Saturday, August 2, 2014

At nabuhay namag uli!

ako ay nagtataka kung bakit walang mga nagko-comment nitong mga nakaraang linggo sa mga nakalathala dito sa blog na ito.  buti na lang tinawagan ako ng aking mabuting kaibigan na si too-toot san para kamustahin at napagusapan nga namin.

yun pala, naiwan sa draft ang mga lathala. patawad mga taga subaybay.

pero hindi ko ilalathala ng sabay sabay. isa isa lang kumbaga para may "excitement".

bago ang lahat, tapos na pala ang kasong kinasasangkutan ni poging pogi na si prinsipeng agila.  mabuti naman.  samantalang hindi pa malinaw ang detalye ng pagkaka basura ng kaso laban kay prinsipeng agila sa akin, inaasahan ng lahat, kasama ako, na naway maging maganda na ang samahan at takbo ng APVFBI at sana ay isantabi na ang lahat ng mga di pagkaka unawaan.

pero interesado pa din ako malaman kung ano ang nangyari kung bakit nabasura gayung ang alam ng lahat ay naglabas ng napakalaking halaga ng grupo ni mary eta para magkaroon ng paborableng desisyon para sa kanila.  

nasunog ba ang pera?

pagusapan natin yan sa susunod na mga lathala. makikitsismax muna ako.

at muli, anong buwan nga ulit ngayon?

buwan ng agosto, tama ba?

at anong "chinese zodiac" ang nagdodomina ng buwang ito?

hindi ba ang sign na "leo"?  

leo, ang haring leon.

bakit ko ito tinatanong?  ito ay dahil sa may malaking kinalaman ang ating susunod na kwento sa mga leon.

isang kwento na pagbibidahan ng isang tao na tatawagin nating si ginoong "leon guerrero".

abangan!

Friday, August 1, 2014

Buhay ka pa ba blogger!?

ang daming chismax na dumarating sa aking kinalalagyan pero dahil sa hirap ng buhay ngayon, kailangan unahin muna ang pagaasikaso ng ating munting kabuhayan.

kamusta na nga ba ang Brigade ngayon sa pamumuno ni Kgg. na pangulong Gryfon Alfafa?

mag kuro nga po kayo.

sa ibang banda, opo buhay pa po si blogger.

nagkataon lang na bilang pagkilala at pag galang sa napag uusapan sa Brigade na dapat di na to iupdate, tayo ay tumalima sa usapang marangal na iyon.

marangal nga ba?

bwahahaha

inuulit ko lang, wala ako pinapanigan sa kahit na sinong grupo.  ito ay tila mga kuro kuro ko lamang at ang mga lathala dito ay batay lamang sa mga pananaw ng mga kasapi ng pinagpipitagang APVFBI.

bago ang lahat, akin munang binabati si Kgg. Pangulo ng Brigade na si Gryfon Alfa.  nawa ay maging matatas ka at makisig sa pagtaguyod sa ikabubuti ng Brigade.

i thank you.




abangan sa susunod na kabanata :  sino itong poging direktor ng Brigade na tila sinusuka ng kaniyang sariling grupo na kinaaniban?

clue :  bagay sa kaniya ang buwan ng agosto. hehehe

Sunday, March 10, 2013

Blog, binanatan nanaman!

Binanatan nanaman umano ng tropang gamol ang Blog na ito sa nakaraang pagpupulong na ginawa noong Biyernes.


Aba, akalain mo ba na isang dahilan daw ang blog kung bakit ayaw makipag bati at makipag ayos ng grupo ni Mary Eta kay Igol Igol!?


Itinaguyod daw ni Pedro Penduko at ni SeboSebo ang laban ni Mary Eta sa pagsasabi na hindi alam ng isang direktor ng ewan ko kung anong brigada ang nangyayari kaya wag makialam ito.  Tahasang sinabi nito ang tungkol sa Blog.


Ayon sa mga amuyong na nagkwento sakin, pilit daw pinagaayos ang kampo ni Mary Eta at ni Igol Igol nang sumingit sa usapan itong si Water Ludy, Pedro Penduko at Sebo Sebo.


