Wednesday, November 2, 2011

Sino ang may tinatago?

Noong mapagkasunduan ng mga Director ng Brigade na magkaroon ng sariling Building, nagkaroon ng Fund Raising activities kung saan nagsolicit ang Brigade sa mga "kind-hearted individuals".



Nagtayo ng account para dito, kung saan pumasok ang lahat ng pondong donation para mapatayuan ng Building ang Brigade.
Ang presidente noon ay si JT, or Papa-6.  At ang Treasurer ay si Eagle-19 sa kampo ni Eagle-3.




Ang siste, ayon sa mga kwento, panay daw ang hingi ni JT ng blank check kay Treasurer nang hindi sinasabi kung para saan.  Ano nga ba naman ang magagawa ng Treasurer kung humingi ang presidente di ba.
Ang nakapagtataka pa, mula 2001, hanggang 2011, walang statement of account na inilabas si Mr. JT.  Ni walang audit na ginawa sa pondong ito.  Walang nakakaalam kung magkano ba ang nakolekta o kung magkano ang nilabas at kung para saan ang nilabas.



Nabuking pa na mula sa original na Bank Account na para sa mga "donated" na pera, nagtayo ng sariling Bank Account sa sarili nitong pangalan si JT at inilipat doon ang pera na natira matapos isara ang original na bank account.
Kung magkano ang natira sa pagpapagawa ng Building ng Brigade, si JT lang ang nakakaalam.




Fast forward 2010, nagumpisang magtanong ang dating Voltes-V na pinalitan na ng Vehicle Voltron kung ano ang nangyari sa pondong ito.
Sa galit ng isang reformist dahil sa tila walang patid na pagnanakaw sa kaban ng Brigade, nabuksan ang issue ng "construction fund".  Mula June 2010 pa nang magumpisang ibring up sa meeting ng Directors ang pondong ito.



This year, 2011 lang isinurrender ni JT ang account.  Phitrust bank.
Tanong :  Na-audit na kaya ng pamunuan ng Brigade ang pera?  Di ba dapat, bilang mga tagapangalaga ng Brigade at sa interes nito, ito ang kanilang dapat na unang ginawa?



Tanong ulit :  Kung di kaya dahil sa Voltron a.k.a. reformists, ay lalabas ang perang ito?
Huling tanong :  Ano na ang ginawa sa perang isinurrender ni Mr. JT?



Tanda tanda na kupitero pa.  Di naman madadala sa kabilang buhay.  Tsk Tsk Tsk 




Buti na lang may mga nasa tamang pagiisip na kapakanan ng Brigade ang iniisip, hindi ang kanilang pansariling interes.

No comments:

Post a Comment