Saturday, April 30, 2011

BFP Officials, in-snub din ang "party" ni Water Ludy?

Nagpatawag umano ng isang emergency meeting ang isang mataas na opisyal ng isang LGU sa kalakhang maynila na kinailangang daluhan ng mga BFP Officials kasama na ang Regional Director ng BFP at mga Fire Marshalls ng mga District at Cities/Municipalities ng NCR.

Dahil dito, wala daw nakasipot sa "party" ni Water Ludy.
Tanong :  Talaga bang may meeting?  O nagdahilan na lang ba ang mga opisyal ng BFP dahil ang totoo, boycott din sila?


Ano ba talaga mga ahia/achi!?

"Party", umarangkada na

Tuluyan nang umarangkada ang "party" ni Water Ludy and company sa isang kainan sa Roxas Blvd., Pasay ngayon.

Nagkaron ng pagka-antala nang di dumating sa oras ang mga inaantay na bisita.
Abangan ang update maya-maya lamang!

Chinese embassy, snub din ang beauty ni Water Ludy?

Ayon sa isang bugwit, tumawag daw ang representante ng Chinese embassy sa kampo ni Water Ludy para ipaalam na hindi makakarating ang mga inimbitahan at inaasahan nilang dumating mamaya.

Isa na lamang daw ang ipapadala nila sa "party" ni Water Ludy.  Bagay na labis na kinalungkot nanaman umano ni Water Ludy.

As it turns out, sinasabing nakarating na din sa embahada ng Tsina ang nangyayaring gulo sa Brigade at kwestiyon sa legitimacy ng pamunuan nito.


Abangan.

Isang Vice President, outcast?

Bakit sa dinami dami ng mga advertisements na pinapalabas tungkol sa mga incoming officers ng Brigade e tila nawawala si Vice President Enrique Dy ng South San Nicolas?

Tila outcast siya sa lahat ng publications na pinapalabas ngayon.
In fact, kahit sa "party" mamaya ay sinasabing hindi aattend si Vice Dy.  

Kung ating susuriin, si Vice Dy ang may suporta ng higit sa nakararaming mga miyembro ng Brigade kumpara sa ibang mga nakaupo.
Matagal na daw outcast si Vice Dy matapos ito magpakita ng tendency nito para umayon sa "tuwid na daan".   Si Vice Dy umano ang isa sa mga opisyal na nais isaayos ang mga systema ng Brigade, bagay na ayaw naman ng grupo ni Water Ludy sa mga kadahilanang sila lang ang nakakaalam.


Despite this naman, nagpakita pa din ng suporta ang South sa pamamagitan ng pagkuha ng isang lamesa sa "party".  Ito ay kakaiba sa nakasanayang tatlong lamesa na karaniwan nang kinukuha nito kada taon.

At kahit may lamesa, nabalitaang walang Direktor galing South ang dadalo.
Abangan.

Sa mga hindi pupunta, heto ang program mamaya

Buong pagmamayabang na pinagmalaki ni Intensity-3 sa isa sa kaniyang mga tropapips ang magiging programa mamaya.


Kaya para sa mga hindi pupunta, eto ang program :
              I.       Invocation
              II.      Entrance of Colors
              III.     Parade of Board of Directors
              IV.     Philippine National Anthem 
              V.      People's Republic of China National Anthem
              VI.     APVFBI Hymn
              VII.    Induction of Officers
              VIII.   Turn-Over of Association Flag from outgoing 
                        President to incoming President
               IX.    Welcome remarks by Francisco Guevarra
                X.     Recognition award to be given to the following : 
          • Santiago Yu
          • Atty. Eusebio Go
          • Ko Hu
          • Jose Tan
          • Johnny Tanchao
          • Francisco Guevarra
          • Eddie Chan
          • East Binondo Volunteer (ito ba yung kay ube o yung kay nelson?)
          • Pasay volunteer
          • New Market 
          • South San Nicolas
 Siyempre, maaring magbago pa, depende sa order.  

Sa ginawang programa, mukhang wala naman sila balak pagsalitain ang mga bisita.  Wala man lang address na naka allot para kay Secretary Robredo.  Halatang pang display at pangyabang lang ang pagimbita nila kay Sec. Robredo.

Kawawang Robredo, pati siya magagamit ng grupo ni Water Ludy pampayabang.

Buti na lang di siya pupunta mamaya.  Kung hindi, kahiyahiya ang mangyayari.

Mga tunay na lalake ba ang mga pinuno ng mga Brigada niyo?

Kayong mga brigadang hindi kumuha ng table sa party ni Water Ludy, may paninidigan ba kayo?

