Sunday, May 1, 2011

Congratulations sa mga na-Induct!!!

Congratulations sa mga na-induct kagabi sa Brigade!  Madaming "FIRSTS" ang nangyari.

Unang beses (First Time) na nagmukhang kawawa mga operator ng Brigade
Ngayon lang nangyari na kinawawa ang mga Operator ng Brigade sa isang okasyon ng Brigade.  Tila pinangatawanan ng pamunuan ni Water Ludy ang pagtrato nila ng walang kwenta sa mga operator.  Imagine, nangalumata na mga mata nila sa baba, ni hindi man lang sila maalalang pakainin!  Buti na lang nagpameryenda si Branson Jong noong hapon kung hindi talagang nagkanda hilo na ang mga iha at iho sa baba.  Nang sobrang kalam na ng mukha nila, hinanap nila si Fire Marshall Center-5 para itanong kung pwede na sila umuwi, ang sagot, itatanong daw muna niya kina real Fire Marshall Mary Eta.  Ang siste, di na bumalik si kunyaring Fire Marshall.

Halos patapos na umano ang "party" ay nasa baba pa ang mga ito.  Buti na lang pinakain sila ng isang member ng TIMOG na naawa sa kanila.

Kawawang mga operator.  Wala naman kasi kayo bilang at operator LANG kayo.

Buti pa ang asawa ni Pareng JUN e sitting pretty sa taas, katabi namin ang mesa niya at aking pinagmasdan, ang lakas pala kumain nun!  Malakas talaga si Jun.

Mukha na tanga mga operator dun sa baba, hinayaan lang sila dun na mukhang mga aso.

At heto pa, nagrerequest sila ng dress code galing sa pamunuan ni Water Ludy at tinanong kung pwede daw ba yung Yellow TShirt na lang ng Brigade ang kanilang isuot para nga naman pare-pareho sila, ang sagot ay wala daw ganung damit sila Water Ludy, Mary Eta at Center-5!

But Lo and Behold!  May mga seksing dalaginding na naka-uniform ng Brigade!!!


Unang Beses (First Time) Magkaron ng GRO sa isang Okasyon ng Brigade
Tila nagmistulang noontime show ni Willing Willie ang "party" ng Brigade kagabi sa Dragon Gate sa presensya ng mga nag-gagandahan at nag-aalindugang mga Seksing Babae na nagsilbing mga "eye candy" kagabi.

Todo iksing mga naka P*k*-shorts ang mga ire, mga naka high-heels, kuntodo make up at mga naka T-Shirt ng Brigade!  Aba akalain mo bang walang maipasuot sa mga Operator natin na silang mga frontliner natin sa mga bisita e may pampasuot sa mga girlalush na papayag namang hindi magdamit dun!

Kung sino ang may pakana ng ganitong "style" sa Brigade, aba, e alam niyo na kung sino yun.  Sino ba ang may pa-sayaw ng mga pang-akit na mga babae sa isang Party noong pasko?  

Di ko alam kung alam ng matatanda ng Brigade ito pero ito ay tila labis pang nagpabagsak sa dangal at dignidad ng Brigade.  

Grabe, nakakabastos talaga!  Imagine, isang dapat na solemn occasion, may mga GRO?!

Buti na lang hindi pinagsayaw.  Pero sila ang naka-front ha.  Mga operator natin mga mukhang sampid lang sa gilid na tagapagpapirma ng attendance.


Unang Beses (First Time) ganun kadami ang umattend sa party ng Brigade
Grabe, ako ay nalula kanina sa dami ng attendees!
Imagine, 65 tables ang occupied!?

Ang siste, wala pang 1/4 dito ang mga bumbero ng Brigade.  Kahit isama mo pa dito ang mga bumbero ng ibang Association, wala pa din sa 1/4 ang mga ito.  Ngayon lang nangyari na dominated ng mga Bisitang hindi ko malaman kung san nanggaling ang isang okasyon ng Brigade.

Tinanong ko kanina yung isang lamesa na katabi namin, aba ang sabi ay mga tindero daw sila ng isang kilalang "chemical" company sa Libis.  Tinanong ko kung bakit sila andun, inimbita lang daw yung boss nila at pinasama daw sila.

Nang ako ay magyosi, may mga nakita pa ako sa labas na mga mukhang mga "empleyado".  Di ko na tinanong kung kanino, pero nung tinanong ko kung ano ginagawa nila, ang sabi ay "naghihintay kami paakyatin.  Sasabihin sa amin kung sang table kami uupo."

Ang galing!  Talagang naghakot ng mga fillers, pampuno ng mga bakante.

Pag-akyat ko, yung brigada sa silangang kamaynilaan na ilan lang ang nagpunta ay nadinig ko na nagbawal sa ilang mga "outsiders/guests" na umupo sa lamesa nila dahil ito daw ay nakareserba para sa kanila.  Pinagbalakan daw kasi ni Mary Eta na iupo sa lamesa nila yung ibang "guests" tutal wala naman daw nakaupo.

Ano siya, bale?  E binayaran nila yung lamesa tapos magpapa-upo ng ibang tao?

Anong kalokohan yun?  

Di ko lubos maisip kung bakit kailangang maging ganito kababa ang dignidad ng Brigade.  Ano ba ginawa ni Water Ludy at ni Mr. Ube sa atin?

Ang verdict :  25% ng attendees ang bumbero, magkasama na dito ang bumbero ng Brigade at ng mga Bisitang bumbero.  75% ang mga naka-civilian, mga guests, mga outsiders, mga empleyado nila sa kanilang mga raket, mga supplier sa kanilang mga raket at kung sino sino pa.

