahod ng tama sa Brigade?  Kung nandun siya sa masagana para sundin ang personal na utos ni Mary Eta, di ba parang hindi tama?  Pinapasahod ng Brigade para maging personal na messenger ni Mary Eta si Jhun june jun?


Personal ang utos dahil personal na kaso ito ni Mary Eta.  O hindi nga ba?  Ano nga ba talaga?  Personal na kaso ba ito ni Mary Eta o Brigade ba ang partido sa kasong ito?



Ating paguusapan yan sa susunod na lathala.

Saturday, June 16, 2012

Ang nakaraan...

Pambihirang patis!


Ang tagal na pala walang post dito!


Ano na ba balita sa Brigade?


Ano na bago?



Bago ang mga yan, gaya ng dati, ang blog na ito ay humihingi ng paumanhin kung bakit matagal na walang update sa mga kaganapan sa Brigade.



Sobrang busy lang talaga.   Pero nitong mga nakaraang araw, linggo at buwan (tatlong buwan to be exact), may mga "recent developments" na matatawag na nangangailangang mailathala.



Pero bago yan, atin lamang munang itanong : kay Mary Eta, Kaninong empleyado ba si Jhun?  Sa Brigade ba o personal staff ni Mary Eta?



Kung bakit natin naitanong yan ay ating ilalathala sa susunod na kabanata.




Abangan!

Monday, March 12, 2012

Lily Uy, Magbabalik bilang Presidente?

Sa naganap na Directors' Meeting ng APVFBI noong biyernes, nagsalita at nagbitaw ng salita si Kgg. Mario Tan na hindi siya uupo bilang presidente.


Ito daw ay dahil sa ayaw niyang umupo habang magulo ang Brigade.  Kaniya pang sinabi na dapat daw ay magpa-ilalim umano ang Brigade sa TXTFire dahil ang TXTFire daw ay maunlad na at malaki.



Huwat!?



Anyway, sa naturang pulong, isinuggest na si Vice Iking ang magiging presidente dahil siya naman ang next in rank kung ayaw naman pala ni Mario Tan.



Sabat naman si Water Ludy at Mary Eta sa pagsasabing "HINDI PWEDE!"



Nagtataka lang ako, kung si Water Ludy nga ay nakaupo dahil nagbigay daan itong si Juanito See, e bakit hindi si Vice Iking?



Sinabi pa nila Mary Eta na kung hindi daw uupo si Mario Tan, si Water Ludy na lang daw ulit ang uupo.



Haller?!?!



Bukod pa diyan, muling hinalungkat ang tungkol sa mga kaso kung saan napag initan si G.A. dahil sa inglesero ito at hindi naman pala maintindihan ng karamihan sa pulong ang inglis.



Nagpanukala ng magandang solusyon itong si G.A. kung saan lahat sana ng partido ay magkakaroon ng pagkakataong mag move-on.  Subalit agad naman itong sinabat nila Mary Eta na pumapalakpak pa, at pinagbintangang may hidden agenda.



Haller ulit?!?!


Mukhang ayaw paupuin nila Water Ludy na presidente itong si Vice Iking ah. 



Bakit kaya?!

Thursday, March 8, 2012

Mario Tan, upo bang presidente?

Gaya ng napalathala sa mga naunang ulat, nahalal bilang Presidente ng APVFBI itong si Kagalang galang na Mario Tan.


Sa mga hindi nakakakilala kay Mr. TAN, siya ay kasalukuyang pangulo ng SOLER Volunteer, isa sa mga masisigasig na brigada na kasapi ng Brigade.



Nauna nang nagpasalamat si Kgg. TAN sa mga Direktor ng Brigade sa kaniyang pagkaka pangulo kung saan sinabi niya na handa siyang maglingkod para sa kapakanan ng Association.


Siya naman ay malugod ding binati ng mga Direktor.



Ngunit may kumakalat na balita itong si Ex-VP ANSON ONG kung saan pinagkakalat nito na hindi daw mauupo itong si Mario Tan bilang presidente.



Matatandaang nagbitiw si Lily Uy at daglian namang sinundan ng ilang VP na sila Anson Ong, Jasper Ang, Joseph Wee. 


