Monday, November 7, 2011

Pasimuno ng pagwaldas ng pera ng Brigade, tukoy na!

Sa ginanap na meeting ng mga Fire Chiefs at OIC noong biyernes, binuking ni Center-5 kung sino ang may pakana ng pagwaldas ng pera ng Brigade.


Bago dito, ating sariwain muna ang nakaraan :


July directors' meeting :  nagpro-pose si Center-5 na magpagawa ng mga sticker para idistribute sa mga brigada.  Sinabihan siya na magpagawa ng sample at costing para mapagaralan ng mga Director.



August directors' meeting :  nagdala ng sample sticker si Center-5, pati estimated cost.  Di gusto ng mga director, particular ang isang hebigat na director sa silangang maynila.  Gusto niya 3M.


September directors' meeting :  nagpakita ulit ng sample si Center-5.  Reject ulit dahil mali ang design.  Ang logo ng Brigade, tila hindi pareho ng orihinal at tunay na logo ng Brigade.



October directors' meeting :  Nagkakulitan nanaman sa meeting dahil sinabi na gawa na daw ang mga stickers at handa nang ipamahagi sa mga brigada.  Nagulat at nagtaka ang mga director kung bakit at paanong nangyari ito samantalang reject nga ang design at logo.  Ang pinakitang sticker na ipamimigay dapat ay yung mismong design na nireject noong nakaraang buwan.   Katwiran ni Mary Eta, di na daw pwede dahil naimprenta na daw.  Ano?!  Paanong naimprenta e reject nga last month.  Sagot ni Mary Eta, approved na daw ng Board ang design.  Tinanong siya kung sino ang nag-approve.  Di siya makasagot.  Wala naman kasi napagkasunduang iprint na ang sticker gayung mali nga daw ang logo.



Fast forward sa present :


Ibig sabihin, habang pinipresent ni Center-5 sa mga Directors ang proposed sticker, nakapagpaimprenta na pala ito ng mahigit 200 na stickers!



Aba, di ba pang-loloko ito?  Kunyari ipi-present sa board for approval eh naprint naman na pala.  Kaya pala hindi mabago kasi gawa na.  Ano ito, lokohan?



Nang tanungin noong nakaraang buwan si Mary Eta kung sino nag-approve, hindi masabi kung sino.



Noong biyernes sa FC/OIC meeting, inamin ni Center-5 na si Water Ludy ang nag-approve.



Si Water Ludy ang nag-approve.  One man army na lang ba si Water Ludy at di na niya kailangan ng Board Approval para gumawa ng sariling diskarte?




Aba-ba-ba-ba-ba-ba-ba!



Paano ba ang disbursement ng pera sa Brigade?  Di ba dapat may approval muna ng directors bago maglabas ng pera?  Paanong si Water Ludy ay may sariling pasya kung maglalabas ng pera para sa sticker?



Ngayong mali, katwiran nila, andiyan na daw e, gamitin na lang.  In the first place, di naman dapat ginawa.  Sayang daw ang pera.  Tama!  Sayang talaga!  Bakit kaya hindi na lang sila ang mag-abono, wag na ipasagot sa pondo ng Brigade gayung sila naman ang may pakana ng lahat ng iyan!?

No comments:

Post a Comment