Bukas pa sana ako magpopost, pero yaman din lang na medyo excited na itong si Screw Master, sige, pagusapan na natin dito.
Mga ilang taon na ang nakakalipas, nagpunta ang Hong Kong world News sa Pilipinas upang i-feature and APVFBI sa kanilang programa sa Hong Kong at Mainland. Ang contact nila ay si Past President JT na malugod namang nagpa-unlak sa "interview".
Siyempre nga naman, proud si JT sa Brigade, so ginanap ang "interview" sa Brigade. So siyempre, kinunan ang set-up ng Brigade, pinagusapan kung paano nabuo ang grupo, ang mga programa at adhikain ng grupo.
Since recorded on camera, nakiusap daw ang cameraman kung pwede hinaan ang radyo ng Brigade. So sinabihan "daw" ni JT ang mga Operator na hinaan ang radyo pansumandali, habang nagi-interview lang naman.
Doon sila sa loob ng radio room nag interview.
Aba, nang makarating ito sa kaalaman ni Mary Eta, sinulsulan nito si Water Ludy na pina-"10-7" daw ang Brigade ni JT. Apektadong apektado sila kung bakit daw naman pinapatay ang radyo e paano daw kung may emergency.
Katwiran naman ng mga nakaka-alam, pinahinaan lang naman ang radyo. At bilang Past President, palagay naman ng karamihan, meron siyang "privilege" sa kaniyang hininging sandaling oras lang naman.
Nang tumawag si Mary Eta sa Brigade, as usual, kaniyang pinagbobolJAK ang mga operator at sinabing bakit nagpapasok doon ng ibang tao (mga reporter at crew ng HK News) ng walang paalam SA KANIYA!
Sagot naman ng mga operator, e siyempre kasama ang past president, paano mo pipigilan yun.
Ora mismo, inutusan ni Mary Eta na papirmahin sa Log Book ng Brigade ang mga bisita, PATI SI PAST PRESIDENT.
Siyempre alangan ang mga operator na papirmahin si past president. Sino nga naman sila para magpapirma sa Past President?
Tila umano naramdaman ng Past President na parang naging threat pa siya sa security ng Brigade, e Brigade nga mismo ang pinopromote niya sa naturang "interview".
Sinuguro umano ni Mary Eta na pipirma si Past President. Bagay na kinasama ng loob ni JT.
Ng makarating ito sa board meeting, nagkaron ng matinding balitaktakan tungkol dito. Pinipilit ni Mary Eta na di dapat pinatay ang radyo dahil baka mag ka emergency. E wala pang kalahating oras patay ang radyo.
Bilang past president, tila inalipusta ang kaniyang estado sa Brigade sa pangyayaring iyon kung saan tila naging ordinaryong "bisita" lamang siya sa Brigade.
Sa paghaharap na iyon, ipinilit at iginiit ng Mary Eta at Water Ludy sa mukha ni JT na mali siya at gaya ng lahat, kailangan pumirma sa Log Book at di niya dapat pinapatay ang radyo dahil baka magka emergency.
Ako tuloy ay napaisip.
E di ba noong "party" nila noong katapusan nung nakaraang taon e di ba hindi lang nila pinahinaan ang mga radyo, bagkus pina 10-7 din ang Brigade mismo?
Tanong ko lang, ilang oras naka 10-7 ang Brigade noon???
Mga PUKAWNANYO!!!