Tuesday, November 20, 2012

Unang meeting sa bagong pamunuan


Sa ginanap na unang meeting nga bagong pamunuan, kapansin pansin ang leadership attributes ni Executive Vice President and concurrent Secretary General Enrique Dy.


Tila nasa sidelines ang bagong upo na presidente na si ginoong Mario Tan.


Maayos naman ang naging pagpupulong maliban sa isang konting alingasngas gasgas dahil sa isang nakatenggang issue.


Kapansin pansin din na tila ang mga bagong oposisyon na dati ay administrasyon ay wala.


Iilan sa tropa ni water ludy ang dumating.  Ang iba pa nga ay late. Patapos na ang pulong ng sila ay dumating.



Ang buong detalye sa susunod na lathala!

Thursday, October 18, 2012

original size

di daw mabasa ng ibang tropapips natin yung article kaya post ko yung original size na lang.  pasensya na po, malaki yung file. paki scroll up/down/left/right na lang po.


Wednesday, October 17, 2012

BFP at Gubyerno, binanatan ng grupo ni Water Ludy!!!


Kung maalala niyo yung isang post dito sa blog kung saan ating ikinuwento na tila nagkaroon ng sabotahe sa paglathala ng Annual o Souvenir Program ng Brigade, may isa pa palang issue ang dapat nating punahin sa naturang Souvenir Program.


Tila tinira ng tropang Water Ludy at Mary Eta ang pamahalaan sa kanilang isinulat bilang pag babalik tanaw sa nakaraang taon ng kanilang termino.


Basahin at kayo na ang humusga!



Click niyo lang para lumaki at mabasa ninyo.


Di pa parang medyo bastos?

Tuesday, October 9, 2012

Smooth Sailing na nga ba?

Aba, nag pulong na pala ang bagong pamunuan ng Brigade nung Lunes.


Sa pangunguna ni incoming President Mario Tan at Executive Vice President cum Secretary General Iking Dy, pinagusapan ang mga programa at plataporma na huhubog sa kinabukasan ng APVFBI.


Sana lang ay maging tuloy tuloy ang reporma sa pamunuan ni President Mario.  Maaalala na katropapips ng tropang Water Ludy at Mary Eta itong si Pres. Mario.


Sana lang ay sa tama lang siya lumugar.


Sa kabilang banda, kapuna puna na tila puro mga batang direktor ang mga dumalo sa pinatawag na unang pagpupulong ng Board noong lunes.


Wala ang mga lumang mukha.  Walang matanda, si Quiapo 1 lang.  Di kaya ito senyales na ibo-boycott ng mga katropa ni Water Ludy ang bagong administrasyon ngayong wala na siya sa puder?


O ito ba ay senyales na mga bagong pag-asa at simula na ng pagbabago kung saan ang mga batang direktor ay mamumuno sa pagtataguyod ng higit na ikakabuti ng APVFBI?



Saan man papunta ang bukas, lahat ng mga kasapi ng APVFBI, sa NCR man o probinsya ay umaasa na higit pang mapapalakas ang Association at hindi magiging mitsa ng pagkakawatak watak ng mga kasapi.


Kay President Mario Tan at mga Vice Presidents, congratulations po at good luck!

Tuesday, September 11, 2012

Natapos din!


Matapos ang halos 48 oras, natapos din ang sunog na tumupok sa malaking bahagi ng Tutuban Mall.


Nakakalungkot lang na may ilang mga kasama tayo ang nasunugan ng kanilang mga negosyo.



Naisip ko lang na baka tama yung isang nagtext sa akin nung unang araw ng sunog.


Sabi niya, para daw matapos na ang sunog sa Cluster Building, dapat daw ay ialay na lang at ihagis sa loob si Mary Eta. 



Hahaha!

Thursday, September 6, 2012

24 ORAS NA!



24-oras na ang nakakalipas nang magsimula ang sunog sa cluster one ng Tutuban Mall.


Sa di inaasahang dahilan, hindi pa din napupuksa ang apoy na patuloy na lumalamon sa mga tindahan sa loob ng tutuban.  kanina lang ay nadamay na daw ang cluster 2 at nagbabagsakan na daw ang mga kisame at bubong ng gusali.


Nakakalungkot, magpapasko pa naman.  Madaming mga bumbero, direktor, at mga taga suporta ng Brigade ang may tindahan dito sa tutuban.


Ang nakapag tataka, parang konti lang ang mga rumespondeng mga taga Brigade sa sunog na ito.  Kung meron man, walang "concerted effort" na matatawag, bagkus ay kaniya kaniya, at pa-utay-utay ang takbo ng mga brigada.


Ito ay sa kabila nang "pakiusap" ng tropang Mary Eta na kung pwede ay respondehan ang tutuban.



Sigaw ng sigaw itong si Tutuban Alpha kanina na kailangan ng BA, smoke ejector/ventilator at iba pang kailangan sana para madali ang operation pero walang sumasagot.


Mismong si Fire Marshall, ilang oras na nakakalipas nagumpisa ang sunog e di din lumalabas.



Ano kaya ibig sabihin nun?


Isang bumbero, si Allied 34 na nasuffocate sa sunog e walang nakuhang suporta sa operation. Mantakin mo ba namang siya pa mismo ang naghatid sa sarili niya sa ospital!


Walang command sa fire scene!



Asan ang Fire Marshall?


