Tuesday, February 14, 2012

Water Ludy, walang puso!!!

Bago ang lahat, isang taos pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng tipak na ito sa lahat ng mga operatives na nagpunta ng Cagayan para mag relief operation. 


Tunay kayong mga bagong bayani!  Sana ay dumami pa ang lahi ninyo!
Sa kabilang banda, sa naturang biyahe ng Brigade, kung saan nagpabroadcast tayo na mamimigay ng relief ang Association sa mga nasalanta ng bagyo sa Cagayan at Iligan, isang nakakahiyang insidente ang nasaksihan ng mga kasama sa naturang lakad.



Sa Cagayan, walang relief na ipinamigay sa mga nasalanta doon.  Tanging ang mga tanker ang naglinis sa mga pampublikong gusali, kalye atbp.
Ang tunay na relief giving mission ay ginawa sa Iligan.



Ayos sana ito, subalit, ngunit, datapwat, si Madam Water Ludy ay biglang nagdesisyon, sa sarili niyang pagkukusa, na PURO BABAE LANG ANG BIBIGYAN ng relief.
Maaring may magandang dahilan itong si Water Ludy sa kaniyang biglaang desisyon.  Kung tutuusin, at kung sabagay, walang mali pagdating sa mga tactical decisions sa operation sa "ground".  Maaring nag-adapt lang siya sa operational condition noong mga oras na yun kaya bigla siya nagdecide na puro babae lang ang bibigyan.



Ngunit, may isang lalake ang lumapit kay Water Ludy.  Nakikiusap.  Dala ng lalake ang isang dahon ng Saging, pang takip daw sa ulan at ginagamit niyang higaan sa gabi.  Nakasuot ng blue na shorts na butas butas, ang mga paa ay natuyuan na ng putik at walang tsinelas.  Suot niya ang isang sando na halos isang sinulid na lang ang hindi pumipirma at bibigay na.



Sabi ng lalake, "Mam, baka naman po pwede ako makiusap sa inyo.  Wala na po ako pamilya.  Ang asawa at mga anak ko na babae, patay na po lahat sa landslide at baha.  Wala po ako natirang kamaganak na babae.  Wala na po ako kamaganak, patay na po lahat, ako na lang po.  Baka naman po pwedeng makatanggap din ako ng tulong mula sa inyo.  Tatlong araw na po ako hindi kumakain."



 Sagot ni Lily, "O sige, mamaya na ha, pagkatapos ng mga nakapila, wag ka magalala, bibigyan kita."



Nang mabigyan na lahat ng mga babaeng nakapila at naubos na ang mga humihingi ng tulong, daglian nang ipinaligpit ni Water Ludy ang mga relief goods.  Habang sabay naman bumalik ang lalake na taimtim at matiyagang nagaantay sa gilid ng lugar para sa ipinangakong tulong sa kaniya.


Sabi ng lalake paglapit kay Water Ludy, "Mam, baka naman po pwede na po ako makahingi ng tulong."



Hindi pa tapos magsalita ang lalake ay nagtaas na ng boses si Water Ludy, "Anong tulong!?  Walang tulong, tapos na kami dito!  Hindi mo ba nadinig kanina ang sinabi ko, puro babae lang ang bibigyan!"



"Ako po yung lumapit kanina, patay na po lahat ng kamaganak ko, wala na po ako kasama, wala po babae na pwedeng pumila para sa akin.  Sabi po ninyo magantay lang ako", sagot ng lalake.



Hindi pa tapos magsalita ang lalake, binara na siya ni Water Ludy, "Nagbago na isip ko!  Ayoko ikaw bigyan at gusgusin ka!  Di ka man lang naglinis ng sarili mo bago ka humarap dito sa amin!"



"Ang hirap sa inyo, binibigyan na kayo ng tulong, umaabuso pa kayo.  Mga abusado!"  Patuloy pa ni Water Ludy, habang nadidinig ng maraming tao.



"YAW KWI", sambit pa ng pinagpipitagang Presidente "kuno" ng Brigade.



Walang nagawa ang pobreng mama, kundi ang lumakad papalayo, habang nangingilid ang kaniyang mga luha sa sama ng loob.  Nakayuko sa pagka-alam na pinagtitinginan siya ng mga tao.  



Tiyak na magkahalong hiya at pagka-awa sa sarili ang naramdaman ng kawawang mama.



Tanong :  Sino nagbigay ng karapatan kay Water Ludy na piliin kung sino lang ang pwede bigyan ng relief?  Di ba galing yun sa donation para ipamigay sa lahat, bakit may pinipili si Water Ludy?  


Sino ba siya para pagsabihan ng ganun ang kawawang tao?   Nabiktima na nga ng kalamidad, ganun pa ang kaniyang sasabihin.  Siyempre hindi na makukuhang maglinis nung mama sa kaniyang sarili, uunahin na muna niya ang kung ano pwede maging laman ng tiyan niya.  Di naman siguro siya magkaka ganun kung hindi lang sa kalamidad na sumapit sa kanilang lugar.


Di naman sa kaniya yun.  



Nakakahiya!


