Thursday, May 26, 2011

Bakit Umalis sila OMGee??

Sige ahia screw master, yaman din lamang at nagfollow up ka kung bakit umalis sila Omar at Beegee noong meeting.


Heto ang tunay na kwento, ayon sa aking bugwit sa grupo ni Mary Eta.


Ayon sa kwento, noong una daw ay sila OMGee ang gusto gawing abogado ni Mary Eta sa kaso niyang Perjury na nakasampa ngayon sa piskalya ng Mandaluyong.


Inaasahan umano ni Mary Eta na makakadiscount ito sa duo dahil nga naman "director" kuno sila ng Brigade din naman.


Ngunit siyempre, business is business, hindi pumayag ng libre itong dalawa.  Sinisingil si Mary Eta ng acceptance fee at appearance fee sa bawat kaso, dagdag pa dito ang iba pang administrative cost.


Yun daw ang dahilan kung bakit nakiusap si Mary Eta sa meeting ng Brigade noong May 17 na kung pwede ay tulungan sila ng pondo ng Brigade sa gastos.  Ibig ba sabihin nito ay hindi kaya ng budget ni Mary Eta ang serbisyo ng dalawang "director" kuno?


Pangalawa, dahil umano sa dati ay "retainer" lang ang inaabot kina OMGee sa kanilang pag-attend sa mga meeting ng Brigade at pagkukunwaring mga "director kuno" sila.  Ngayon daw na may kaso na, hindi na daw sakop ng kanilang retainer ang pagsagot sa mga issue tungkol sa kaso kung sakaling ito ay mapagusapan sa Brigade.


Kung mangyayari daw na pagdidiskusyunan ang kaso sa Brigade at sasagot sila, ibang usapan na daw yun.  Sa madaling salita, naniningil na din sila ng kanilang "appearance fee" sa mga meeting ng Brigade kung san kailangan sila sumagot in behalf sa mga nademanda.


Matatandaan na niraise ang issue ng kaso noong nakaraang meeting ng mga direktor kung saan sinama pa ito sa agenda.  Nang pinagusapan na ang kaso, at sumagot na itong si GA, umiskyerda na ang dalawa dahil tumatanggi umano si Water Ludy na bayaran ang kanilang "appearance" gayong dapat nga naman ay "director kuno" naman sila.


Pangatlong dahilan kung bakit sila umiskyerda.  Ganyun din lang at olats sila kung sakaling sagutin nila ang issue at magsalita para sa mga nademandang grupo ni Water Ludy, nagiingat na din umano ang mga ito dahil sa posibleng maging bala ito ng mga reklamador sa kasong ihahain laban sa kanila sa IBP para sa kanilang disbarment.  Olats na nga naman, magkakaproblema pa sila.  Buti sana kung may bayad, di ba?


Palagay niyo mga kapatid?


Siyempre pwedeng pabulaanan ang mga naturang punto na nakalathala dito, pero ewan ko lang kung papasinungalingan nila.


Sa kabilang banda, patuloy pa daw pinapa-hunting sa mga tropapips nilang "karpintero" ang may akda sa blog na ito.  Pati umano ang "kapatiran" ay kanilang ginagamit na upang matukoy kung san nanggagaling ang blog na ito at kanino.


Inaantay lang po kayo ng inyong lingkod.



Di ba I-10? :p

3 comments:

  1. k salamat ahia reformist for d info at least lumalabas na mga katotohanan kung ano ba talaga sila OMAD N GEETAE hindi mga tunay na director kundi mga DIREKTONG HAHAHAHAHAHAHAHAHA BEBELATIN NA KAYO ETSAS AT KA LUDY

    ReplyDelete
  2. at kung sakaling ayaw nila OMAD N GEETAE NA MATAWAG NA DIREKTONG E PWEDE NA RIN atTONGnys hahahahaha

    ReplyDelete
  3. AHIA REFORMIST BUSY KA SIGURO MASYADO MAY NAKALIGTAAN KA RIN DUON SA POST MO GINAGALANG NA PAST PRESIDENT NAG RESIGN AT BAKIT MAY TANONG SI AHIA HITLER SAYO TNX

    ReplyDelete