Friday, July 15, 2011

Center-5, Uto-Uto kina Mary Eta!?

Nung gabi ng meeting ng mga direktor, isang "spy" ang nakikinig sa usapang naganap sa pagitan ng mga operator at ni Center-5.



Lahat kasi ng dumadating, binibigyan ng kopya ng mga operator ng kanilang sulat sa mga direktor.
Nang binigyan si Center-5 ng sulat, binasa naman niya agad ito.  Pagkabasa, tila gulat na gulat ang lolo mo sa kaniyang nabasa at sinabing "Bakit gumawa pa kayo ng sulat?  Sana sinabi niyo na lang muna sa akin para nagawan ko ng paraan at para naayos ko pa.  Di ba sabi ko lumapit lang kayo sakin?"



Sagot naman daw ng isang operator, "E sinabi naman namin sayo ang problema namin.  Wala ka naman ginawa, sabi mo pupunta ka dito para mareview yung mga files, e di ka naman nagpunta.  Nangako ka samin sabi mo punta ka dito, pero ni Ha, ni Ho, wala, di ka nagparamdam.  We were left with no choice!  Ikaw nga inaasahan namin pero ano ginawa mo?  Wala!"



Depensa naman daw ni Center-5, "E pupunta nga sana ako, kaya lang hindi ako pinayagan nila Mary Eta.  Hindi daw kasi under sakin ang Communication.  Kay Communications Chairman lang daw, wala daw ako say sa inyo."
"E ano man lang yung sabihin mo sana na di ka na pupunta, hindi yung umaasa kami sayo tapos parang iniwan mo lang kami sa ere", sagot naman ng mga operator.



Hindi na daw nakapagsalita si Uto-Utong Center-5.   Galing ng Fire Marshall natin ano?
Tsk tsk tsk.



Nagtataka lang ako, hindi ba talaga under ng Fire Marshall ang Commmunications Committee?  Kailan pa?  


Ang alam ko, hawak ng Fire Marshall ang lahat ng nasa operation.  Ang communications ay nasa operation so the buck will stop with the Fire Marshall!



Kaya nga nagawang i-appoint ni Papa-5 si Tutuban-ALPHA noong nabakante ang Communications Chairman di ba?!



Palusot talaga nitong si Center-5!  Magpapalusot lang, di pa sinasadyang mabuking niya na si Mary Eta pala ang nagpapatakbo sa operation!



Bad!

1 comment:

  1. DI NAMAN UTO UTO SI CENTONG TUKO...

    TRABAHO LANG GINAGAMPANAN NIYA...

    KAYA NGA SIYA KINUHA FIRE MARSHALL PARA KUNG ANU UTOS IBIBIGAY SUSUNOD LANG SIYA...

    DAPAT NATIN HANGAAN AT IKARANGAL SI CENTONG TUKO...
    DAHIL MASUNURIN NA BATA SIYA SA NAKAKATAAS...

    WALA KASING SARILING YAGBALLS!!!!!

    BWAAAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH

    ReplyDelete