May nakarating na bulong-bulong at sumbong sumbong kay bonggang bonggang bong-bong na may ilang brigada umano ang "napakiusapang" umattend mamaya. 


Matatandaang nagtawag ang Brigade sa utos umano ni Center-5 upang sabihan ang mga brigada na magpadala ng kahit na apat na representante lamang para magdala ng flag nila at yung tatlong representative sa Fire Chief/OIC.

Ang kapalit nito ay ang libreng lamesa na sagot umano ni Center-5.  As an added concession, sabi daw ni Center-5 na ok na lang daw na hindi naka Type A uniform ang mga tao.

Di ba parang out of place ka naman nun kung lahat naka type a tapos kayo hindi?  Kumbaga, you will stick out like the proverbial sore thumb.

Tsk Tsk Tsk...

Sa mga inimbitahang ibang Association gaya ng Central, Fed, United, atbp., may darating kaya?

Sino-sinong VIP nga ba ang inimbita?

Bukod kay Sec. Robredo na napapabalitang hindi pupunta, sinong VIP pa kaya ang inimbita ng tropang Water Ludy?

Ayon sa mga bulong-bulungan, maraming VIP daw umano ang hindi makakarating.  Maging ang mga traditional at nakasanayan nang dumalo sa anniversary at induction ng Brigade, nababalitang hindi na din daw umano darating dahil sa napapabalitang sigalot sa Brigade.
Ating abangan kung sino ang darating at hindi darating.  Kung totoong madaming hindi darating, lalabas na kahiya-hiya talaga ang pamunuan ni Water Ludy.

First time ito mangyayari sa history ng Brigade.

Kung ako si Water Ludy, di na lang din ako pupunta, para di ko na makita ang kahihiyang mangyayari.  At least pag wala ako, pwede ako magdahilan na biglaang nagkasakit, etc.

Ating abangan...

Center-5, a Papa-5 in the making?

Kagabi, nagtaka ang marami nang marinig ng sunod sunod ang shout ng ilang brigada sa base na nagsasabing "Center-5 if you copy, pakibalik daw yung flag ng xxx sa brigade base".


Ako ay nagtanong kung ano meron.
As it turns out, tinakas daw ni Center-5 ang lahat ng flag na nasa brigade, kahit yung mga flag nung mga brigada na hindi naman aattend sa "party" nila.

Nang tawagan ng isang fire chief si Center-5, nagpatay na umano ito ng cellphone.  May isang fire chief naman ang nakalusot at nakausap si Center-5 at sinabing : "Utos ni Mary Eta!  Naguguluhan na ako, hindi ko na alam kung sino ang susundin ko!".
Bago dito, nung hapon, nagutos umano si Mary Eta na kung sino ang ayaw ipadala ang flag ay gumawa ng letter stating such na naka-address sa President at SecGen.

Nasisiraan ka na ba ng ulo Mary Eta?  Baka gusto mo dagdag kaso?
Unang una, bakit gagawa ng sulat ang mga brigada para sabihin na wag dalhin yung flag nila e unang una, flag nila yun?  Hindi naman brigade at lalong hindi kay Water Ludy o Mary Eta ang mga flag na yun.  Parang baliktad?  

Di ba kung sino ang gustong manghiram, siya ang dapat gumawa ng sulat?  Lalabas na misrepresentation iyon kung ganun.  Papadala niyo sa ibang tao yung flag ng may ari tapos yung may ari pa ang gagawa ng sulat para sabihin na ayaw niya ipahiram?  Tama ba yun?
Anyway, Papa-5 in the making nga ba si Center-5 ngayong mistulang inamin nito na wala siya sarili palo kundi sumusunod lamang sa dikta ni Water Ludy at Mary Eta?

Tsk tsk tsk... 
Kawawang Center-5

Friday, April 29, 2011

Mga pinuno ng isang brigada malapit sa Central Market : MGA TUNAY NA LALAKE!

Patuloy ang pang-gagapang na ginagawa ni Water Ludy para magmukhang madami ang pupunta bukas sa kaniyang "party".

Bilang follow-up sa blog na "how low can you go", mistulang sinagot ni Water Ludy ang tanong kung gaano niya kayang ibaba ang dignidad niya at ng presidensiya ng Brigade sa ginawa nitong pang-gagapang sa isang kamag-anak na Vice-President pala ng brigadang malapit sa Central Market, nakiusap ito at may paiyak-iyak pang nagmaka-awa na kung pwede ay mag-occupy sila ng kahit isang lamesa lang bukas.

Libre na daw ang lamesa, may  magpunta lang.


HALLER!?