Asan ang mga Deputy Fire Marshall?



Sino may command and control sa fire scene sa mga operatiba ng Brigade?



Di na tayo natuto.



Para san ba pala mga opisyal ng operation?  Masabi lang na officer sa salita kahit hindi sa gawa?   Tama ba yun?



Haller?!


HOY!  GISING!

Wednesday, September 5, 2012

Anyare!?


Nabasa niyo ba yung year book?

Di ba sabi ni Mary Eta dun sa grupo nila na sobrang aktibo sila at kahit daw kailan na magkasunog sa area nila e hindi daw lalaki at mabilis daw nila ito maaapula?


E bakit ngayong nasunog ang Tutuban Mall wala sila nagawa?  Bagkus e, balita ko, nakarating na daw ang mga truck na galing sa malalayo e di pa din daw lumalabas itong mga Primo?


Ano ngayon sinasabi ni Mary Eta na dahil sa kanila, ligtas ang tutuban mall?


Mukhang lalo pa napasama, dahil  sila ay nagbigay ng tinatawag na "false sense of security".


Tsk tsk tsk.


Bad cheetah...

Tuesday, August 28, 2012

Mainit-init at greaseless pa!


Sino sa inyo ang sumama nung umaga ng linggo?


"Warm Water" Salute?!


Ok lang kayo?


Tuloy, madami hindi sumama kasi problema nila kung san maghahanap ng heater para maging "warm" ang tubig sa mga tangke.



Tsk tsk tsk...


San san niyo ba nakukuha mga idea niyo madam?


At bakit nung may pakain daw sa Mang Inasal e hindi lahat sumama.  Bakit kaya?


Ibig ba sabihin nito e hindi sila nagpunta dun dahil lang porke nagpatawag ang tropang gamol nila Water Ludy, Mary Eta at dalawang taga centongcom?


Bagkus ay nagpunta sila dahil sa taos puso na pagpugay sa namayapang kalihim.


Teka, sino sino ba hindi mga sumama sa pakain?


At talaga bang warm yung water mga kapatid? 



Bwehehehe

Monday, August 27, 2012

Mga gamit ng Brigade, pang display lang?


Tanong ko lang, yun bang mga gamit na pinamigay sa limang grupo ilang buwan na ang nakakalipas e nagamit nung naguulan at nagbaha sa kalakhang maynila nitong nakaraan?


Naisip ko lang kasi if i remember, ilang beses nag-aannounce ang Brigade nung kasagsagan ng Baha at ulan na may request si BiƱan Alpha na respondehan yung someone diyan sa Talayan.


Ganun din si Prime-Delta, request ng request na "rescuer needed" sa radyo.



May lumabas ba sa limang binigyan ng bangka para ayudahan ang "request" ni Water Ludy at Mary Eta?



Akin lang natanong dahil may mga bugwit na asungot na dumaan sa aking pwesto kahapon at nagkwento na nagkaron daw ng insidente sa pagitan ni Water Ludy at isang grupo na may bangka noong bagyo.



Nakita daw nitong si Water Ludy na ginagamit sa water rescue yung bangka, aba e, akalain mo ba na nagalit daw itong beauty ni Water Ludy at sinabing hindi daw dapat gamitin ang bangka sa Maynila dahil para daw yun sa request niya sa QC.  



Haller!?



Di ba kung may tutulungan ka, tutulungan mo na agad pag nakita mong kailangan ng tulong at may gamit lang din?



Ano pala yung mga gamit na pinamigay nila Water Ludy na may picture picture pa na nalalaman, pang display!?



Alam niyo ba kung sinong grupo ang naka-engkwentro nitong si Water Ludy?


Clue :  Isa sa mga ginagalang at masipag na grupo ng Brigade.

Clue ulit :  Masarap ang pangalan nila, malinamnam!


Oh, Ha!?

Sunday, August 26, 2012

Foul!



Huli na pala ako sa balita.


Kanina ko lang nabalitaan, may kumakalat palang facebook page at youtube video na tampok ang mga magnanakaw sa Brigade.


Noong napanood ko kanina, aaminin ko na natawa ako at the same time, bumilib sa kung sino mang gumawa nun.


Whoever made that had a lot of time in his/her hands.


Napanood niyo ba?


Nung napanood ko, agad ako tumawag sa mga kakilala ko na member ng Voltron.


Tinanong ko kung sila ang may gawa nun, dahil logical naman na sila ang agad at unang pagbintangan dahil di naman lihim na may alitan ang kanilang grupo laban kina Charlie Papa at Water Ludy.


Sagot ng kausap ko ay hindi daw at di din nila alam kung sino ang may gawa.  Bagay na pinaniniwalaan ko.


To begin with, how and why whoever made that youtube video had a copy of the picture of Charlie Papa, a mugshot at that, is worth looking into.


True na Voltron at mga repormista ang unang pagbibintangan, pero lumalabas ang anggulo na tila sinadyang gawin ito ng grupo nila Water Ludy para pagbintangan ang grupong repormista.


Be that as it may, kahit na na-amuse ako sa video, i would have to admit na foul ang naturang video kung sino man ang may gawa.  Higit na foul ito kung grupong repormista ang gumawa.  Pero kung tropang praning ang may gawa nito para lamang mapunta ang turo sa grupong Voltron, aba, e you continue to surprise me everytime!


I never thought you would stoop down that low.