Monday, April 4, 2011

White Paper Part Seven

ANO ANG TINATAGO?
Ayaw palakihin ng mga Oportunista ang issue at pilit na ginagawan ng paraan na wag malaman ng karamihan ang tunay na nangyayari sa Brigade dahil sila ang mapuputukan.  Ilan lamang sa mga tinatago nila ang mga sumusunod :

·         Illegal na contratang pinasok ni Mr. Ube sa Smart kung saan walang pahintulot ng mga director ay nakipagkontrata siya sa Smart;
·         Bakit kailangang LOKOHIN ni Ka UBE ang mga Director at mga kasapi ng Brigade sa pagsasabing walang kontrata ang Smart at Brigade?;
·         Bakit naman nagmistulang tanga ang mga Director at naniwala naman na wala ngang kontrata?  Kung hindi man lahat tayo, karamihan sa atin ay negosyante, at alam natin na anumang pagkilos gaya ng pagtatayo ng Smart ng cellsite sa gusali ng Brigade ay hindi maaring walang kontrata;
·         Kung ganun at may kontrata pala, at ang TXTFire ay “offshoot” ng kontrata sa pagitan ng Brigade at ng Smart, sino ngayon ang may-ari ng TXTFire?
·         Ilang beses ipinagdiinan ni Mr. UBE na ang TXTFire daw ay isang System lamang at hindi organisasyon.  Kung gayon, bakit hindi ito gamit ng Brigade samantalang ang pagkakatatag dito ay dahil sa kontrata ng Brigade at ng Smart?
·         Bakit nakapagpatayo ng karagdagang aparato ang Smart sa Building ng Brigade samantalang di pa naaaprubahan ng Board ang bagay na ito?  Sino ang pumayag?
·         Gamit ng TXTFire ang pangalan ng brigade, nagsosolicit ng di alam ng mga director at ng mga kasapi;
·         Gumawa ng bank account para dito sa mga nasolicit na di alam ng mga director;
·         Nang mabuking ang bank account, ito ay naglalaman ng mahigit isang Milyong Piso (PhP 1 Million);
·         Nanawagan ang mga director na isurrender sa Brigade ang pangagasiwa ng account na ito, makalipas ang isang buwan, tsaka lang sinurrender ang account at ang laman nito ay nasa 1.6 million.
·         Noong tinurn over ang bank certificate sa brigade, inubos ang pondo, nagtira ng barya, inubos sa loob lamang ng kulang isang buwan.
·         Bakit walang audit na ginagawa sa pondo ng brigade?  May gusto ba itago o ayaw nila malaman natin?
·         Walang sinusumiteng Financial Statement ang Brigade sa SEC.  Bakit kaya samantalang taon taon, nagsusumite tayo ng General Information Sheet, kung saan nakasaad ang mga “umanong” mga taga-pangalaga (director/trustee) ng Brigade;
·         Ang sinusumiteng General Information Sheet ng Brigade, sa pangangasiwa ng Secretary General noong nakaraang taon ay PEKE.  Bakit?  Pinalabas ni Ms. Sec Gen na nagkaron ng halalan noong October e wala naman.  Pinalabas niya na nagkaron ng pagpupulong ng mga kasapi samantalang wala naman.  Sa medaling salita, PINEKE ni Ms. SecGen ang submission na ito sa SEC.  Pinagiisipan na ng ilang kasapi kung anong aksyong legal ang gagawin laban sa kaniya;
·         Tungkol naman sa Communication, bakit ayaw ni Communications Chairman ipaalam kung saan saan andun ang mga link o/at repeater ng Brigade?  Hindi ba’t dapat managot ang communications sa lahat ng kasapi ng brigade?
·         Bakit ang Communications Chairman ng Brigade ay siya ding Communications Chairman ng TXTFire?
·         Kung siya din ang communications chairman ng txtfire, bakit tila mas maganda ang kopya ng radio ng TXTFire kesa Brigade?  Hindi kaya ang mga dapat na gamit ng Brigade na pinondohan ng pera ng Brigade ay ginagamit ng TXTFire?