Gaano kababa mo ba kayang ibaba pa ang iyong dignidad Water Ludy?  Di ka na ba nahihiya sa iyong mga ginagawa?
Anyway, nanindigan ang brigada sa may Central market na prinsipiyo ang pinaglalaban dito, walang kamag-anak o kumpare o kaibigan na pwedeng magsamantala ngayon!

Tama, tama... 

Saludo kami sa inyo mga kapatid na mananayaw!  MGA TUNAY KAYONG MGA LALAKE!!!

Secretary Robredo, hindi pupunta bukas!

Mainit-init pa na balita!

Hindi umano pupunta si Secretary Robredo bukas.

Kung gaano katotoo ang balitang ito, ay di natin maberipika.

Subalit isang "reliable" information ang aking natanggap, kung sa parlance ng mga nasa information business ay klasipikadong "A1" ang info.


Ayon sa information, pina-alalahanan umano ni USPO (read:undersecreatry for peace and order kung saan nakapailalim ang bfp at pnp) si Secretary Robredo na dahil sa kinakaharap na demanda ng grupo ni Water Ludy, "propriety dictates that the presence of the SILG (read:secretary of the interior and local government) is withheld" umano.

Pinayuhan umano ni USPO si SILG na pag pumunta siya bukas, hindi magiging maganda para sa imahen ng ahensiya at ng pamunuan ni PNoy.


Ayon pa sa bugwit, kung sino man ang nagpadala ng sulat kay CJ ay nagpadala din pala ng sulat hindi lang kay CJ kundi pati kay SILG pala.


Nang magkausap umano si SILG at USPO kanina sa isang pulong, nagbulungan umano ang mga ito na "the SILG will be treated as a second class Bureaucrat, considering that the group seeking to be inducted were already inducted by a known critic of the President".


Ibig sabihin, si CJ, na kilalang kritiko ni PNoy, ang First Class, kasi siya ang nauna.

Si SILG, magiging second class kasi nga naman nainduct na, iinduct ulit?


Bukod pa dito, dahil sa paalalang ito, di daw gusto ni SILG na magalit sa kaniya si PNoy dahil unang una, may mga chismax na gusto na siya palitan nito sa darating na buwan ng Mayo.

Ano kaya mga achi/ahia?  Darating kaya ang pinagpipitagang kalihim ng panloob?

Tsk tsk tsk.


In-adjust pa naman ni Water Ludy induction para sa kanya, di naman pala darating.

Bwehehehe...

Ahia Center-5, Huwag po, huwag po!!!

Center-5, una sa lahat, pinapa-abot namin sayo ang aming marubdob na respeto.

Ngunit ikaw ay aming binabalaan.  Huwag na huwag mo papadala mga bandera namin sa kalokohang okasyon ng Brigade para iparada.  Kaya nga kami di pupunta kasi di namin sinusuportahan ang SHAM induction na yun e.  Tapos ngayon papadala mo mga flags namin?

Yung flag niyong walong brigada ang iparada niyo, wag niyo isama yung samin!
Kung mukhang konti, padala mo pati yung nasa auditorium.

Kung konti pa din, padala niyo mga Flags ng mga barangay sa TXTFire!


Pero wag na wag niyo papadala flag namin!!!


At higit sa lahat, WAG KA MAGPAGAMIT para lang sa pwesto!  Kahit hindi ka appoint nila, ikaw ang gusto namin fire marshall!


You have been warned...

United at Fighter, may paninindigan!

Kami ay saludo sa Fighter at United sa paninindigan na hindi din dadalo sa kalokohang okasyon bukas.

Ayon sa mga bugwit, nanindigan ang pamunuan ng United at Fighter na wala sa ayos ang nangyayari ngayon sa Brigade.
Lalo umanong nasasaktan ang mga taga Fighter dahil sa Brigade naman daw nagsimula ang mga ito.

Ang Central kaya at Fed, may paninindigan?
Sigurado ang TXTFire pupunta, kasi Brigade naman ang may ari ng TXTFire di ba.

Ano ka, Bale?!



Kanina, nakausap ng isang tsismoso si Intensity-3 na nagsabing sa gagawing seremonyas bukas, ay pararangalan ang mga brigadang may 35 years na sa Brigade.

Ibig sabihin, ang mga nagtatag ng Brigade ay pararangalan.

Walang problema dito at ito naman ay ating sinusuportahan.  Ngunit nililinaw lamang natin na ang mga Brigada ang pararangalan ha, hindi yung mga tao.
Well, bukod sa iilan, ok lang naman din pala parangalan ang mga tao ng mga "founding brigades" ng Brigade.

Ang siste :  pararangalan din daw ang mga sumusunod na tao at bibigyan ng Plaque of Commendation :

            Marietta Ang
            Carlos Polican
            Henry Uy
            Rolley So
            Fire Marshall Gerrie Chua
            Fire Marshall Wilson Kok
            Communications Chairman Philips Kiok Kan
            Educator Group head Jones Lim

HUWAT!?!?

