Tuesday, June 14, 2011

Show of support part 2

Isang sunog ang naganap kahapon sa likod ng pwesto ni New Market Alpha.  Sa isang patunay kung gaano kasipsip-higop itong si Mary Eta, pina-announce nito na nagrerequest siya, si Prime-DELTA na kung pwede daw pakirespondehan.


Understandably, lumabas ang Apollo Engine.  Ilang minuto na na sumisigaw ng "paki-alalayan by Prime-DELTA", ni ang mga Primo, hindi nagpaparamdam.


Maya-maya pa, "paki-alalayan, requested by the President Binan-ALPHA" na ang sigaw.  


Ilang sandali pa ang lumipas bago pa nagpa-code 1 ang mismong brigada ni Prime-DELTA aka Mary Eta.


Sa 23 na brigada na member ng Brigade sa NCR, bukod tanging apat na brigada lang ang lumabas.   Maging ang brigada ni "Sir The Train" na kung tutuusin ay malapit sa alarma ay hindi lumabas.


Pangalawang beses na nagrerequest ni Madam Water Ludy, at ngayon ay may kasama  pang pagsipsip pa ni SexGen Mary Eta, pero mukhang pangalawang beses na din nila mapahiya at hindi mapansin sa kanilang "pakiusap".


Kung titignan, lumalabas na isang brigada lang ang tumalima sa "urgent request" ni Mary Eta at ni Water Ludy, at ito ay ang mga primo.  


Lima ang lumabas, ang isa dito ay mismong brigada ng nasusunugan, so out na yun.  Yung tatlo sa mga tumakbo ay mapapansing kahanay ng mga "reklamador".   Ang isa ay considered "provincial" brigade kaya di kasama sa bilang.


Bukod tanging PRIME lang ang lehitimong tumalima.  Ano nangyari sa ibang brigada?


Nang aking tanungin yung tatlong brigada na kahanay ng mga "reklamador" kung bakit sila tumakbo, ang sagot nila ay "tumakbo kami hindi dahil sa nagrequest sila Water Ludy at Mary Eta.  Tumakbo kami para kay New Market Alpha, hindi para kay Water Ludy o kay Mary Eta.  Isa pa, nakiusap ang mga kaibigan namin na personal sa New Market, bilang patunay na hindi kami sumisino".


Sa pangalawang pagkakataon, nagkataon lang ba o talagang pinaparamdam kina Water Ludy na hindi sila sinusuportahan ng mga brigadang pinangangarapan nilang pamunuan!?

1 comment:

  1. can't they read the writing on the wall? wala talagang suporta sa kanila kasi nga questionable ang legitimacy ng claim nila to the officer positions that they cling to like leeches

    ReplyDelete