Muling nabuhay ang panawagan ng ilang mga aktibista sa Brigade na sipain ng pamunuan si Carlos Polican, di lamang dahil sa mga katiwaliang kinasangkutan nito noong mga nakaraang taon, kundi dahil sa bago nitong kinasabitan na kaso kung saan siya ay nahuling nagbebenta ng mga pekeng LPG regulator.
Ang pagbebenta ng pekeng LPG regulator ay mapanganib di lamang sa mga gumagamit nito kundi pati sa mga kapitbahay niya na maaring maging mga biktima ng sunog. Higit sa lahat, nakokompromiso ang ekonomiya ng bansa dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis sa pagbebenta ng peke. Maaari itong makonsiderang isang halimabawa ng Economic Sabotage na noong panahon ni Macoy ay may kaparusahang Firing Squad!
Bukod sa mga naunang nabanggit, ang pangyayaring ito, kung saan pangsumandaling nakulong si Mr. TXTFire SecGen, ay tunay na nagdulot ng labis na kahihiyan sa APVFBI!
Kung bakit si Water Ludy ang nagpiyansa kay Charlie Papa ay bagay na pinagtataka pa din ng mga tao hanggang ngayon.
May tsismis pa nga na kaya daw pilit na nilabas ni Water Ludy si Carlos Polican ay dahil sa sabit din daw ang ale sa bentahan ng peke kung saan si Water Ludy ang nagfifinance ng buong operation ng mga pirata!
Totoo kaya ito?
Be that as it may, dapat lamang na sipain sa Brigade si Carlos Polican dahil ang kaniyang naging asal at gawa ay tunay namang taliwas sa minimithi ng samahan ng mga bumbero kung saan pinapangalagaan natin ang kaligtasan ng mga tao.
Kung hindi sisipain si Carlos Polican sa Brigade, alam niyo na siguro kung bakit.
No comments:
Post a Comment