Isang comment ang ilinathala ni kapatid na "repormista" sa akda sa baba kung saan kaniyang kinuwestiyon ang motibo ng paglathala niyon...
Ang kaniyang lathala ay ito :
"yung ganyang klaseng pag-iisip ang nakakasira sa pagkakaisa. sa halip na purihin mo ang layunin ng pagkakasundo at pag-uunawaan, pilit mong binabato ng mantsa ang mga pagkilos para magkaroon ng pag-uusap at paghihimay ng mga usapin na naghihiwalay sa magkabilang panig.
mapanghati ka kapatid. instigador.
repasuhin mo ang layunin mo sa pagsusulat dito sa blog. ang kasiraan ba ng isang kampo o kabutihan ng lahat?
repormista ka ba o anarkista? alam mo ba ang pagkakaiba?"
Kung ating susuriin, tila kaniyang ina-advocate ang "unity" na ayon sa kaniya, ay hindi tinataguyod ng lathala sa baba.
Bilang tugon, ating ilapit ang ating sarili sa katotohanan. Ano nga ba ang layunin kung bakit nagaalok ng "negotiation" ang kampo ni Water Ludy sa kampo ng mga reformist?
Di ba walang pinag iba ito sa naunang "negotiation" na pinangararakan ni Mr. Ube Do Good Deeds kung saan kaniyang "pinangako" ang langit at lupa para lamang hayaan siyang makaupo sa isang pulong sa isang mamahaling restoran sa may Morato? At pagkatapos niya maupo, ay ano ang nangyari? Kilala pa ba niya ang kaniyang mga pinangakuan nung siya ay naupo na? Tanungin natin ang mga Present noong meeting na iyon.
Hindi nagkulang ang mga reformist sa pag-air ng kanilang mga grievances sa mga appropriate channels. Sa mga meeting ng mga Director sa Brigade, sa mga back channel negotiations, ngunit, subalit, datapwat, sila ay pinagsasawalang bahala at isinasantabi ang kanilang mga hinaing.
Lahat ng pwedeng gawin upang ma-resolve ang mga issues na gumugulo sa Brigade ay na-exhaust na, kumbaga, at sila lamang ay "pushed against the wall", kung saan wala na sila ibang pwedeng gawin kundi ang iparating ang bagay na ito sa kinahinatnan natin ngayon.
Kung sinasabi mo kapatid na repormista na ang lathala sa baba ay nakakasira sa pagkakaisa, sana ay tanungin mo muna ang mga ka-rancho mo kung ano ba talaga ang motibo nila sa kanilang gustong "negotiation".
Lahat ng negotiation ay tunay na mainam para sa katiwasayan at kabutihan ng Brigade, subalit lahat ng ito ay dapat naka-ugat sa tinatawag na SINCERITY!
Kung hindi sincere ang kampo nila Water Ludy, Mary Eta, Rolley Polly So, Mr. Ube Gerry Chua, Carlos P., ay walang mangyayari.
After all, ilang beses na ba sila Water Ludy hindi tumupad sa usapan? At ilang dokumento na nga ba ng Brigade ang kanilang pineke, maitaguyod lamang ang kanilang PANSARILING INTERES!?
Gaya ng tinuran mo kapatid na repormista, sana ay repasuhin din ng kampo niyo ang tunay na motibo ninyo sa inaalok niyong "negotiation".