Tuesday, February 14, 2012

Water Ludy, walang puso!!!

Bago ang lahat, isang taos pusong pasasalamat ang ipinapaabot ng tipak na ito sa lahat ng mga operatives na nagpunta ng Cagayan para mag relief operation. 


Tunay kayong mga bagong bayani!  Sana ay dumami pa ang lahi ninyo!
Sa kabilang banda, sa naturang biyahe ng Brigade, kung saan nagpabroadcast tayo na mamimigay ng relief ang Association sa mga nasalanta ng bagyo sa Cagayan at Iligan, isang nakakahiyang insidente ang nasaksihan ng mga kasama sa naturang lakad.



Sa Cagayan, walang relief na ipinamigay sa mga nasalanta doon.  Tanging ang mga tanker ang naglinis sa mga pampublikong gusali, kalye atbp.
Ang tunay na relief giving mission ay ginawa sa Iligan.



Ayos sana ito, subalit, ngunit, datapwat, si Madam Water Ludy ay biglang nagdesisyon, sa sarili niyang pagkukusa, na PURO BABAE LANG ANG BIBIGYAN ng relief.
Maaring may magandang dahilan itong si Water Ludy sa kaniyang biglaang desisyon.  Kung tutuusin, at kung sabagay, walang mali pagdating sa mga tactical decisions sa operation sa "ground".  Maaring nag-adapt lang siya sa operational condition noong mga oras na yun kaya bigla siya nagdecide na puro babae lang ang bibigyan.



Ngunit, may isang lalake ang lumapit kay Water Ludy.  Nakikiusap.  Dala ng lalake ang isang dahon ng Saging, pang takip daw sa ulan at ginagamit niyang higaan sa gabi.  Nakasuot ng blue na shorts na butas butas, ang mga paa ay natuyuan na ng putik at walang tsinelas.  Suot niya ang isang sando na halos isang sinulid na lang ang hindi pumipirma at bibigay na.



Sabi ng lalake, "Mam, baka naman po pwede ako makiusap sa inyo.  Wala na po ako pamilya.  Ang asawa at mga anak ko na babae, patay na po lahat sa landslide at baha.  Wala po ako natirang kamaganak na babae.  Wala na po ako kamaganak, patay na po lahat, ako na lang po.  Baka naman po pwedeng makatanggap din ako ng tulong mula sa inyo.  Tatlong araw na po ako hindi kumakain."



 Sagot ni Lily, "O sige, mamaya na ha, pagkatapos ng mga nakapila, wag ka magalala, bibigyan kita."



Nang mabigyan na lahat ng mga babaeng nakapila at naubos na ang mga humihingi ng tulong, daglian nang ipinaligpit ni Water Ludy ang mga relief goods.  Habang sabay naman bumalik ang lalake na taimtim at matiyagang nagaantay sa gilid ng lugar para sa ipinangakong tulong sa kaniya.


Sabi ng lalake paglapit kay Water Ludy, "Mam, baka naman po pwede na po ako makahingi ng tulong."



Hindi pa tapos magsalita ang lalake ay nagtaas na ng boses si Water Ludy, "Anong tulong!?  Walang tulong, tapos na kami dito!  Hindi mo ba nadinig kanina ang sinabi ko, puro babae lang ang bibigyan!"



"Ako po yung lumapit kanina, patay na po lahat ng kamaganak ko, wala na po ako kasama, wala po babae na pwedeng pumila para sa akin.  Sabi po ninyo magantay lang ako", sagot ng lalake.



Hindi pa tapos magsalita ang lalake, binara na siya ni Water Ludy, "Nagbago na isip ko!  Ayoko ikaw bigyan at gusgusin ka!  Di ka man lang naglinis ng sarili mo bago ka humarap dito sa amin!"



"Ang hirap sa inyo, binibigyan na kayo ng tulong, umaabuso pa kayo.  Mga abusado!"  Patuloy pa ni Water Ludy, habang nadidinig ng maraming tao.



"YAW KWI", sambit pa ng pinagpipitagang Presidente "kuno" ng Brigade.



Walang nagawa ang pobreng mama, kundi ang lumakad papalayo, habang nangingilid ang kaniyang mga luha sa sama ng loob.  Nakayuko sa pagka-alam na pinagtitinginan siya ng mga tao.  



Tiyak na magkahalong hiya at pagka-awa sa sarili ang naramdaman ng kawawang mama.



Tanong :  Sino nagbigay ng karapatan kay Water Ludy na piliin kung sino lang ang pwede bigyan ng relief?  Di ba galing yun sa donation para ipamigay sa lahat, bakit may pinipili si Water Ludy?  


Sino ba siya para pagsabihan ng ganun ang kawawang tao?   Nabiktima na nga ng kalamidad, ganun pa ang kaniyang sasabihin.  Siyempre hindi na makukuhang maglinis nung mama sa kaniyang sarili, uunahin na muna niya ang kung ano pwede maging laman ng tiyan niya.  Di naman siguro siya magkaka ganun kung hindi lang sa kalamidad na sumapit sa kanilang lugar.


Di naman sa kaniya yun.  



Nakakahiya!


Walang nagawa ang mga kasama ni Water Ludy kung hindi ang mapa-iling sa hiya sa kaniyang inasal.



Ngayon, sinasabi nila na pawang kasinungalingan daw ang nasa blog na ito.



Pakitanong lang po ng personal kay Water Ludy kung hindi totoo ang insidenteng ito.  Tignan mabuti ang kaniyang mga mata para malaman kung ano ba talaga.


Ito ay isang hamon.

No comments:

Post a Comment