·         Bakit iba ang pangalan na ginamit ni Ka UBE sa pagpirma ng contrata sa Smart?  Di ba ang tamang pangalan ni Ka UBE ay GERRIE?  Bakit sa contrata na pinasok sa Smart sa pangalan ng Brigade ay GERRY ang kaniyang ginamit?  Ito ba ay di sinasadya o “a mere oversight” o isang bagay na sinadya upang magkaron ng lusot pag nagkataon na magkaputukan at magka-ipitan?
·         Bakit ang mga operator ay pinapirma ng isang dokumento na di nila lubos na nauunawaan, na ang paliwanag lang sa kanila ay “ayon sa dokumentong ito, hindi kayo pwedeng magsalita ng tungkol sa kahit anong alam niyo dito sa Brigade, lalo na sa mga ginagawa naming, kung hindi, tanggal kayo”?  Ano ang papel na pinapirmahan ni binibining SecGen?
·         Bakit pinagmamalaki ni Ka UBE na gumastos siya ng milyon milyon sa mga relief operation, particular sa Bicol samantalang ang ginastos naman niya dito ay pera pala ng Brigade?  Hindi naman pala niya personal na pera!  May karampatang accounting ba na ginagawa sa tuwing naglalabas ng ganun kalalaking mga pera?
·          Bakit tila lahat ng nakapila na gusto nila maging Presidente ay mga hawak o tao nila?  Di kaya ito parang Dynasty na ginagawa ng mga politico para mapagtakpan at maitago ang mga katiwalian na ginawa nila?
·         Ilan lamang ito sa mga tanong na nais sana masagot ng mga Reformist pero bakit ayaw nila ng Check and Balance?  Ano ang kanilang itinatago?
·         Nang magka-ipitan, at nagumpisang magtanong ang mga Reformist, ano ang ginawa ni pareng UBE?  Pinasok niya sina OMAR at BEEGEE na umano’y mga abogado.  Bakit sa tuwing may mga usaping paglilinaw ay pilit nila itong hinaharang?  Bakit sila pinasok na Director ng Brigade samantalang di naman sila bumbero?  Oo nga at walang nagbabawal dito, subalit, ngunit, datapwa’t -  ang bagay na ito ay nagiiwan ng tinatawag na “bad taste in the mouth” at mananatiling kaduda-duda sa kung ano ang tunay na motibo dito ni Ka UBE.  Maari nga naman na may mga director ang mga brigade natin na di naman bumbero talaga, subalit ang mga ito ay Director na internal na lamang sa ating mga brigada.  Ang mga ipapadala natin bilang mga representante sa Brigade ay yung mga tunay na bumbero, sa puso, isip at sa gawa.  Ikaw, kung director ka ng brigade, Bumbero ka ba?  Palagay ko OO.  Sila? Ewan kung ano alam nila bombahin.
·         Bakit kailangang gumastos ni Ka UBE ng appearance fee nila OMGEE (Omar at Beegee) samantalang ito’y simpleng usapin lamang ng kaayusan kung wala siya tinatago?
·         Tunay ba na si abogadong Omar ay may sahod sa City Hall bilang miyembro ng PLEB?  Kung ganun, bakit siya nakakapag “practice” sa labas? Di ba ito’y dapat may pahintulot ng kaniyang mga nakakataas?

2 comments:

  1. we all hope that mr. ube could explain everything!!!all papers should be presented to evryone.

    ReplyDelete
  2. Isang tanong lang para dun sa "MAGALING" na "SEC-GEN" MARY-ETA Alam ba nila na hindi nila pwede pwersahin ang tao na pumirma sa isang dokumentong hindi lubos maintindihan ng tao? Alam ba nila na pwede silang ma-demanda sa labor ng "THREAT"?? Dahil sa pananakot nila na papirmahin yung mga operator?

    At eto pa... ayon sa aking alala... may malaking donation din binigay ang smart kay ka-UBE nung nakaraang party ng apvfbi panhon ata ni ka-UBE yun.. malaking halaga ng pera saan kaya napunta?? sa A/C ba ng APVFB? or sa personal S/A niya as TXTFire??

    ReplyDelete