Thursday, May 12, 2011

Mga reklamador, target ang Foundation?

May mga kumakalat na tsismax na target daw ng mga reklamador ang Foundation kung kaya sila nagrereklamo.  Akin namang tinanong ang isa sa mga nagrereklamo kung ito ba ay totoo.  Sabi niya, ito daw ay natalakay na sa isang post sa blog dito kung kaya akin naman itong hinanap.

Ngunit bago ito, ano ba kasi talaga ang Foundation?  Ayon sa aking pagkakaalam, halos lahat ng donation na pumapasok sa Brigade ay sa Foundation napupunta.  Karamihan sa pera ng Brigade mismo ay mga contribution lamang ng mga direktor nito.  Yung mga outside donations galing sa mga benefactors natin ay sa Foundation ipinapasok.
Ang Foundation ay siyang nagiging security buffer nating lahat sa pagkakataong mangailangan tayo ng dagliang tulong.  Dito nanggagaling ang mga pampagamot para sa mga bumberong nasusugatan habang gumaganap sa tungkulin.  Kung sakali man na may mabawian ng buhay, bagay na wag naman sana, dito din inaasahang manggagaling ang tulong na mapupunta sa maiiwan natin.

Dahil dito, tila nga malaki ang pera ng Foundation, at hindi nga nakakapagtaka na pagbintangan ang mga reklamador na may interes dito.
May interes nga ba ang mga reklamador o ito ay isang pausok lamang ng kampo ni Water Ludy upang ma-divert ang attention ng mga sumusubaybay dito?  Di ba kung sino unang naka-amoy, siya ang madalas na umutot?

Sa puntong ito, aking i-repost ang sinabi ng aking kausap tungkol sa post ukol sa Foundation...
-------------------------------

1 comment:

  1. Malamang baliktad ata ang tsismis na pinapakalat nila.. Kaya naman siguro gusto umupo ng paksyon nila WATER LUDY ET.AL eh para magkaroon sila ng access sa foundation...hmmm.. anu kaya target nila sa foundataion???.... Dagdagan ang pondo or......hmm. Kayo na lang ang humusga........

    ReplyDelete