Wednesday, November 23, 2011

Huwat!?!?!?


Laking mga kasaping brigada ng Brigade sa natanggap nilang "Special Assessment" kung saan sinisingil ang bawat brigada ng tig 20,000.00 pesoses para daw sa magiging space ng APVFBI sa Museong Pambata.



Ok sana ito, at maganda ang adhikain, subalit, ngunit, datapwat, bakit pangalan lang nila Water Ludy at kaniyang mga kagrupo o karancho lang ang ilalagay?
Di ba parang medyo makapal naman ang mukha nila na ang magbabayad ay ang mga grupo pero ang lalabas na pangalan ng Donor ay Water Ludy at Mary Eta at ilan lang?



Tama ba yun?

Friday, November 18, 2011

So many questions


... but the answers are so few...  hahaha
Kanina ay may mga dumalaw na bisita sa aking pwesto at tila gusto maki-meryenda.   



Aming pinagusapan ang mga kasulukuyang nangyayari sa Brigade, habang humihigop ng mainit na tsaa at siopao.
Isa sa mga napagusapan ay ang construction fund ng Brigade na pinangasiwaan ni Papa-6.



Heto ang mga tanong :
  1. Paano nalipat sa Philtrust ang natitirang pera ng construction fund samantalang ang original na banko nito ay Metrobank?  Alam ba ng mga direktor noong mga panahon na iyon ang ginawang ito ni Papa-6?
  2. Paano pa makukuha ang history at transaction records ng pondo kung sarado na ang account?
  3. May nakapagpakita ba kung magkano ang huling balanse ng account sa Metrobank bago ito nilipat sa Philtrust?
  4. Bakit kailangan ni Papa-6 ng mga blank check?
  5. At bakit binibigyan naman ni Eagle-19?
  6. Bakit sampung taon nanahimik si Papa-6 bago ito i-sinurrender sa Brigade?  Kung hindi pa nagtanong ang mga Voltron tungkol dito, hindi pa ito ibabalik ni Papa-6.
  7. Kung hindi hinalungkat ng mga repormista ang tungkol sa account, naturnover pa kaya sa Brigade ang pera o tuluyan na itong nakulimbat?
  8. Bakit tila pinagtakpan ni Boss Iking si Papa-6 sa pagsasabi na wag na pagusapan dahil na-audit na daw niya ang pera.  Asan ang audit report?
  9. Di kaya kasabwat si Iking?





Nagtatanong lang po ang mga tsismoso.

Thursday, November 17, 2011

Hearing ongoing

Kakaalis lang sa aking tiam lai nitong isang partido sa isang kaso na magkakaroon ng pagdinig ngayong umaga.



Ito ay kasong isinampa ni Mary Eta laban kay Egol egol egol kung saan nagiiyak itong si Mary Eta.
Ano kaya ang kahihinatnan at sino ang pakikinggan at papanigan ni binibining Hustisiya.




Sabi nga ni Judge Nicholas Marshall, "Justice may be blind, but it can see in the dark."




Abangan!

Friday, November 11, 2011

Anim na kinasuhan, di daw sila sinungaling!

Kung ating maaalala, kinasuhan ni Mary Eta et.al. ang anim na reklamador ng kasong perjury.  



Nagugat ang kasong perjury, o pamemeke o pagsisinungaling, sa mother case ng lahat - sa demandang unang isinampa ng mga reklamador na kumukwestiyon sa legitimacy ng tropa nila Water Ludy, Mary Eta, et.al.




Sabi nila Omar Francisco sa kanilang "fabricated" charge, hindi naman daw direktor ng brigade ang anim, kaya nagkasala daw ang anim ng "perjury".




Ibinatay nila Omar ang kanilang mga demanda sa isinumiteng GIS ni Mary Eta sa SEC kung saan nakasaad na labing-pito (17) lamang ang direktor ng Brigade.
Kung labing pito, asan na yung iba pa?   Sa aking huling bilang, lagpas isang daan ang kinikilalang direktor ng Brigade.



Be that as it may, matapos ang masusing pagaaral  sa kaso, nadismiss ang kasong perjury laban sa mga reklamador.
Ito ba ay patunay na direktor pala ang anim?



