Sa isang umpukan kanina, nabanggit ni Rolly So na di lang daw ang pagtitipid ng Brigade ang iniisip nila kundi ang ka-walang-hiyaan ng mga Operator sa pagduduty.
Ayon kay Rollie So, mga loko daw ang mga operator dahil sila ang nasusunod kung kelan nila gusto magduty, kung gaano kahaba at kung sinong ka-duty.
Tila nagpa-power-trip itong si Kapatid na Rolley. Tila gusto niya na siya ang mag-call ng "shots" sa Communication.
Pero di ata niya namamalayan na tau-tauhan lang siya at si Ube pa din ang nagko-call ng shots sa Brigade, sa pamamagitan nila Mary Eta at Water Ludy na tila mga tau-tauhan din lang.
Kung bakit ganoon kalakas ang "hold" ni Mr. Ube sa mga Opisyal ng Brigade ay di pa matiyak.
Anyway, tinitira nila Rolly So ang mga operator sa pagsasabing sobra sobra na umano ang kinikita ng mga ito nang dahil sa pag-o-over-time.
Inaabuso daw umano ng mga operator ang "over-time" kaya nakaka-kana ang mga ito ng malalaking mga sahod.
Ayon din kay Mary Eta, may mga operator daw na 24 hours kung magduty! Sobrang overtime pay daw ang natatanggap ng mga abusadong operator.
Pero kung susuriin, tila mali ang "appreciation" ni Mary Eta sa 24hours duty na kanilang tinitira.
Sa interpretation ni Mary Eta, 8 hours ang regular duty hours tas 16 hours na ang overtime pay na nakukuha ng mga operator, bagay na mali.
May problema ata talaga sa Matematika itong si Mary Eta.
Tanong, bakit ba at paano ba nagsimula ang ganitong systema sa Brigade?
Maaalala na ilang taon na ang nakakalipas, nakiusap ang mga operator sa mga direktor na kung pwede ay payagan sila na mag-straight ng shift dahil talo nga naman sila sa pamasahe.
Imagine, ang sahod ng mga operator natin ay naglalaro lang sa mula 3,500 hanggang 5,000 kada buwan!? Makatao ba ito? Sa pamasahe pa lang, ubos na ang kanilang sahod, magkaka-utang pa ang mga ito.
Tapos kung pagmumurahin at kung utusan pa ni Mary Eta e parang pagkalaki-laki ng sinasahod niya sa mga tao.
Mabalik tayo, nakiusap ang mga operator sa mga Direktor mga ilang taon na ang nakakalipas, na kung pwede ay payagan nga sila mag straight. Ito ay idinaan noong active pa sila Nova-1 umattend ng meeting ng mga Direktor.
Pumayag ang mga direktor sa pagsasabing maximum overtime ng mga operator ay apat na oras lang. In english, four hours, (4hrs). Quattro ora.
So sa 24-hour duty ng mga operator, mali ang bilang ni Mary Eta na 8-hours regular duty, tas 16-hours overtime ang binabayad sa mga operator. Ang nangyayari sa totoo lang, counted as dalawang araw na trabaho na ito ng mga operator. Meaning unang araw, 8-hours siya nagtrabaho, plus 4-hours na overtime. Pag straight, sunurang 8-hours na trabaho na may tig-4-hours na overtime.
The next day ay regular 8-hour shift na ang mga operator.
Kahit sa mga industriya ay ginagawa ito, at ito ay tinatawag na "Decking". Kahit sa ospital, ginagawa ito at iba pang mga kawanihan.
Pero siyempre, kung gusto pahirapan ang mga operator, gagawa at gagawa ng dahilan si Mary Eta, kahit palyado.
Ano sa palagay niyo?
Abusado at mga walang-hiya ba talaga ang mga operator?