Ayon sa kanila, mahirap makipag bati dahil daw sa pagkakaroon ng Blog na ito.


Ako lamang ay nagtataka (pati na din ang mga andun sa meeting), bakit ba sila galit na galit sa Blog na ito?


May sinulat ba dito na hindi totoo?


O baka naman kaya nga sila nagagalit dahil puro katotohanan lang ang nakalathala dito!?


Bato bato sa langit, ang tamaan pangit!

Friday, March 8, 2013

Ano ne?

Inaasahan nanaman ang isang umaatikabong aksyon mamaya sa meeting sa APVFBI. 


Ito ay balita lang sa akin ng mga walang magawa at naki-cha dito sa aking pwesto ngayon ngayon lang.


Ayon sa kanila, noong nakaraang meeting daw ng mga pinagpipitagan at ginagalang na Direktor, napagusapan nanaman daw ang Blog na ito.


Kung ano ano daw ang sinasabi ng grupo nila Mary Eta at Water Ludy tungkol sa inyong lingkod.  Aba, e di ba ang tagal ko na nga nanahimik?


Noong sinabi na wag na magpost dahil nagkakaroon daw ng epekto sa kaso ni Igol-Igol ang mga nasusulat dito, e di ba tumigil naman?


Kaya ba nagaalburuto nanaman e dahil sa may mga nasabi dito noon, mga pinangako na ibubunyag na marami pang kabulastugan nila?


Teka, akala ko ba pina-NBI na tong issue na to ng magnificent duo na mga abogado de kampana?  Ano nang nangyari?


Wag naman sana mamasamain ng grupo nila Water Ludy at Mary Eta.  Pero wala naman nakasulat dito na hindi totoo.  Walang nakasulat dito na kasinungalingan.


Sabi nila unfair daw at nasisira ang kanilang puri at dangal.  Haller?!  


Pwede po magcomment.  Wala pong filter.  Ni isa sa mga comment noong mainit ang away ninyong dalawang grupo ay walang binura.  Lahat ay nakalathala dito.  Kahit na nung nagkapersonalan kayo at may mga taong binanggit dito, walang binura.


Akin lamang inuulit na ako po ay interesanteng nagmamasid lamang at walang pinapanigan sa inyong dalawa.  Kung maaalala niyo, pati si Igol-igol, na aking isang kaibigan ay binanatan ko din dito.  


Sino ako?  Alamin niyo kung sino ang nakikain sa isang pwesto dito sa downtown area ngayong lunch, alamin niyo kung san sila nakikain, malalaman niyo kung sino itech!


Kung nagagalit kayo sa blog na ito, malamang dahil lamang sa tunay at serbisyong totoo ang binibigay dito.  Bato bato sa langit lamang po, ang mga tamaan, pangit!


Hahaha


Mamaya, abangan natin kung ano magiging balita sa meeting sa Brigade!



Bilang pabaon, akin lamang pinapaalalahanan ang magkabilang panig na :

"Di tyo chun kieng pa lang na di 
ay pa lang chun kieng di!"

I thank you, bow!

Monday, January 28, 2013

Tablado!?

Nagkaroon ng malaking sunog sa bayan ng Binan noong gabi ng Biyernes, 25 ng Enero.


Maaga pa lang ay humingi na ng saklolo itong si Past President Water Ludy sa mga kasapi ng Association sa pagsasabing malapit ito sa kaniyang tiam lai!


Lumipas na ang kalahating oras, wala pa din umaayuda sa kaniyang panawagang ito.


Makalipas ang isang oras ay nag Code 1 na din ang Soler at ang Pasay, mga kilalang kaalyado ni Water Ludy.


Pero bakit kaya nag antay pa ng isang oras bago sila tumakbo?



May mga bulong bulungan na kaya daw ganito, ay dahil super panikero daw kasi ang mga taga Binan.  The Boy who cried wolf, kumbaga.


Ilang beses na ba humiyaw ng 78 ang mga kawani ng Binan Volunteer, matapos ang ilang minuto ay kung hindi fire out ay fire under control?


Aba, di naman malapit ang Bayan ng Binan noh!  Na para sa kaalaman ng lahat ay nasa lalawigan na ng LAGUNA.



