Monday, October 17, 2011

Mga Oportunista at Repormista, maghaharap!!!

Nagpupumilit ang kampo ng mga Oportunista na kung pwede daw ay makausap nila ang grupo ng mga Repormista ngayong linggo na ito.



Kumbaga, gusto nila magkaron ng peace talk!
At ang kanilang emisaryo :  si Vice IKING!!!



Mukhang gusto magpa-pogi nitong si Vice Iqing sa magkabilang panig sa pamamagitan ng pagiging tagapagtaguyod ng Peace Talk.



Ayon sa mga bugwit, nais daw ni Vice Iking na kausapin ng magkabilang kampo ang kanilang mga abogado upang maghain ng "joint motion" sa hukuman para i-suspend ang pagdinig at paghatol sa kaso ng ilang linggo upang bigyan ang magkabilang kampo ng pagkakataon na makapag"usap" at magkaroon ng pagkakataong "magkasundo".
Sa utak ng isang pobreng katulad ko, akin lamang naiisip na walang ibang dahilan kung bakit nagpupumilit sila magka-peace talk kundi dahil sa alam nila na hindi sila mananalo sa kaso at siguradong taob sila sa kasong kinasasangkutan nila.


Magiging katawa-tawa ang kampo ng mga repormista kung sila ay papayag na makipag kasundo ngayong malapit na nila maabot ang hustisya sa kanilang sinimulang laban.



Mawawalan ng loob ang mga tagasuporta nila kung matapos ang lahat, kung kailan andito na tayo sa rurok ng tagumpay ay biglang papayag tayo sa iaalok ng grupo ni Water Ludy at Mary Eta.  
Ika nga, we have come this far, bakit pa tayo susuko?   E obvious naman na panalo na tayo!?



Abangan!

2 comments:

  1. yung ganyang klaseng pag-iisip ang nakakasira sa pagkakaisa. sa halip na purihin mo ang layunin ng pagkakasundo at pag-uunawaan, pilit mong binabato ng mantsa ang mga pagkilos para magkaroon ng pag-uusap at paghihimay ng mga usapin na naghihiwalay sa magkabilang panig.

    mapanghati ka kapatid. instigador.

    repasuhin mo ang layunin mo sa pagsusulat dito sa blog. ang kasiraan ba ng isang kampo o kabutihan ng lahat?

    repormista ka ba o anarkista? alam mo ba ang pagkakaiba?

    ReplyDelete
  2. SIR REPORMISTA...

    MATANONG LANG PO KAYO???

    ALAM NIYO PO BA ANG PUNO'T DULO NG GULO SA BRIGADE???

    ReplyDelete