Thursday, May 5, 2011

Case Updates..

Mary Eta vs Eagle-3
Submitted for resolution na.  Antay na lang decision ng Fiscal kung may probable cause o wala.  Pag may probable cause, ifa-file sa korte.  Pag wala, dismissed ang kaso.  (Probable cause :  Baka may katotohanan)



Tropang Oportunista - Water Ludy vs Reklamadors
For perjury.  Nagsumite ng kanilang sagot kanina ang mga reklamadors a.k.a. Repormista group sa kasong sinampa ng mga Oportunista laban sa kanila.  Kanilang sinagot isa isa ang mga maling habla na hinarap sa kanila ng tropang oportunista.  Sa game plan ng mga oportunista, hindi na sinama sa mga nagreklamo sila Water Ludy.  Sa dahilang hindi alam.  Mapapansin na malinaw ang sagot at point by point discussion vis-a-vis the allegations ang ginawa ng mga repormista, taliwas sa ginawang pag segue ng grupong oportunista sa orihinal na kaso.


Repormistas vs Mary Eta and Charlie Papa
Nagaantay na lamang ng patawag ang magkabilang panig sa kasong isinampa sa piskal ng mandaluyong laban kina Mary Eta at Charlie Papa.  Napapabalitang sakit sa ulo ni Mary Eta ang kasong ito dahil wala siya maipapakitang ebidensiya upang salungatin o pawalang katotohanan ang mga bintang laban sa kaniya.  Kapansin pansin na hindi pumirma sa demandang ito ang dalawang bagitong direktor na taga lungsod Quezon.


Mother of all cases
May hearing bukas 6 May ganap na 8:00A.M. sa RTC Branch 24.  Inaasahang magkakaroon na ng linaw kung pagbibigyan ba ang hiling ng mga nagdemanda o papaboran ang mga dinemanda.  Napapabalitang kuntodo gapang ang ginagawang panggagapang nila Water Ludy sa pangunguna ni Omar Francisco sa pamamagitan ng pag-gamit ng mga Back Channels nito sa City Hall.  Gumamit na din umano ng pera at impluwensiya ang tropang gamol upang maproteksyunan ang kanilang mga pwesto.


Sa lahat ng kaso, malakas ang balita na kumikilos at nagpapagana ng makinarya ang maduming magtrabaho na si Omar Francisco.  Una na umano itong pinaalalahanan ng mga kapwa nito "karpintero" na umayos.


 
Teka, ano na nga ba pala ang nangyari dun sa kasong disbarment na isasampa laban sa tropang OMGee?  May balita ba kayo dito?

Tsk tsk tsk... Mukhang malaki ang kinita nila OMGee sa mga kasong ito ah...

May resibo ba yan?!

Calling on BIR!!! 

Bwehehehe...

No comments:

Post a Comment