Anong kababalaghan ito?


Nasisiraan na ba talaga tayo ng Ulo?

Ano ba ang significant na nagawa nila sa Brigade, lalo na si Mr. UBE bukod sa sirain ang Association para sila bigyan ng award?

Ang dapat sa kanila bigyan ng one way ticket to Swating!

50 tables na!!!

Buong pagmamayabang na sinabi ni Water Ludy sa isa niyang kausap kagabi na "50 tables na ang guaranteed attendees".

Ito ay mula sa naunang 44 noong isang araw.  Ito naman ay dapat talaga ikatuwa, lalo na ng may ari ng kainan dahil wala pa din ito sa kalahati ng pinareserve ng tropang Water Ludy at Mary Eta.

Pero paano nangyari na one or two days before ng activity ay nadagdagan ng anim na lamesa ang mga pupunta?

Aba, nagdagdag sila ng mga imbitado!



Nakatanggap umano ng invitation galing sa Brigade ang Fighter, Central, United, Federation at last but definitely not the least, ang TXTFire!!

Oh, de bah?

Ang galing!!!

Parang mga multipliers, pati mga taga ibang association gagamitin nila.


Sigurado namang hindi pupunta ang mga taga Fighter dahil sa paninindigan ng mga ito.  Ewan ko lang sa Central, United, Fed.  

Ang TXTFire, siguradong pupunta.  Siyempre isang malaking bagay sa kanila ang maimbitahan sa okasyon ng Brigade.


Tanong ko lang, magpagamit kaya ang mga officials ng Central, United at Fed kina Water Ludy?

Pag nagpunta sila dun, ang purpose lang naman nila Water Ludy ay mapakita sa mga bisita na "madami din ang Brigade".  Siyempre sa mata ng mga VIP, hindi nila madidistinguish kung sino ang member ng Brigade at sino ang bisita lang din gaya nila.


At ito ang pinaka-matinding tanong sa lahat :
 Gaya ng mga libreng lamesa na pinapa-alok kay Center-5, sino nanaman ang magbabayad ng extra 6 tables na ito?  Dahil sa sasabihin nila na mga Bisita ang mga taga ibang assosasyon, kukunin nanaman ba ang pondo sa pera ng BRIGADE???


Aba, parang malversation yun ah!

Thursday, April 28, 2011

Pwede ba yun?

Nagtawagan sa akin kaninang tanghali ang mga representante ng mga brigadang hindi pupunta.

Ang tanong :  Uncle, pag ba di kami nagpunta, pwede ba na sila na lang ang magbuhat ng mga bandera namin?
Ang sagot ko :  Subukan nila buhatin ang bandera namin, papaulanan ko sila ng mura!  Di ba nila alam na may pabrika ako ng "P.I. MO!, mga P.I. Sila!?"???


Ang akin lamang ay ganire :
Anong dahilan para nila buhatin ang bandera namin sa parada e kaya nga kami hindi kumuha ng table e dahil pinaparating namin na di namin sila sinusuportahan.  NOTE :  Amin lang ha.  Yung ibang di pupunta di ko alam kung ano dahilan.
Anyway, the mere refusal of the brigades to participate and support the activity perforates the underlying issue of "legitimacy" on the part of the Officers led by Water Ludy.

This alone should tell them something.

Or, as an Alpha texted me the other day, "they are too calloused to feel shame".   Masyado na daw sila makapal para mahiya pa.

Kaya para sa iyo Center-5 na alam kong matino naman mag-isip :  WAG NA WAG MO PAPABUHAT SA IBA BANDERA NAMIN!  Wala kayo karapatan iparada ito ng wala kami!  Subukan niyong gawin ito at sinisiguro ko sa iyong magiging bahagi ka ng lalong paglaki ng lamat sa Brigade.

Smart Contract

Sa mga matiyagang nag-antay ng copy ng Smart, heto na po ang inaantay ninyo.

Sa nagpadala, madaming salamat sa iyo at finally, nagka-kopya na ako.

Yung kopya ng case documents wala pa din ha.

Anyway, heto na po, inyong tignan.

Matagal na itinago ito, mula 2005 sinasabi nila na walang contract between smart at APVFBI.  Usapan lang DAW sabi ni Mr. UBE.  Tinagnan niyo ang kabalbalan ni UBE dito. 

Last year lang nila inamin na meron pala contract.  Bakit ito itatago sa kaalaman ng mga direktor?  May hidden motive ba? 

Kayo na ang humusga.