Teka, LAGUNA ba kamo?


E bakit sabi part daw sila ng Metro Manila?


Para lang ba maging Presidente?  


e kung di pala talaga metro manila, e di ibig sabihin walang basehan ang pagkapresidente ni Water Ludy?



Pekeng Presidente ba kamo?



Dahil daw pinapayagan sa By-Laws.  Taeka ulit, aling By laws?



Abangan!

Tuesday, November 20, 2012

Unang meeting sa bagong pamunuan


Sa ginanap na unang meeting nga bagong pamunuan, kapansin pansin ang leadership attributes ni Executive Vice President and concurrent Secretary General Enrique Dy.


Tila nasa sidelines ang bagong upo na presidente na si ginoong Mario Tan.


Maayos naman ang naging pagpupulong maliban sa isang konting alingasngas gasgas dahil sa isang nakatenggang issue.


Kapansin pansin din na tila ang mga bagong oposisyon na dati ay administrasyon ay wala.


Iilan sa tropa ni water ludy ang dumating.  Ang iba pa nga ay late. Patapos na ang pulong ng sila ay dumating.



Ang buong detalye sa susunod na lathala!

Thursday, October 18, 2012

original size

di daw mabasa ng ibang tropapips natin yung article kaya post ko yung original size na lang.  pasensya na po, malaki yung file. paki scroll up/down/left/right na lang po.


Wednesday, October 17, 2012

BFP at Gubyerno, binanatan ng grupo ni Water Ludy!!!


Kung maalala niyo yung isang post dito sa blog kung saan ating ikinuwento na tila nagkaroon ng sabotahe sa paglathala ng Annual o Souvenir Program ng Brigade, may isa pa palang issue ang dapat nating punahin sa naturang Souvenir Program.


Tila tinira ng tropang Water Ludy at Mary Eta ang pamahalaan sa kanilang isinulat bilang pag babalik tanaw sa nakaraang taon ng kanilang termino.


Basahin at kayo na ang humusga!



Click niyo lang para lumaki at mabasa ninyo.


Di pa parang medyo bastos?

Tuesday, October 9, 2012

Smooth Sailing na nga ba?

Aba, nag pulong na pala ang bagong pamunuan ng Brigade nung Lunes.


Sa pangunguna ni incoming President Mario Tan at Executive Vice President cum Secretary General Iking Dy, pinagusapan ang mga programa at plataporma na huhubog sa kinabukasan ng APVFBI.


Sana lang ay maging tuloy tuloy ang reporma sa pamunuan ni President Mario.  Maaalala na katropapips ng tropang Water Ludy at Mary Eta itong si Pres. Mario.


Sana lang ay sa tama lang siya lumugar.


Sa kabilang banda, kapuna puna na tila puro mga batang direktor ang mga dumalo sa pinatawag na unang pagpupulong ng Board noong lunes.


Wala ang mga lumang mukha.  Walang matanda, si Quiapo 1 lang.  Di kaya ito senyales na ibo-boycott ng mga katropa ni Water Ludy ang bagong administrasyon ngayong wala na siya sa puder?


O ito ba ay senyales na mga bagong pag-asa at simula na ng pagbabago kung saan ang mga batang direktor ay mamumuno sa pagtataguyod ng higit na ikakabuti ng APVFBI?



Saan man papunta ang bukas, lahat ng mga kasapi ng APVFBI, sa NCR man o probinsya ay umaasa na higit pang mapapalakas ang Association at hindi magiging mitsa ng pagkakawatak watak ng mga kasapi.


Kay President Mario Tan at mga Vice Presidents, congratulations po at good luck!

Tuesday, September 11, 2012

Natapos din!


Matapos ang halos 48 oras, natapos din ang sunog na tumupok sa malaking bahagi ng Tutuban Mall.


Nakakalungkot lang na may ilang mga kasama tayo ang nasunugan ng kanilang mga negosyo.



Naisip ko lang na baka tama yung isang nagtext sa akin nung unang araw ng sunog.


Sabi niya, para daw matapos na ang sunog sa Cluster Building, dapat daw ay ialay na lang at ihagis sa loob si Mary Eta. 



Hahaha!