Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na may natira pang pera sa construction fund.
Ano nga ba ang construction fund?
Ang construction fund ay ang tawag sa pondong nalikom mula sa mga "donors" para sa pagpapatayo ng Brigade Base mga ilang taon na ang nakalilipas.
Nang matapos ang Brigade Base, may ilang milyon pa ang natira dito sa pangangasiwa ni papsicle JT. Matagal niya itinago ang pondo at hindi inilalabas o ipinapa-audit.
Sa mga unang lathala, nabuking natin na ang pondo pala ng construction fund ay makailang beses nailipat ng banko, sa pangalan mismo ni JT, bagay na kaduda duda.
Marahil, ang dahilan ng paglilipat ng pondo sa sarili niyang account ay para hindi magkaroon ng tinatawag na Paper Trail.
Subalit, dahil na din sa kakulitan ng mga Voltron, ito ay nabuking. Ang bagay na ito ay nailathala dito mismo sa Blog na ito.
Nang mabuking, "isinauli" daw ni JT ang pondo sa brigade. Ngunit gaya ng tinuran, hindi alam kung ano ang naging galaw ng pondo, kung may dagdag bawas ba ito. (malamang bawas)
Ang nakapagtataka, ang isinauli na account ay isang account na bagong bukas lamang kung iyong susuriin.
Nitong nakaraang bwan, nabuking na may pinaggamitan nanaman ng pondong ito, nang hindi nalalaman ng mga Direktor, ni ng Foundation.
Naglabas ng 400T mula sa pondo sila Water Ludy.
Para saan?
Abangan!
No comments:
Post a Comment