Inyong pansinin na ang mga benepisyo ng kontratrang ito ay dapat na sa Brigade, hindi sa TXTFire!

Bakit ngayon TXTFire ang nakikinabang!

Take note din dun sa item na sinasabing may libreng text sa mga miyembro ng BRIGADE!

Bakit tila hindi napakinabangan ng Brigade ito at tanging si Mr. Ube lamang ang nakinabang?

At ang nakakainis at nakakaburat nga sa lahat, BAKIT KAILANGANG ITAGO ITO?


News Flash!!!

Akala nila nagbibiro ako at ni hindi sineryoso ni Mary Eta na may kaso na sinampa laban sa kaniya at kay Charlie Papa.

Nitong mga nakaraang araw, natanggap ni Mary Eta at Charlie Papa ang kasong PERJURY na isinampa laban sa kanila sa tanggapan ng Piskalya ng Mandaluyong.

Ang bintang :  Nagsinungaling umano sila Mary Eta at Charlie Papa sa kanilang deklarasyon na isinumite sa SEC nang kanilang sinabi na nagkaroon ng General Membership Meeting noong October 2010 at October 2009 kung saan nahalal umano ang 14 na Director ng brigade na siyang mangangasiwa sa Brigade.

Kayo, mga kapwa ko bumbero, may inattendan ba kayo na General Meeting noong October kung saan naghalal tayo ng 14 na direktor?
At kayong mga direktor, di naman pala kayo direktor talaga dahil ang mga pinasok ni Mary Eta at Charlie Papa na direktor ay 14 lamang.  Ilan ba ang direktor lahat ng Brigade?  Di ba mahigit isang daan?

Anong kababalaghan ito?

Anyway, sinasabing tumaas nanaman ang presyon ni Mary Eta sa bagong pagsubok na kaniyang haharapin.

Sabi ng isang nililigawan ko dati, "maraming pagsubok".

Intensity-3, kabado kang talaga!!!

Maraming nakikinig noong isang gabi sa radyo ang biglang naglipatan sa "27" nang marinig ang shout ni Intensity-3.

Napag-alaman na galing si Intensity-3 sa isang "not-so-secret meeting" kasama sina dalaginding, 5, 18, charlie, alpha, delta, 10, atbp. kung saan pinagusapan ang magiging program sa Sabado.
Napag-alaman ito dahil may nakakita sa kanila sa isang lugar sa isang sikat na lugar sa Timog-kamaynilaan at siya ay umupo sa likod mismo ng kanilang inuupuan.


Napicture-an pa nga daw ng ating bugwit itong grupong "secret society", o matatawag nating "midnight cabinet" ni Water Ludy habang sila ay naguusap usap.
Kung ano ang kanilang napagusapan ay sa ibang post natin ikukwento.

Anyway, matapos ang kanilang meeting, at matapos ihatid ni Intensity-3 si dalaginding sa kaniyang tahanan ay napadaan itong si Intensity-3 sa bandang Macapagal.
May nagsiga umano ng mga tuyong dahon at basura na siya namang kinatakot ni Intensity-3 kung kaya't nagradyo ito sa Brigade ng :

Intensity-3  :  Base Intensity-3
Base          :  Go ahead Intensity-3
Intensity-3  :  Base, grass fire location Macapagal Avenue
Base          :  TY sa info
Intensity-3  :  No, base, grass fire location Macapagal Avenue, malaki na ito!
Base          :  Copy, grass fire location macapagal avenue
Intensity-3  :  Base paglagpas lang ito ng Sea-Oil ha
Base          :  Grass fire location Macapagal Ave., paglagpas ng Sea Oil
Intensity-3  :  Base malaki ito ha, kung pwede yung mga unit, lumabas
silence

Intensity-3  :  Base, yung mga units kung pwede lumabas lang kasi malaki ito.
Base           :  Copy, available units daw, kung pwede pakirespondehan...  Malaki na daw as per Intensity-3

 Sa puntong ito, nagsipag-27 na ang mga tsismoso at tsismoso sa kanilang kyaw kyaw freq.  Nagusap usap na reresponde dahil nga si intensity-3 ay kanilang kaibigan na humihingi ng responde.  Pero walang nag Code-1 sa amin, kami ay nakiramdam pa rin.  Maya-maya...

"Base Pasay Code 1"

maya maya pa ulit

"Base Soler Code-1 ha, Center 5" 

maya maya pa ulit

"Base Pasay Tanker Code-2"

tsismisan ulit mga OIC.  Nagtataka sila kung bakit itong si Intensity-3 ay nagpapalabas ng mga unit samantalang ang sariling brigada niya ay hindi lumabas.  Kahiyaan na ata yun, 23 yung tao nila dun, at nataguriang "little fire chief" ng Prime, hindi lalabasin ng mga kasama niya e Roxas Blvd lang naman daan nila?

