Saturday, May 21, 2011

Report on the Legal Cases Filed against the Association

Sa naturang meeting noong tuesday, isa sa agenda ay ang pagtalakay tungkol sa Kaso na kinakaharap nila Water Ludy et.al.


Subalit, ngunit, datapwa't, ang sinabi nila sa kwento ay "Case filed against THE ASSOCIATION".


HUWAT?  ANO!?  PANO!?  SINO?!
Isang direktor ng Binan ang nagcomment "since one of the complainants is here, may we here from him?".


Ang pinapatungkulan ay si G.A. na ayaw kumain ng pagkaing Bejo.
Tinanong si GA kung "ano ba nangyari, bakit umabot pa sa demandahan?"

Nagkataon na inglisero pala itong si GA na hinamak ng tropa ni Water Ludy at tropang OMGEE na "secretary" lang naman daw pala.  

Sagot ni GA, "since the issue is already subject to Subjudice, I'm sorry but i cannot talk about the details of the case."
Tinanong pa siya ng representante ng Binan kung pwede pa daw ba pagusapan, baka daw pwede magkaayos pa.
 
Ani GA, "I can not speak for the others, but personally, I see no problem in talking.  However, since the case is already submitted for Alternative Dispute Resolution, i think the ADR is the proper forum to talk, not here.  But for the record, I see no problem in talking, just the venue."

Sa puntong ito, nakayukong tumakas sila OMGee, umalis sa meeting ng direktor.
Sa susunod na mga lathala, ating alamin kung bakit sila umalis.


Lininaw din ni GA sa kaniyang pahayag na HINDI ANG ASSOCIATION ang dinemanda ng mga reklamador.  "Only certain persons in their personal capacity", ang kanila umanong idinemanda.

Sumingit naman si Water Ludy na "Not the association, pero yung mga dinemanda niyo ay mga nagpapatakbo ng association.  Pareho na din yun."

"It is not the same considering that we are after the personal liability of the defendants, in their actions pertaining to their personal capacity," sagot naman ni GA.


Ah, eh, ano daw!?


Bakit ba parang pinipilit nila Water Ludy na ang Association and idinemanda?  Sira ulo ba ang mga nagdemandang direktor e direktor din sila?  Pag nayari ang association, damay sila.  Gusto palabasin nila Water Ludy na ang association ang dinedemanda para makakuha ng mga simpatiya ng ibang director sa pagpapalabas na nanganganib ang association sa kaso.

Sa totoo lang, silang sampu lang ang nanganganib sa kasong isinampa sa kanila.  Nanganganib na maalis sila sa pwesto, bagay na ayaw na ayaw nila.  Kung maaalis sila sa pwesto, labis na kahihiyan ang aabutin nila.  Bukod pa dito, madidiskaril ang mga plano ni Mr. UBE na makontrol ang Foundation para lalong pagyamanin ang kanilang mga sarili.

Abangan ang kasunod na kabanata...

8 comments:

  1. Kung mawala man sila sa pwesto, Dami naman papalit...

    Di lang naman sila ang may pera at may utak...
    UTAK LAMOK LAMaNG SILA...

    Association daw dinemanda??? lakas naman ng loob ng mga Reformist kung ang asosasyon ang dinemanda.

    Kamo SILA nagpapatakbo??? Anu ba ang nagawa nila??? Ang mag pa under sa Textfire???

    Bwahahahahaha

    ReplyDelete
  2. Isang tanong muli!

    hindi ba't ang President ang nasusunod kung anong adhikain ang gusto nyang tahakin ukol sa ikabubuti ng isang association? kung gusto nya sundin ang salita or advice ng iba ay nasa sa kanya yun.
    Ang director naman ang namamahala lamang kung anong department ang ini-assign sa kanya?

    In other words, mas mataas ang Tungkulin ng Presidente compared to a Director.

    Tama ba or iba pag bumbero ang association?

    ReplyDelete
  3. Mga ka bumbero, maghanap po tayo ng gagawin at improvements sa hanay natin.hindi puro blogs,comments,reklamo, at kasiraan sa kapwa natin. Godbless to all.

    ReplyDelete
  4. What do you suggest for improvement?

    Tama ka Steelmary na di dapat mag siraan. But what can you suggest for improvements?

    Kami loyal kami sa Brigade and To Brigade alone.
    How about the one leading the Brigade now?

    ReplyDelete
  5. Tama ka Sir Chicky,

    Mas mataas talaga ang president kahit kanino man...
    Ngunit Sino ba nagpa upo sa kanya dun???
    At sino din pwede mag tangal sa kanya dun????

    Kung mahal mo ang sinalihan mong grupo ipaglaban mo...Ikaw pinalaban mo ba ang grupo mo??? O lumipat ka???

    Tingnan niyo si Amang Marcos at si Pres. Erap... Inalis sa pwesto ng Tao...
    Kasi ayaw na ng taong bayan eh...

    ReplyDelete
  6. Tama ka Hitler,

    Sa sinabi mong yan, sino nga ba nagpaupo sa kanila? definitely hindi mga member or hindi rin firechiefs? Mga director or board members nagpaupo sa kanila dba? Ano ngayon ginawa nila? hindi ba dapat mga DIRECTORs ang pukpokin nyo kasi dahil sa kagagawan nila kaya napaupo sila ngayon?

    Sila Marcos at Erap kaya naalis sa pwesto kasi nilagay sila sa pwesto ng taong bayan tapos hindi rin pala sinuportahan ng taong bayan. Eh sino ngayon may kasalanan sa pagkakaupo nila Marcos at Erap? Sino rin may kasalanan sa pagkakaupo nila water ludy at mary eta?

    Sa mga salaysay nyo hindi ba malaking pagsisi ang nararanasan nyo? "never have regrets because at one point everything you did was exactly what you wanted"

    ReplyDelete
  7. Di naman siguro Chicky,

    Lahat ng problema, May solusyon...

    Lahat ng bagay pwede pa usapan...

    Kailangan magbigyan lang....

    Ang tanong lang eh, sino ang unang bibigay???

    Give and take lang dapat, di po ba?

    ReplyDelete
  8. Ayun naman pala e akala ko lahat ng mga comment dito wala katuturan e. Ikaw pa lang Mr. hitler ang unang kong nabasa na magandang comment.

    Simula't sapol yan nga suggestion ko e, pero try mo hanapin naging sagot nila sa past blog dito, makikita mo na nuon pa man sinara na nila isipan nila sa usaping PAGKAKASUNDO! Ewan ko lang kung ganon din yung mga binabatikos nila dahil ayaw naman magsipag-comment. Baka may madulas pag may nag-comment siguro sa hanay nila.

    ReplyDelete