Hindi nagresign si Mario Tan dahil wala ito at si Vice Enrique Dy.


Marahil, itong si Anson Ong ay naghahanap ng karamay dahil kung gaano sila kabilis umakyat, ay siya din namang bilis nilang bumulusok pababa.


Ngayon, ang tanong :  TOTOO BANG HINDI UUPO SI MARIO TAN AT DI DAW NIYA TATANGGAPIN ANG PAGKAPRESIDENTE?


Ating alamin!

Monday, March 5, 2012

Kamusta naman ang pondo ng Foundation?


Ang brigada niyo ba ay nakatanggap ng solicitation letter para sa ginawang corner ng APVFBI sa Museo Pambata?


Matatandaang nagpadala ng solicitation letter si Water Ludy sa mga brigada na kasapi ng APVFBI, para magbigay ng tig-20k.



Ang siste, gusto maningil ng tig-20k ni Water Ludy, pero ang pangalan na ilalagay daw ay pangalan lang niya at ng mga Officers ng Brigade.



Aba, siyempre walang magbibigay!  Ano sila, bale!?   Sila gagastos tapos ikaw magpapasikat?



Dahil dito, pinakialaman nila ang pera mula sa Construction Fund na matagal itinago at pinagkakitaan ni Johnny Tan Chao.   Maalala na nauna na nating nailathala ang tungkol sa pakikialam ni Water Ludy sa perang ito.  Ang kwento ay nandito.



Gaya ng nalathala noong nakaraang buwan, naglabas ng di lang pala 400K, kundi 440 thousand pesoses mula sa construction fund, para lang magpasikat sa museo pambata.



Ito ay ginawa ng hindi nalalaman ng mga kinauukulan.



Kaya kaya ipaliwanag ni Water Ludy ang kabulastugan na ito???

Sunday, March 4, 2012

Dating Fire Marshall, nakipag away sa sunog habang lango sa alak!

Sa isang sunog sa paraƱaque noong isang linggo, lasing na rumesponde si PAPA-5, dala ang truck ng Pasay Volunteer.



Sa hindi pa malinaw na dahilan, aba, akalain mo bang inaway nito si Mr. Fire Chief ng OCTAGON volunteer na taga malate.



Ang sama pa dito, nakisawsaw pa ang anak ni PAPA-5 na si PILOT-17 sa gulo at pinagbantaan pa daw itong hepe ng Octagon na "papatayin" kapag nagkita muli sa sunog.



Tila ata matatapang ang mga taga PASAY Volunteer.  


Teka, di ba itong si PILOT-17 din ang dating pinagbibintangang malikot ang kamay?  




Tanong lang, tama bang rumesponde na nakainom?



Dapat ata ay maging mabuting halimbawa tayo sa hanay ng mga pamatay sunog na ating pinamumunuan.



Ang ganitong mga pangyayari ay tila nakakahiya talaga, lalo na at dala natin ang pangalan ng Association.

Saturday, March 3, 2012

Sabotahe???

Una muna, malugod na pagbati sa bagong halal na pangulo ng Brigade, kay ginoong Mario Tan - ang President-elect ng APVFBI.



Sa kabilang dako, kanina tuwang tuwa dumating ang mga tao namin na sumama sa parada.


Aba, akalain mo ba naman na oras na ng tanghalian natapos ang Fire Prevention parade.



Ang siste, ang packed lunch na pinamigay sa pangunguna ni Mary Eta, na naglalaman ng kanin, dalawang ulam at vinegar (ayaw ko sabihing "suka" eh), aba, e panis daw!!!



TAMA BA YUN!?!?


Matapos niyo gamitin ang mga bumbero sa sariling pagpapasikat ninyo e papakainin niyo ng panis?


Wala na ba talaga kayo kahit konting hiya sa balat niyo?




Napag alaman na ang may ari ng catering ay si Mr. CARLOS POLICAN, director ng Brigade.



Di ba naman nakakahiya na opisyal ka ng Brigade tapos ikaw ang magsusupply?  Di ba ito tila may conflict of interest dito?



Tapos sasabihin ninyo na di kayo nagpapayaman, na hindi niyo pinagkakakitaan ang Brigade.  Eh ano tawag mo dun?!



MAHIYA NAMAN KAYO!!!