Kung nadismiss ang kaso at lumalabas na direktor nga pala talaga ang anim, ibig sabihin, hindi sila sinungaling! 



Ano naman kaya sila Omar at Beegee sa Brigade?




Ating ilalathala sa susunod ang kopya ng desisyon, na kasulukuyang ipinamamahagi sa meeting ng mga Direktor sa Brigade ngayon.



Oh, ha!?

Tuesday, November 8, 2011

Nagiingat na sila

Napansin ko lang, sa tinagal tagal ko na sa Brigade, tuwing nagbabayad kami ng annual dues namin, ang nakasulat sa resibo ay "Directors Annual Dues and Meal Assessment".



Noong isang bwan, nagbayad kami ng aming annual dues, ang sinulat na lang ni Pedro Penduko ay representative na lang kami ng aming individual brigade.
Ayaw na nila ilagay na Directors' dues ang binabayaran namin.  Siguro kasi mabubuking sila na madami pala director at hindi lang yung labing-pito (17) na pinagbabatayan nila ngayon ng lahat ng pagkilos nila?


Imagine, si Kuyang Omar e kasama dun, kelan lang siya pumasok sa Brigade?!  Pumasok pa para manggulo lang.  
Di naman ata tama yun!

Sino siya?

Ating kilalanin kung sino itong sinasabing Secretary "lamang" daw na si AC bukas, ganap na ikalabing isa ng gabi sa ABC Channel 5 sa inyong local channels.



"Exclusive" interview daw ni Luchi Valdez, na isang kilalang broadcast journalist...

Monday, November 7, 2011

Pasimuno ng pagwaldas ng pera ng Brigade, tukoy na!

Sa ginanap na meeting ng mga Fire Chiefs at OIC noong biyernes, binuking ni Center-5 kung sino ang may pakana ng pagwaldas ng pera ng Brigade.


Bago dito, ating sariwain muna ang nakaraan :


July directors' meeting :  nagpro-pose si Center-5 na magpagawa ng mga sticker para idistribute sa mga brigada.  Sinabihan siya na magpagawa ng sample at costing para mapagaralan ng mga Director.



August directors' meeting :  nagdala ng sample sticker si Center-5, pati estimated cost.  Di gusto ng mga director, particular ang isang hebigat na director sa silangang maynila.  Gusto niya 3M.


September directors' meeting :  nagpakita ulit ng sample si Center-5.  Reject ulit dahil mali ang design.  Ang logo ng Brigade, tila hindi pareho ng orihinal at tunay na logo ng Brigade.



October directors' meeting :  Nagkakulitan nanaman sa meeting dahil sinabi na gawa na daw ang mga stickers at handa nang ipamahagi sa mga brigada.  Nagulat at nagtaka ang mga director kung bakit at paanong nangyari ito samantalang reject nga ang design at logo.  Ang pinakitang sticker na ipamimigay dapat ay yung mismong design na nireject noong nakaraang buwan.   Katwiran ni Mary Eta, di na daw pwede dahil naimprenta na daw.  Ano?!  Paanong naimprenta e reject nga last month.  Sagot ni Mary Eta, approved na daw ng Board ang design.  Tinanong siya kung sino ang nag-approve.  Di siya makasagot.  Wala naman kasi napagkasunduang iprint na ang sticker gayung mali nga daw ang logo.



Fast forward sa present :


Ibig sabihin, habang pinipresent ni Center-5 sa mga Directors ang proposed sticker, nakapagpaimprenta na pala ito ng mahigit 200 na stickers!



Aba, di ba pang-loloko ito?  Kunyari ipi-present sa board for approval eh naprint naman na pala.  Kaya pala hindi mabago kasi gawa na.  Ano ito, lokohan?



Nang tanungin noong nakaraang buwan si Mary Eta kung sino nag-approve, hindi masabi kung sino.



Noong biyernes sa FC/OIC meeting, inamin ni Center-5 na si Water Ludy ang nag-approve.



Si Water Ludy ang nag-approve.  One man army na lang ba si Water Ludy at di na niya kailangan ng Board Approval para gumawa ng sariling diskarte?




Aba-ba-ba-ba-ba-ba-ba!