We ask, "How low can we go?" There you have it.  Their actions spoke for themselves.


Unang Beses (First Time) sobrang konti ng volunteers ang present
At risk of being repetitive, sobrang konti talaga ng umattend kanina na mga bumbero.  As in!  Hindi maika-kaila na sobrang konti talaga.  Baka nga exaggeration pa yung 25% e.  Tsk Tsk Tsk.


Unang Beses (First Time) naginduct ng mga Fire Chief/Fire Marshall/OIC ang president ng Brigade
Dati-dati, ang mga Fire Chief, OIC at Fire Marshall and Deputies ay inducted ng isang taga Operation din.  Either Regional Director ng BFP o ng kung sino mang galing DILG.  Pero kagabi, aba, si Water Ludy ang nag-induct sa kanila.  Bakit?

Parang ang daming paglabag sa protocol ng nangyari.  Kung sabagay, wala nga pala sense of propriety si Water Ludy at Mary Eta.  Teka nga pala, bakit parang pati Regional Director ng BFP ay wala kanina?



Unang Beses (First Time) na pati BFP parang binoycott ang APVFBI
Bakit parang pati BFP Brass ay nagboycott sa brigade?  Ang pinaka-mataas na opisyal na dumating ay di kataasan.  Pati mismong Fire Marshall ng Manila kung san naka-base ang Brigade ay wala, o ang Fire Marshall man lang ng Pasay kung san ginawa ang induction.
 

Di ba dati ang nag-iinduct sa mga Fire Chief/OIC/Fire Marshall at deputies ay isang mataas na opisyal ng BFP o ng DILG?  Bakit ngayon si Water Ludy?

Pati ba BFP ay boycott sa Brigade?  Ang pinadalang representante ng BFP ay di gaanong kataasan.  Siguro ang tingin nila ay di masyadong importante ang "party" kagabi.

Teka, asan nga ba pala ang mga top brass ng BFP kagabi?  Balita ko magkakasama ang mga ito at nagusap usap nga kung pupunta o hindi.  Ang naging desisyon ay evident sa nangyari kagabi.


Unang beses (First Time) na dis-organized ang set-up sa isang okasyon ng Brigade
Ngayon ko lang nakitang sobrang dis-organized ng isang okasyon ng Brigade.  Dati naman madaling i-organize since may kaniya-kaniyang table naman.  Kagabi grabe!

Sabi ng kasama ko, siguro daw kasi nga puro outsider kaya magulo.  Di nila alam kung saan uupo.  At yung mga may bakanteng lamesa, gusto nila paupuan.  E ayaw naman magpaupo ng may ari ng lamesa.  

Grabe, kahiya talaga ang palakad ni Water Ludy at Mary Eta.


Unang Beses (First Time) magboycott maging ng mga Direktor
Kapansin pansin na yung apat na brigadang umattend na walang "officer", hindi nagsipunta ang mga Direktor nila.  

Bakit kaya? 


Mga firefighter lang ang pinapunta nila, hindi pa puno ang mesa.  Mismong mga direktor ng isang brigada na may Vice, hindi din sumipot.  

Ilang brigada ang di nagpadala ng direktor?  12!  Labindami!!!


Unang Beses (First Time) may matatanggal na Presidente ng Brigade
Inaasahang mapipilitang bumaba sa pwesto ng lahat ng nakaupo sa Brigade pag lumabas ang hatol ng korte.


Tila wala na iba posibleng mangyari kundi bumaba ang mga ito sa malapit na hinaharap

Ito ang ating abangan.

At ito din ang kanilang sobra sobrang ginagapang.

------------

After all was said and done, we have seen how the general membership / majority of the Association of Philippines Volunteers Fire Brigades regard the leadership of Water Ludy et.al.


While she may claim to be the First Woman President of Brigade, the question of her legitimacy will always be hanging on top of her.  If the handling court will be just, she will also be the First President to be booted out of office.

What happened last night is a terrible blow to the credibility and standing of the Association not only in the Chinese Community, but to the society in General.

We were fooling nobody but ourselves in filling the tables with outsiders just to present a facade of support and control over the Association we hope to govern.

In fact, bringing in "outsiders" we deemed to call "guests" who had nothing to do with our Association only served to bring our credibility and self-worth/esteem at its lowest.

Instead of boosting morale, it only served to further deteriorate whatever respect was left of the members.

How low can you go?  All the way down, it seems...

Sad.

2 comments:

  1. ANO BA TALAGANG PAKAY NINYO WATER LUDY???

    BILANG PRESDENTE NG BRIGADE???

    DI NAMAN KAYO BUMBERO...WALA NAMAN KAYO ALAM SA PAG BUBUMBERO....

    WALA NAMAN KAYO SARILING DESISYON...WALA DIN KAYONG PRINSIPYO

    KITANG KITA NAMAN NA SUNOD SUNRAN LANG KAYO KAY MR. UBE....

    HUWAG NIYO IDAMAY ANG BRIGADE SA KATARANTADUHAN NIYO...

    KUNG DI KAYO LOYAL SA BRIGADE... NAMDYAN ANG VOLTES 5 OR VOLTRON NA LOYA NA LOYAL!!!!!

    ReplyDelete
  2. GRO MAN OR RECEPTIONIST... DI TAMA YUN

    GINAGALANG ANG BRIGADE NG TAONG BAYAN...
    SA HISTORYA NITO NI MINSAN ALANG GUMAGAWA NG GANITO...

    NAKAKITA LANG AKO NG GANYAN SA XMAS PARTY NG TEXTFIRE...

    BAKA TEXTFIRE NA TALAGA NAGPAPALAKAD NG BRIGADE...

    ReplyDelete