Saturday, May 7, 2011

Why they fight...

Madami sa atin ang hindi naiintindihan kung bakit humantong sa ganito ang sitwasyon sa Brigade kung kaya pinilit kong kapanayamin ang isa sa mga reklamador.

Aking tinanong na kung sa palagay ba niya ay hindi nakakasira sa Brigade ang ginawa nilang pagdedemanda.

Ang sagot niya sa akin, hindi daw aabot sa demandahan ang lahat kung nakinig lang daw sana sa hinaing ng mga tao si Water Ludy at hindi nagpa-uto kay Mary Eta.
Ayon pa sa kaniya, hindi siya pwedeng magbulag-bulagan at magbingi-bingihan at magsawalang-kibo kagaya ng tatlong matsing.

Mahirap daw ang manahimik at maging kumpyansa sa katahimikan at katiwasayan ng lahat sa tahimik na pag-asa na bubuti ang lahat.

Ayaw daw niya maging tulad ng isang palaka na linagay sa tubig habang ito ay nasa kalan na sa umpisa ay nasasarapan pa ito at di namamalayan na niluluto na pala siya.  Sa umpisa daw ay akala ng palaka na siya ay nasa magandang kalagayan ngunit sa bandang huli ay niluto na daw siya.


Sa nangyayari daw sa Brigade, ayaw niyang maluto sa sarili niyang mantika!  Ang tama ay tama, ang mali ay mali!

1 comment:

  1. Kung nagbigayan ba dati siguradong di hahantong sa demandahan...

    Ngunit nag matigas ang mga partido kaya dun bumagsak sa demandahan...

    Sayang Pera dapat pinamigay na lang nila sa mga nag hihirap na bumbero tulad namin......

    ReplyDelete