Paano ba ang disbursement ng pera sa Brigade?  Di ba dapat may approval muna ng directors bago maglabas ng pera?  Paanong si Water Ludy ay may sariling pasya kung maglalabas ng pera para sa sticker?



Ngayong mali, katwiran nila, andiyan na daw e, gamitin na lang.  In the first place, di naman dapat ginawa.  Sayang daw ang pera.  Tama!  Sayang talaga!  Bakit kaya hindi na lang sila ang mag-abono, wag na ipasagot sa pondo ng Brigade gayung sila naman ang may pakana ng lahat ng iyan!?

Saturday, November 5, 2011

Secretary ba kamo? Sino?

Sino nga ba itong si Mr. Aldrin Cuna na bar flunker?  I personally do not know him pero ayon sa mga bumibisita sa tiam lai, mabait naman daw.



At any rate, may napanood ako na teaser kanina sa channel 5 (ABC 5) tungkol sa show ni Luchi Valdez on Wednesday.
Exclusive interview daw kay Mr. Aldrin Cuna from the QC Government.  I'm just not sure if its the same Aldrin na binabanatan at minamaliit at hinahamak ng mga commentaristas dito, pero interesado ako panoorin.



ABC 5 and its counterpart cable channels, Wednesday Nov 9, 2011.  
Ating alamin kung sino nga ba itong sinasabing walang binatbat.




Nood na!

Wednesday, November 2, 2011

Sino ang may tinatago?

Noong mapagkasunduan ng mga Director ng Brigade na magkaroon ng sariling Building, nagkaroon ng Fund Raising activities kung saan nagsolicit ang Brigade sa mga "kind-hearted individuals".



Nagtayo ng account para dito, kung saan pumasok ang lahat ng pondong donation para mapatayuan ng Building ang Brigade.
Ang presidente noon ay si JT, or Papa-6.  At ang Treasurer ay si Eagle-19 sa kampo ni Eagle-3.




Ang siste, ayon sa mga kwento, panay daw ang hingi ni JT ng blank check kay Treasurer nang hindi sinasabi kung para saan.  Ano nga ba naman ang magagawa ng Treasurer kung humingi ang presidente di ba.
Ang nakapagtataka pa, mula 2001, hanggang 2011, walang statement of account na inilabas si Mr. JT.  Ni walang audit na ginawa sa pondong ito.  Walang nakakaalam kung magkano ba ang nakolekta o kung magkano ang nilabas at kung para saan ang nilabas.



Nabuking pa na mula sa original na Bank Account na para sa mga "donated" na pera, nagtayo ng sariling Bank Account sa sarili nitong pangalan si JT at inilipat doon ang pera na natira matapos isara ang original na bank account.
Kung magkano ang natira sa pagpapagawa ng Building ng Brigade, si JT lang ang nakakaalam.




Fast forward 2010, nagumpisang magtanong ang dating Voltes-V na pinalitan na ng Vehicle Voltron kung ano ang nangyari sa pondong ito.
Sa galit ng isang reformist dahil sa tila walang patid na pagnanakaw sa kaban ng Brigade, nabuksan ang issue ng "construction fund".  Mula June 2010 pa nang magumpisang ibring up sa meeting ng Directors ang pondong ito.



This year, 2011 lang isinurrender ni JT ang account.  Phitrust bank.
Tanong :  Na-audit na kaya ng pamunuan ng Brigade ang pera?  Di ba dapat, bilang mga tagapangalaga ng Brigade at sa interes nito, ito ang kanilang dapat na unang ginawa?



Tanong ulit :  Kung di kaya dahil sa Voltron a.k.a. reformists, ay lalabas ang perang ito?
Huling tanong :  Ano na ang ginawa sa perang isinurrender ni Mr. JT?



Tanda tanda na kupitero pa.  Di naman madadala sa kabilang buhay.  Tsk Tsk Tsk 




Buti na lang may mga nasa tamang pagiisip na kapakanan ng Brigade ang iniisip, hindi ang kanilang pansariling interes.

Tuesday, November 1, 2011

We remember...

We remember our fallen brothers who gave the supreme sacrifice in the performance of their calling.



May you guys Rest In Peace!
May you guide us in our safety every time we respond to fire calls.




See you on the other side, brothers!