Wednesday, May 25, 2011

Future Projects


Para sa mga nagtatanong gaya ko, kung ano ba ang mga napagusapan na future projects ng Brigade, wag na kayo magtanong.


Ang mga future projects ng Brigade ay siya ding mga past projects na natin.  


Walang kamatayang blood letting, na kung tutuusin e pag nangailangan sana ang mga taga Brigade e magamit nila.  Ang problema, di naman, dadaan ka pa sa sangkatutak na Red Tape!
Parang walang nagbago, yun at yun pa din.  Ang importante lang sa kanila ay maka-upo, at ang titulo ng mga posisyon na kanilang dadalhin.


Wag niyo sana kalimutan na kung wala ang mga ordinaryong bumbero sa baba, hindi kayo sisikat!!!


Isa pa, sana maisipan niyo namang magpaproject na in-line sa mga adhikain ng Brigade.  Hindi yung kung ano ano pinapasok natin na gagawin na wala naman kinalaman sa pagbubumbero.  Puro para lang sa pagpapasikat.


Aber, aber?

No comments:

Post a Comment