Anyway, hindi pa nakaka 23 si Pasay Tanker, shout ulit ang ating BoyToy Mimi.

"Base Intensity-3"

"Go ahead"

"Base, 10-12 na mga units ha.  Hindi pala grass fire, konting basura lang pala.  Mausok lang."


HALLER!!!

Ano ba iniinom niyo sa PRIME at puro kayo kabado?  

Mary Eta, P.I. MO daw, sabi ni Alpha!


Umuusok ang ilong ni G-Alpha kaninang umaga nang tumawag sa mga kasama niya sa tropang reklamador.


Ayon sa magaling na Bugwit, pinapa-announce umano ni Alpha ang Fellowship na susunod na gaganapin sa May 7 na iho-host ng Central District.


Ito ay kanilang commitmment ayon sa napagkasunduan noong nakaraang fellowship.

Ayon sa kwento, ipinaalam daw ng mga operator kay Mary Eta ang pinapa-announce ni G-Alpha.  Ang sagot daw ni Mary Eta ay "Huwag na i-announce, dahil paguusapan pa ng mga Direktor kung itutuloy pa yang fellowship na yan".


HUWAT!?!?!!?


Unang una, kailan pa pinakialaman ng mga Direktor ang fellowship?  Di ba ito ay self-initiative ng operation? 

Pangalawa, bakit si Mary Eta ang may say kung iaannounce o hindi ang kahit anong pinapa-announce ng mga grupo?  Talaga bang siya na ang Communications Chairman???


Pangatlo, sariling initiative ng Central District ang salo-salo.  E ano kung gusto maghost ng dinner ng isang brigada?  Pinagbabawal din ba ito?


Pang-apat, P.I. mo daw Mary Eta, ang pangit pangit mo daw, sabi ni G-Alpha!

Pang-lima, tama ba na pigilan ni Mary Eta ang fellowship?  Ano ang say niya dito?


Pang-anim, P.I. mo daw Mary Etang wal-wal osus!


Pang-pito, P.I. mo daw ulit, Mary Etang mukhang jokla!

Pang-walo, tama ba ang ginawang ito ni Mary Eta?

Pang-siyam, P.I. mo daw ulit, sa ka P-P-han to the max!


Ang kinakasama ng loob ni G-Alpha kay Mary Eta ay, wala naman daw kahit anong subersibong laman ang announcement, na dati naman na ginagawa, bakit hindi pa daw in-announce?

Isa pa, hindi na nga daw sumama sa bagong kaso na sinampa laban kay Mary Eta itong si G-Alpha dahil ayaw na nitong maki-sawsaw kaya di na siya sumama sa kaso, tapos ganito pa daw ang gagawin ni Mary Eta.

Dahil dito, nangako si G-Alpha na papaulanan ng sandamakmak na asunto itong si Mary Eta, pati umano kaliit-liitang issue na pwede niya masilip dito ay kaniyang palalakihin.

Lintik lang daw ang walang Lintsak!

Bagong Dirty Tactics, Inilunsad!!!

Dalawang araw bago ang itinakdang araw ng kalokohan, patuloy na ginagapang ng tropa ni Water Ludy ang mga brigada na hindi magsisipunta.


Sa isang meeting na dinaluhan ng mga aspiring Operations Officers (aspiring kasi gustong gusto talaga nila, pero ni hindi sila pumasok sa top 7 na kailangan para ka maconsider man lang.  Tanging si Center-5 lang ang nanalong malinaw sa kanila) na kinabibilangan ni 3, 18, dalaginding, 5 atbp., nagaalala umano ang mga ito na kakaunti ang pupunta sa sabado.

Una na umanong nagtatawag ang mga kampon ni  Communications Chairman Mary Eta na pagtatawagan ang mga operations representative na hindi pupunta ang mga brigada upang "paalalahanan" na pumunta dahil kasama sila sa maiinduct, bilang mga "representatives" ng kanilang mga brigada.

Itong panggagapang na ito ay kanilang ginagawa sa pag-asa na may mga dumagdag pang mga attendees para sa sabado.  Ito ay importante sa kanila dahil kung may darating na representante ng mga brigada, parang kinilala na din ng mga ito ang legitimacy ng grupo ni Water Ludy.

Ayon pa sa mga pugitang nagkalat, kailangan din daw magpadala ng representative para magbuhat ng kanilang mga Bandera/Banner/Guidon sa parada ng mga Brigada.


Sa madaling salita, ang gusto nila papuntahin ay ang tatlong ilinista sa "representative form", plus isang tao pa na magbubuhat ng guidon ng kanilang brigada. 



