Monday, June 20, 2011

Nagtitipid o nang-gigipit?

Sabi ni Mary Eta, sobra sobra na daw ang sahod ng mga operator sa kaka-duty ng 24 hours, na kung tutuusin ay di naman talaga 24 hours, kundi pareho din ng isang karaniwang araw na pinagdikit lang.


Bakit nga ba ganun ginagawa ng mga operator?  Siyempre, para makatipid.  Sa sahod mo nga naman na naglalaro ng tumataginting na 5,000 petotet, isasakripisyo mo na na hwag makita ang pamilya mo ng isang magdamag para lang makatipid sa pamasahe.
Ang di ko lang maintindihan, pag daw may overtime ang mga operator, umaabot sa mahigit 10,000 petot ang sahod nila sa isang bwan!


E ano ngayon?  Malaking problema ito para kay Mary Eta, at dapat daw ay tigilan ang ganitong pasahod na sobra daw para sa isang operator "LAMANG".
Tanong ko lang, malaking kabawasan ba sa brigade ang ganitong sahod kung ang pinapasahod mo naman ay tapat na naglingkod na sa Association ng mahigit 20 years na?!  Si manong ED halimbawa ay sa Brigade na tumanda, ganun din si aling Betchay.


Matutumbasan ba ng halaga ang kanilang katapatan o "loyalty" ng mga operator sa Brigade na kahit na di lang pag-ooperator ay kanilang ginagawa dahil na din sa pagmamahal nila sa Association?


Sa mga small-time na mga call center nga nasa 15,000 na ang STARTING!   Mano man lang na aabot ng 10k ang sahod ng mga operator natin na halos ibigay na ang kanilang matatawag na "productive years" para sa kapakanan ng Association?!



Siguro nga, hindi ito naiintindihan nila Mary Eta dahil sila ay walang tinatawag na "loyalty".   Maalala ko nga pala, nasagot na ba nila yung tanong kung kanino ba andun ang kanilang "loyalty"?



2 comments:

  1. good morning mga kabumbero! siguro natatakot si eta na mababawasan ang kanyang " commission" sa hinahangad nilang limpak limpak na salapi ng Brigade kung kaya ganun kalaiti syang ipitin ang mga operator.ha ha ha sa tingin nyo? napansin nyo ba mga kapatid, mga operator me bago ng mga callsign at pinarereport na rin kung nag te10-7 o nag te10-8, bigatin no? bakit di muna nila ayusin yung mga radyo bago sila mag implement ng kung anu-anong walang kwentang bagay. tama ba ako mga kapatid?

    ReplyDelete
  2. Pwede bang Paki check Kung totoong dalawang sinusuweldo ni jun, bilang reliever ng operator at messenger at maintenance, siguro puwede ng mag concentrate siya sa building maintenance at messenger work niya. By the way ano na ba ang nangyari sa isyu ng motorsiklo? Paki explain nga!

    ReplyDelete