TARGET DAW ANG FOUNDATION
Isa
sa mga pinaparatang ng grupo ng mga Oportunista ay ang pagkakaroon
umano ng interes ng mga Reformist sa Foundation. Bago natin sagutin
ito, mahalagang malaman kung ano ba ang Foundation?
Ang
Foundation ay isang Parallel-Organization ng Brigade na ang pangunahing
layunin ay ang tugunan ang mga dagliang pangangailangan ng mga kasapi,
gaya ng pag may nasugatan o may nasawi sa mga responde. Karamihan sa
donation ay dito pumapasok, at sa huling pagtataya, malaki na ang pondo
ng foundation.
Kung
tutuusin, sino sino lang ang pwede mangasiwa ng Foundation? Ayon sa
sinusunod na alituntunin, ang mga manngangasiwa ng foundation ay ang mga
Past Presidents. So paanong magiging target ng mga Reformist ang
foundation samantalang ganun na ang set-up? Ang tanging hangad ng mga
Reformist ay mapigilan ang Ulterior Motive ng mga Oportunista.
Hayaan
nating mahimay pa ng husto ang sitwasyon. Ganang mga past president
ang maaring umupo at mangasiwa sa foundation, tignan natin kung sino
sino ang mga naging past president sa mga nakalipas na panahon.
Ko Hu
Atty. Eusebio Go
Johnny Tan Chiao
Chan Kim Hei
Antonio So Yap
Gerrie Chua
So Seng
Francisco Guevarra
At ating himayin ang mga susunod na mga magiging president :
Lily Uy
Juanito See (na nagresign)
Mario Tan
Enrique Dy
Anson Ong
Jasper Ang
Kung
ating susuriin, Puro mga tao nila ang mga nakapila na magiging
presidente sa mga darating na panahon. Sa totoo lang, ang Vice
President na hinalal nung nakaraang Feb 24 ay magiging presidente 12
years from now kung susundin ang umiiral na kalakaran sa Brigade.
Sa
ganitong gawi, darating ang panahon na ang mga past president na
mangangasiwa at mangangalaga sa brigade, at higit sa lahat sa
foundation, ay magiging dominated ng mga tropapips ni pareng Ube. By
that time, maaring nagpapahinga na ang mga past presidents na may edad
na at maaring di na gaanong aktibo sa pangangasiwa ng foundation. Ating
isipin kung sino-sino na lang ang matitira para mangasiwa sa
foundation? Di ba’t grupo na ni pareng UBE?
Sa
kanilang pagbibintang na ito, lumalabas na sila pala ang may di
magandang pakay sa pagpwesto ng kanilang mga tao. Ni hindi naisip at
malayo sa hinagap ng mga Reformist ang foundation, subalit sa tinuran ng
grupo ng mga Oportunista, mapapansin kung ano ang kanilang iniisip.
Sabi nga ng isang sikat na kataga, “We usually suspect in others what we
feel in ourselves”.
Sino
ngayon ang may tunay na motibo sa paghawak sa Foundation? Sino ngayon
ang mas may higit na interes sa paghawak ng Foundation? Sino pala ang
mas makikinabang sa pag hawak ng Foundation? Ang mga Oportunista ba o
ang mga Reformist??? Ayon sa mga tinuran, mukhang ang mga Oportunista
ang mas may higit na pansariling interes kung kaya ayaw nila maputol ang
sinimulang “Dynasty” ni pareng UBE.
SINO NGA BA ANG NAKAPWESTO HANGANG 2012????
ReplyDeleteDI PO BANG MGA OPRTUNISTA???
KAYO HUMUSGA BAYAN ......