Tuesday, April 5, 2011

White Paper, binalik na!

Ayon ulit sa aking bugwit, isa-isa na umanong pinapahatid ni Madam Sec Gen Mary Eta ang mga brown envelope na naka-address sa mga brigada.  Una nang hinatid ang sa Novaliches Volunteer.

Pambihira, ibibigay din pala, binitin pa.  Napagod tuloy ako magpost dito.
Anyway, bagamat/ngunit/datapwat unti-unti nang pinapadala ni Madam Mary Eta ang mga ito, may mga tanong pa din ang mga tsismosong bumbero :

  1. Lahat ba ng mga di nakatanggap ay pinadalhan?  
  2. O ang mga pinadalhan lang e yung mga nagreklamo na hindi sila nakatanggap at tinakbo mga kopya nila?
  3. Kaya ba kinuha ni Sec Gen Mary Eta e para maipadala sa mga hindi nakapunta nung meeting?
  4. Gusto na nga ba niya mag-Communications Chairman? Dahil ang mga sulat ay isang form of communication.
  5. Di kaya binuksan ang mga sulat?
  6. At ang pinaka-matindi sa lahat :  Ang mga pinadala ba sa mga hindi nakarating gaya ni Novaliches Volunteer ay pareho ng natanggap ng mga nakakuha noong gabi ding iyon?  Paano natin malalaman kung pareho ang laman at hindi binago ni Sec Gen Mary Eta?  
  7. Ang nangyaring pagkuha sa isang bagay na hindi naman kaniya, ano ang tawag dun?
  8. At dangan nga na kinuha ni Mary Eta, may issue na ngayon ng integrity ng mga papel kung yun nga ang talagang dapat na laman.

Comments?

No comments:

Post a Comment