Friday, May 6, 2011

Magkaibigan, nagaway!

Bespreng tunay daw na maituturing ang dalawang ito na parehong direktor ng isang brigada na bago lamang sa Brigade.

Lahat daw ay kanilang hahamakin sa ngalan ng kanilang pagkakaibigan.  Una na umano silang nagkakilala sa isang dating brigada na kanilang naunang sinalihan kung saan direktor din sila.

Ngunit nang lumabas ang tungkol sa kaso laban kina Water Ludy, di umano ayon ang tabachingching na Direktor sa pagsali ng kaniyang bespren sa mga nagreklamo.  Dahil dito, sila umano ay nagkaron ng matinding samaan ng loob at tampuhan.  

Bilang pagpapakumbaba at sa hangad na maisalba ang kanilang pagkakaibigan, sinunod umano ni Jose ang payo ni tabatino na wag na sumama sa pangalawang demanda na isinampa laban naman kay Mary Eta at Charlie Papa.

Subalit matigas umano ang puso ni Tabatino at talaga namang masama ang loob dahil hindi siya pinakinggan ni Jose.

Ang siste, nagkakatampuhan na ang dalawa at matagal nang di naguusap, mula pa nung lumabas ang issue, si tabatino naman ngayon ay bad trip at galit umano sa grupo ni Water Ludy.

Ang ugat ng kaniyang sama ng loob ay ito :  Sagad to the bones umanong ipinagtanggol at kinampihan ang grupo ni Water Ludy subalit napag-alaman umano niya na pati siya ay target ng smear campaign at dirty tactics na pinasimunuan ni Omar Francisco.

Banas at inis umano siya na kung bakit pinagtatanggol na nga daw niya at kinakampihan, pati siya ay dinadamay sa gulo, at pati sa kaniyang opisina ay pina-surveillance umano si tabatino.

Ngayon, magkagalit ang dalawang magkabrigada, at the same time, bad trip si tabatino sa grupo ni Water Ludy.

Paano at san ka na ngayon direk?

No comments:

Post a Comment