Walang nagawa ang mga kasama ni Water Ludy kung hindi ang mapa-iling sa hiya sa kaniyang inasal.



Ngayon, sinasabi nila na pawang kasinungalingan daw ang nasa blog na ito.



Pakitanong lang po ng personal kay Water Ludy kung hindi totoo ang insidenteng ito.  Tignan mabuti ang kaniyang mga mata para malaman kung ano ba talaga.


Ito ay isang hamon.

Tuesday, February 7, 2012

Construction fund, pinakialaman!


Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na may natira pang pera sa construction fund.




Ano nga ba ang construction fund?



Ang construction fund ay ang tawag sa pondong nalikom mula sa mga "donors" para sa pagpapatayo ng Brigade Base mga ilang taon na ang nakalilipas.




Nang matapos ang Brigade Base, may ilang milyon pa ang natira dito sa pangangasiwa ni papsicle JT.   Matagal niya itinago ang pondo at hindi inilalabas o ipinapa-audit.




Sa mga unang lathala, nabuking natin na ang pondo pala ng construction fund ay makailang beses nailipat ng banko, sa pangalan mismo ni JT, bagay na kaduda duda.




Marahil, ang dahilan ng paglilipat ng pondo sa sarili niyang account ay para hindi magkaroon ng tinatawag na Paper Trail.




Subalit, dahil na din sa kakulitan ng mga Voltron, ito ay nabuking.  Ang bagay na ito ay nailathala dito mismo sa Blog na ito.




Nang mabuking, "isinauli" daw ni JT ang pondo sa brigade.  Ngunit gaya ng tinuran, hindi alam kung ano ang naging galaw ng pondo, kung may dagdag bawas ba ito.  (malamang bawas)




Ang nakapagtataka, ang isinauli na account ay isang account na bagong bukas lamang kung iyong susuriin.





Nitong nakaraang bwan, nabuking na may pinaggamitan nanaman ng pondong ito, nang hindi nalalaman ng mga Direktor, ni ng Foundation.



Naglabas ng 400T mula sa pondo sila Water Ludy.




Para saan?



Abangan!

Saturday, February 4, 2012

Sino ang naglabas???

Kinailangan daw magpiyansa ni Carlos Polican ng 200T pesoses para sa kaniyang "pansamantalang paglaya".



Sino ang naglabas?  Si Pepe Ngo, Lily Uy at Jones Lim daw ang dagliang tumalima sa panawagan ni Carlos na kung pwede ay wag siya makulong sa Pasay City Jail.
Ayos ah, protect your own nga!



Iginiit ni Carlos Polican na hindi daw siya nagbebenta ng pekeng LPG regulators at siya daw ay isa lamang biktima dito at tinaniman daw ng mga umarestong pulis ng ebidensiya dahil sa siya ay kinikikilan ng mga ito.
Nang siya daw ay tumangging magbigay sa hinihingi ng mga pulis, kaya daw siya tinuluyan na hulihin.




Haller!? 
E mahigit 400 na pirasong regulator ang nakumpiska sa kaniya!  Ibig sabihin matagal na siya nagbebenta nito, paanong biktima siya ngayon?



Ok lang siya?

Wednesday, February 1, 2012

Carlos Polican, dapat daw sipain sa Brigade!

Muling nabuhay ang panawagan ng ilang mga aktibista sa Brigade na sipain ng pamunuan si Carlos Polican, di lamang dahil sa mga katiwaliang kinasangkutan nito noong mga nakaraang taon, kundi dahil sa bago nitong kinasabitan na kaso kung saan siya ay nahuling nagbebenta ng mga pekeng LPG regulator.



Ang pagbebenta ng pekeng LPG regulator ay mapanganib di lamang sa mga gumagamit nito kundi pati sa mga kapitbahay niya na maaring maging mga biktima ng sunog.  Higit sa lahat, nakokompromiso ang ekonomiya ng bansa dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis sa pagbebenta ng peke.   Maaari itong makonsiderang isang halimabawa ng Economic Sabotage na noong panahon ni Macoy ay may kaparusahang Firing Squad!
Bukod sa mga naunang nabanggit, ang pangyayaring ito, kung saan pangsumandaling nakulong si Mr. TXTFire SecGen, ay tunay na nagdulot ng labis na kahihiyan sa APVFBI!



Kung bakit si Water Ludy ang nagpiyansa kay Charlie Papa ay bagay na pinagtataka pa din ng mga tao hanggang ngayon.
May tsismis pa nga na kaya daw pilit na nilabas ni Water Ludy si Carlos Polican ay dahil sa sabit din daw ang ale sa bentahan ng peke kung saan si Water Ludy ang nagfifinance ng buong operation ng mga pirata!



Totoo kaya ito?



 Be that as it may, dapat lamang na sipain sa Brigade si Carlos Polican dahil ang kaniyang naging asal at gawa ay tunay namang taliwas sa minimithi ng samahan ng mga bumbero kung saan pinapangalagaan natin ang kaligtasan ng mga tao.



Kung hindi sisipain si Carlos Polican sa Brigade, alam niyo na siguro kung bakit.