Nang tanungin ang emisaryo kung saan sila uupo gayong hindi nga sila nagbayad ng table ang kanilang brigada, ang sagot daw eh, "sagot na daw ni Center-5 ang upuan ng representative at yung magbubuhat ng bandera".

Ano?!  Pati si Center-5 ba ngayon ay nagpapagamit na kina Water Ludy para naman hindi halata na sila ang nakikiusap na magpunta ang mga brigada?

Para ba ito magmukhang madami talaga sa Sabado?

Ang tanong pa dito, sa mga dadagdag na tao na walang upuan o table na binayaran, babayaran ba ulit ng pondo ng Brigade ang lamesa para sa kanila since may invitation na come as they are sila?

Kawawa naman sila, ngayon lang, sa tanang kasaysayan ng Brigade, mangyayari na ganito kadami ang hindi pupunta sa induction.

At ngayon lang, sa tanang kasaysayan ng Brigade naging sobrang baba ng dignidad ng "Presidency" para siya manikluhod at mag-maka-awa na "Please lang, pumunta na kayo".  

Pati mga di niya kinakausap dati ay pilit niyang kinakausap ngayon para maging mga "middle man" upang mapakiusapan ang mga director ng mga brigadang di pupunta na kahit sa last minute ay mapakiusapang dumalo.



This alone should tell us something is wrong with the leadership.

Gaya nga ng tinuran sa mga naunang post, paano niya mahahawakan ang respeto at loyalidad ng mga tao kung siya mismo binabastos, ginagago at hindi tapat sa mga tao?

Love begets love, ika nga ng tatay nung Ex-girlet ko.

Sa pagkakataong ito, mukhang hindi niya tayo love.

Wednesday, April 27, 2011

CJ, nagalit daw?

Mainit init at kapapasok lang na balita!

Umusok daw ang ilong ni Chief Justice kaninang tanghali ng mapagtanto na siya ay napindeho ng grupo ni Water Ludy.

Kaniya umanong binanatan ang kaniyang EA dahil dito.


At tinatanong daw nito kung sino sino ang nasa likod ng panloloko sa kaniya sa naganap na "induction".

Kaniya din umanong tinawagan ang handling Judge ng kaso sa maynila upang alamin ang status ng naturang kaso.

Weh...  

Di nga?

Mga Direktor, nanindigan!

Sa kabila ng masugid na pakiusap ni Water Ludy at Mary Eta sa mga dating mga katropapips nilang mga Brigada, pati sa mga probinsiya, nanindigan ang mga ito na hindi dumalo sa moro-morong "induction" sa katapusan.


Sa isang "special meeting" na ginawa kagabi na dinaluhan ng Voltron brigades (13 lang po ang dumating, yung dalawa wala pa sa manila), napagkasunduan nila na wag suportahan ang gagawing okasyon sa katapusan.


Hindi pa malinaw ang position ng mga Provincial Members subalit apat na ang siguradong hindi susuporta dito.


Dahil dito, hindi lang magiging unang Babaeng Presidente si Water Ludy pag nagkataon.  Magiging unang presidente din siya na binoykot ang induction.  Kung magtagumpay ang Voltron sa kaso, magiging unang Presidente din siya na natanggal sa pwesto.  At pag hindi dumating ang mga VIP na inimbita, magiging unang presidente din siya na pati mga bisita, binoykot siya.  


Kay Water Ludy lang mangyayari na ganito kahiya-hiya ang Brigade, bagay na siya mismo ang may gawa.

Ika nga ng isang presidente ng isang brigada sa Silangang Kamaynilaan, "She brought this upon herself" daw.

Out of 70 tables na pinareserve, 44 lang ang confirmed na nabayaran.  17 pa dito ay nakapangalan sa Binan.


Ibig sabihin, lagpas kalahati ang mababakanteng mga lamesa.

Ang higit pang nakakahiya, may mga voltron officers na sadyang nagbayad ng mesa pero walang papupuntahing mga tao dahil sa mga huling pangyayari.  

May isa pa na nagsabing dalawang tao lang ang papupuntahin niya sa brigada niya, at ito ay para matiyak lamang na walang ibang uupo sa kanilang lamesa.

Baka daw kasi magpapunta ng mga "fillers" ang tropang UBE para magmukhang madami ang bisita.

Sa mga pupunta, kwentuhan niyo kami ha.

Ay, pupunta nga pala ako, para ako mismo makasaksi at nang maibalita ko sa inyo dito ang mga magiging pangyayari dun.

UBE : Mga pangakong napako

Two years ago, may bumberong namatay sa sunog sa San Rafael, Navotas, boundary ng tondo.

