Friday, July 1, 2011

Bakit nagtitipid?

Sabi ni Mary Eta, kailangan daw ibili ng motor ng Brigade si Jun dahil sa laki daw ng ginagastos ng Brigade buwan-buwan sa pag memessenger nito, mas mura daw kung bibili na lang ng motor.


Haller?!  Nang tignan ng mga reklamador ang mga file, naglalaro lang sa tatlong libo ang gastos niya sa pamasahe sa dalawang bwan, o naglalaro sa isa't kalahating libong piso kada bwan.
Ang nakaka-Haller pa, nabuking na nagsisinungaling si Mary Eta nang magsalita ang Treasurer na kaya ibibili si Jun ay dahil sa nagrequest umano ang boylet ni Mary Eta na kung pwede ay bilhan siya ng motor dahil daw napapamahal ito sa kaniyang pamasahe galing sa kaniyang bahay sa Muntinlupa papasok sa Quirino/Leveriza.



Nagrequest umano itong si Jhun na kung pwede siya bilhan ng motor at huhulugan niya ito ng halagang 1500 kada bwan sa loob ni limang taon.  Ayon daw kay Jun, 126 daw kada araw ang kaniyang pamasahe araw araw at ito daw ay mabigat sa bulsa at mas makakatipid daw ito kung magmomotor na lang daw siya.
Ayun naman pala e!  Mahal pala pamasahe.  Kung si Jun na siyang pinakalaki sumahod at pinakamalakas kumana sa Brigade ay nabibigatan, yun pa kayang ibang operator na kinaltasan ng malaki sa sahod?


 Nabuking si Mary Eta na nagsisinungaling, habang deny-to-death pa ang lola mo.  
Si Vice-Anson na mismo ang nag-explain na huhulugan ni Jun, deny to death pa din si achi.  



Hindi inaprubahan ng board ang panukalang pagbigay ng regalong motor kay Jun.  Malayo pa daw ang pasko.


Noong tanungin si Mary Eta kung bakit iba ang statement ni Mary Eta at ni Treasurer sa usapin, sagot ni Mary Eta "irrelevant na yan, di naman na-approve ng board e."



Ayon sa mga umpukan, dapat daw ay tanggalin na si Mary Eta sa pwesto.  Hindi daw siya mapagkakatiwalaan.



Palagay niyo mga kabumbero?

1 comment:

  1. DAPAT LANG NAMAN NA TANGGALIN NA YUNG MGA SALOT AT WALANG KWENTA AT GINAWANG TAMA.... LALO LANG NAMAN MAGIGING MAGULO ANG SITUATION PAG NANDYAN ANG MGA YAN...DAPAT TALAGA ANG MAMUNO EH MAY ALAM SA OPERATIONS AT HINDI YUNG MAGPAPAGAMIT SA IBA!!!!! ANG NASA OPERATIONS BRANCH NAMAN EH DAPAT YUNG MARUNONG DIN TULAD NG COMMUNICATION CHAIRMAN NA WALANG ALAM AT FIRE MARSHALL NA HINDI MARUNONG DUMISKARTE SA MGA OPERATIONS!!!!

    ReplyDelete