Kaninang hapon, pasara na lamang ako ay linusob ako ng ilang tsismosong mga bumbero sa aking pwesto.
Bukod sa meryenda, tsismisan ang kanilang sadya sa akin.
Ayon sa kanila, may isang di kilalang tao daw ang naka-suot ng Type-A noong nakaraang meeting ng mga Fire Chief/OIC.
Hindi daw nila ito kilala at mukhang bagong mukha ito.
Bandang huli, na-identify daw ito bilang isang taga PASAY.
Hindi naman daw sana nila ito mapapansin ngunit lahat sila ay nagtataka kung bakit may naka Type-A uniform sa meeting. Labis pang nakatawag ng kanilang pansin ang tila walang galang na pagsusuot nito ng kaniyang uniporme.
Lahat naman tayo alam na may protocol na sinusunod sa pagsusuot ng Type-A uniform. Dapat ito ay isuot ng may dignidad at pag-galang.
Lousy daw kasi ang pagkakasuot ni "mystery man from pasay". Naka tuck-out na, bukas ang mga butones at shabby in uniform pa umano itong si mmfp.
Ano ang dahilan kung bakit siya naka Type-A sa meeting?
At bakit hindi ito kinastigo ni Center-5 na siyang Fire Marshall?
O baka naman dahil di din alam ni Center-5 ang tamang protocol.
Tanong pa ng mga tsismoso, bukas daw kaya sa Directors' Meeting ay may naka-barong din kaya? Hahaha...
Panawagan lamang sa mga kapatid nating bumbero, na sana ay bigyan naman natin ng kaukulang respeto ang uniporme ng samahang ating kinakatawan.
No comments:
Post a Comment