Ang bumbero ay tao ni Engine 9.
Unang tinawagan ni Fire Chief ng Engine 9 si Eagle-3  Na siya naman nitong pinasa kay Nova-1.


Si Nova-1 na galing pa Caloocan North (Novaliches) ang nagasikaso, pati kabaong.  Nagbigay din siya ng 50k ng sarili niyang pera para pantulong sa namatayan.

Walang nakakaalam nito, iilang tao lang.  Ni hindi nga alam ni Nova-1 na post ko dito ito at siya naman ay tumutulong ng hindi kailangan ng broadcast.

Ang nangyari, si Jeff Tulin ay lumipat kay UBE, na nangako ng langit at lupa, bilang kapalit ng pagsapi niya sa TXTFire.  Sa lahat ng pinangako ng TXTFire sa Engine-9, tumataginting na apat na libong piso lamang ang kanilang naibigay.  4,000 pesoses.


Ang nangyari, nilapit ni UBE sa Brigade yung namatay, at kagyat namang nagbigay ng tulong sa halagang 200,000 ang Association kahit na hindi natin member ang namatay.  

Ang masama pa, picture taking si UBE at Water Ludy at lumabas sa bali-balita at pinagyayabang ni UBE ay PERA DAW NG TXTFire ang 200,000!


O di ba?  

Ang galing ni UBE.  Pinangangatawanan niya ang kaniyang "mantra" :  "Let others do the job, then take credit!"


Anyway, kinailangan pang ipatawag si Jeff Tulin sa brigade upang ipaliwanag nito kung bakit lumalabas na TXTFire ang nagbigay ng pera e Brigade naman pala, bagay na kinagalit ng mga Direktor ng Brigade.

Ang point dito, si Mr. UBE, pangako ng pangako ng kung ano ano pero pag may nangyayari, gaya nung nangyari sa isang member ng Brigade nung holy week, wala naman ginagawa.  

Pagtataguan ka pa.


Oh, ha?

Tuesday, April 26, 2011

Attendance Check...

Ayon sa huling bilang, 12 na brigada out of 24 ng NCR ang nagsipagbayad ng lamesa.

Ang 12 ay kinabibilingan karamihan ng mga brigada ng mga tinaguriang Oportunista. (Note: Ang sabi po ay mga brigada kung saan kasapi ang mga Oportunista.  Hindi po sinasabing mga Oportunista ang mga brigadang kinaaniban nila.  Mga tao lang po, hindi grupo.)
  • Binan                        17 tables
  • Pasay                          5 tables
  • DJ                              3 tables
  • PRIME                         3 tables
  • Allied                          3 tables
  • Soler                           2 tables
  • Tutuban                      2 tables
  • New Market                 2 tables
  • Valenzuela                   2 tables
  • Youth                          1 table
  • Binondo                       1 table
  • Newville                       1 table
  • Arranque and Kalookan  1 table
  • For provincial members  3 tables

Kung mapapansin niyo,  halos lahat sa mga pupunta ay may mga nakapwesto sa ngayon kung kaya obligado sila magpapunta ng mga tao nila para may papalakpak sa kanilang sariling pagbubuhat ng upuan.

Ito ay sila Binan, Pasay, Soler, South, PRIME, New Market, DJ.  


Sila Arranque at Kalookan naman hindi naman member ng Brigade, but guests.


I wonder kung pinagbayad din ba sila ng tables, gaya ng tatlong naka-allocate sa mga provincial visitors.  

In fact, since hindi nga sanctioned ng mga provincial member-brigades ang Induction, hindi sila pumupunta as representative ng brigada nila, kaya wala sila sariling table.  Di ba nga pinagbabayad sila ng 5k.



Those who will attend na walang incoming Executive Officer ng Brigade ay sila Youth, Valenzuela at Newville.  Ang ibig sabihin nito?


Ibig sabihin nito, sila sila lang din ang mag-iinduction.  Ito ba ay pangitain na hindi nirerecognize ng mga hindi aattend ang legitimacy ng presidency ni Water Ludy?



Hindi gaya ng mga nakaraang Induction na nagkukulang pa ang mga tables dahil sa sobrang dami ng mga attendees.


Sa 70 na pinareserbang upuan, 44 lamang dito ang bayad.  Sa 44 na ito, 17 na lamesa ang sa Binan, o kay Water Ludy.  Hindi pa malinaw kung ang 17 ba na ito ay kasama na ang para sa mga VIP.  Kung kasama, hindi kaya icharge pa sa account ng Brigade ang mga upuan na ito?

Kung 17 sa 44 ang sa Binan, lumalabas na 27 lamang na table ang para sa ibang Brigada.